________________________________________________________________________
MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO
- Ang sakit sa paggamit ng nicotine ay isang pattern ng paggamit ng nicotine na humahantong sa mga malalang problema sa sarili, pamilya at kalusugan. Ang nicotine ay isang kemikal sa mga sigarilyo, pipa ng tabako, at walang-usok na (nginunguya) tabako. Pareho itong isang stimulant, na pinatataas ang enerhiya, at isang sedative, kung saan ay nagpapakalma.
- Para sa anumang paggagmot para maging matagumpay, dapat gustuhing itigil ng iyong anak ang paggamit ng nicotine. Kung umaabuso ang iyong anak o lulong sa nicotine at gustong tumigil, humingi ng tulong mula sa iyong healthcare provider.
________________________________________________________________________
Ano ang sakit sa paggamit ng nicotine?
Ang nicotine ay isang kemikal sa mga sigarilyo, pipa, tabako, cigar, at tabakong walang uso (nginunguya). Pareho itong stimulant, na pinapataas ang enerhiya, at isang sedative, na nagpapakalma sa iyong anak.
Ang sakit sa paggamit ng nicotine ay isang pattern ng paggamit ng tabako na humahantong sa mga malalang problema sa sarili, pamilya at kalusugan. Mas lumalapat ang mga pahayag na ito sa iyong anak, mas malala ang kanyang sakit sa paggamit ng nicotine.
- Mas maraming ginagamit na nicotine ang iyong anak nang mas matagal kaysa sa plinano.
- Gustong magbawas ang iyong anak o tumigil, ngunit hindi magawa.
- Gumugugol nang maraming oras at enerhiya ang iyong anak sa pagkuha ng nicotine, paggamit ng nicotine at pagpapalipas sa mga epekto.
- Sobrang nananabik sa nicotine ang iyong anak kaya nahihirapan siyang isipin ang tungkol sa ano pa mang bagay.
- May mga problema ang iyong anak sa trabaho, paaralan, o sa bahay.
- May mga problema sa relasyon ang iyong anak dahil hindi niya tinutupad ang kanyang mga pangako, o nakikipagtalo o nagiging marahas sa ibang tao.
- Itinitigil ng iyong anak ang paggawa ng mga bagay na mahalaga sa kanya, tulad ng sports, mga libangan, o magpalipas ng oras kasama ng mga kaibigan o pamilya, dahil sa kanyang paggamit sa nicotine.
- Gumagamit ang iyong anak ng nicotine kahit na kapag mapanganib ito, gaya nang habang nagmamaneho o nagpapatakbo ng makinarya.
- Patuloy na ginagamit ng iyong anak ang nicotine kahit na alam niya na napipinsala nito ang kanyang pisikal o mental na kalusugan.
- Kailangang gamitin nang gamitin ng iyong anak ang droga, o gamitin ito nang mas madalas para makuha ang parehong mga epekto. Tinatawag itong tolerance.
- May mga sintomas ng withdrawan ang iyong anak kapag tumitigila siya sa paggamit.
Ang sakit sa paggamit ng nicotine ay maaari ring tawaging pagkalulong, o pagkagumon.
Ano ang sanhi?
Sa una ang iyong anak ay maaaring gumamit ng tabako dahil ginagawang maganda ang pakiramdam niya o dahil gusto niyang baguhin ang isang bagay tungkol sa kanyang buhay. Maaari siyang magsimulang manigarilyo para umakma sa mga kaibigan na naninigarilyo. Maaaring gusto niyang magmukhang cool, mas matanda, o mapagrebelde. O maaaring isipin niya na makatutulong ito sa kanya na mag-relax at makaramdam nang mabuti.
Ang utak ay gumagawa ng mga kemikal na nakakaapekto sa mga pag-iisip, emosyon, at mga kilos. Binabago ng nicotine ang balanse ng mga kemikal na ito sa utak ng iyong anak. Kapag regular na gumagami ng nicotine ang iyong anak, ang kanyang utak ay magsisimulang masanay dito. Bilang isang resulta hindi tama ang kanyang pakiramdam hanggang sa gumamit siya ng nicotine. Kapag ititigil niya ang paggamit ng nicotine, ang balanse ng mga kemikal sa kanyang utak ay nagbabago, na nagiging sanhi ng mga sintomas ng withdrawal.
Maaaring magustuhan ng iyong anak ang pakiramdam, amoy, at paningin ng isang sigarilyo at ang ritwal ng paghawak, pagsindi, at paghitit ng mga sigarilyo. Kung susubukan ng iyong anak na tumigil sa paninigarilyo, ang pagsuko sa mga ritwal na ito ay maaaring palalain ang mga sintomas ng withdrawal at pananabik.
Karamihan sa mga tao na gumagamit ng tabako ay nagsisimula bago sa edad 18. Ang mga batang nagsisimulang manigarilyo sa batang edad ay hindi gaaanong malamang na titigil kapag naging mga may sapat na gulang sila.
Ano ang mga sintomas?
Ang mga senyales ng paninigarilyo ay maaaring kabilang ang:
- Mabilis na tibok ng puso
- Nag-aamoy usok at nagkakaroon ng mabahong hininga
- Pagsisikip ng sinus at paulit-ulit na pag-ubo
- Nahihirapang huminga kapag gumagawa ng mga aktibidad tulad ng pagtakbo o paglangoy
- Sore throat o pamamalat
- Problema sa pagtulog
- Madalas makakuha ng sipon o iba pang impeksyon
Kung mapapansin mo ang mga senyales na ito, hindi ito nangangahulugan na regular na naninigarilyo ang iyong anak, ngunit dapat kang makipag-usap sa iyong anak.
Kapag sinubukan ng iyong anak na tumigil sa paggamit ng tabako, maaari siyang magkaroon ng withdrawal na maaaring maging banayad hanggang sa malala. Kasama sa mga sintomas na maaaring maranasan ng iyong anak kapag ititigil niya ang paggamit ng nicotine ang:
- Pagka-hindi mapalagay at pagkairitable
- Depresyon o pagkaligalig
- Problema sa pag-ukol ng pansin
- Problema sa pagtulog
- Tumataas ang gana
- Mga pananakit ng ulo
- Pananabik sa tabako
Ang mga sintomas ng withdrawal ay maaaring maging matindi, lalo na sa panahon nang unang 72 oras pagkatapos huminto ng iyong anak sa paggamit ng tabako. Pagkatapos nang unang 2 o 3 araw bumubuti ang mga sintomas.
Paano itong ginagamot?
Ang sakit sa paggamit ng nicotine ay nagagamot. Dapat itigil ng iyong anak ang lahat ng paggamit ng tabako, kabilang ang paninigarilyo o mga pipa, at pagnguya ng tabako.
Maaaring irekumenda ng healthcare provider ng iyong anak ang mga pamalit na nicotine na maaaring halos madoble ang mga pagkakataon ng pagtigil nang tuluyan. Maaari kang bumili ng nicotine gum, mga patse, o lozenges nang walang reseta. Ang therapy ng pamalit na nicotine ay hahayaan ang iyong anak na dahan-dahang mabawasan ang dami ng nicotine sa kanyang sistema sa katagalan. Ang paggamit ng pamalit na nicotine ay maaaring mabawasan ang mga pananabik at maalwanan ang mga pisikal na sintomas. Ang dosis ng nicotine ay dahan-dahang nababawasan sa loob nang ilang linggo o mga buwan.
Mga electronic cigarettes, na tinatawag ding e-cigs, ay pinapatakbo-ng-baterya na mukhang sigarilyo o cigar. Gumagawa ang mga ito nang walang usok na nilalanghap ng gumagamit. Ang usok ay naglalaman ng marming kemikal, at kadalasang naglalaman ng nicotine. Ang mga e-cigs ay hindi magandang paraan para itigil ang paninigarilyo dahil:
- Hindi pa napapatunayn na ligtas ang mga ito. Ang ilan sa kemikal ay nakakapinsala. Ang mga e-cigs ay nakakaapekto sa mga baga at paghinga sa ilang paraan ginagawa ngmga sigarilyong tabako.
- Walang patunay na ang mga e-cig ay nakakatulong sa pagtigil sa paninigarilyo. Ang mga e-cig ay naghahatid ng nicotine sa isang paraan na maipagpatuloy ang pagkagumon sa nicotine at paninigarilyo.
Mas malamang na magtagumpay ang iyong anak kung magtatrabaho siya para baguhin ang kanyang pag-uugali pati na rin ang pag-inom ng gamot. Maaaring gustong sumali ng iyong anak sa mga grupong tinutulungan ang sarili tulad ng Nicotine Anonymous o organisadong mga programa ng pagtigil sa paninigarilyo, o subukan ang indibidwal na therapy. Tutulungan ang iyong anak ng cognitive-behavioral therapy (CBT) na tingnan ang mga iniisip, paniniwala, at mga kilos ng iyong anak, at uunawain kung alin ang nagiging dahilan ng mga problema para sa kanya. Pagkatapos ay matututunan ng iyong anak na baguhin ang mga hindi malusog na paraan ng pag-iisip at pagkilos.
Ang hipnosis at acupuncture ay maaaring makatulong sa ilang bata na tumigil sa paninigarilyo.
Papaano kong matutulungan ang aking anak?
Kung gagamit ka ng tabako, humingi ng suporta na kailangan mo para tumigil. Wala sa sasabihin mo tungkol sa tabako ay magiging kasing lakas gaya ng halimbawa na itatakda mo para sa iyong anak.
Kung gumagamit ng tabako ang iyong anak:
- Makipag-usap sa iyong anak. Tanungin kung ano ang nagugustuhan niya tungkol sa paninigarilyo o paggamit ng tabako. Tanungin din kung ano ang hindi niya gusto o kung ano inaalala niya tungkol sa paninigarilyo. Pilitin makahanap ng malusog na panghalili para sa tabako. Bilang halimbawa, kung naninigarilyo ang iyong anak para “umakma”, tulungan siyang maghanap ng iba pang aktibidad, tulad ng sports o drama, kung saan makakaakma siya at makakaramdam nang maganda tungkol sa kanyang sarili.
- Ituro na nagiging sanhi ito ng mabahong hininga, mga ngipin na may mantsa, at nangangamoy na damit.
- Bagaman ang mga kagyat na problemang dulot ng tabako ay mangangahulugan nang labis sa karamihan ng mga bata kaysa sa mga pangmatagalang peligro, mahalaga pa rin na sabihin sa iyong anak na ang mga taong naninigarilyo ay kadalasang namamatay sa mas maagang edad kaysa sa mga hindi naninigarilyo. Ang mga naninigarilyo ay mas malamang na mamamatay mula sa mga problemang dulot ng paninigarilyo, tulad ng kanser, sakit sa puso, o sakit sa baga. Ang paggamit ng mga walang usok na tabako ay nagdudulot ng mga sakit sa gum, kanser sa bibig, at sakit sa puso.
- Ipaalam sa iyong ank na hindi ka pumapayag sa paninigarilyo at hindi mo ito papayagan sa bahay. Isagawa ang iyong pahayag nang hindi nagagalit kung magagawa mo. Ipaalam sa iyong anak kung ano ang mangyayari kung lalabagin niya ang mga tuntunin, tulad ng pagkawala ng cell phone, TV, computer o oras ng laro. Siguraduhin na gagawin mo kung ano ang sinabi mong gagawin mo.
Kung handa nang tumigil ang iyong anak, tulungan siya:
- Mag-plano:
- Magtakda ng petsa sa pagtigil at sabihin ang kanyang pamilya at mga kaibigan. Ang ilang tao ay unti-unting gumagamit nang kaunting tabako sa mga araw na patungo hanggang sa petsa ng kanilang pagtigil. Ang iba ay gumagamit ng parehong dami ng tabako hanggang sa petsa ng kanilang pagtigil.
- Maaari rin makatulong na ngumuya ng mga walang asukal na gum o kumain ng matigas na kendi, beef jerky, o sunflower imbes na manigarilyo o ngumuya ng tabako.
- Itapon ang lahat ng produkto ng tabako at anumang bagay na ginagamit sa tabako tulad ng mga lighter at ashtray.
- Ipasulat sa iyong anak ang kanyang mga dahilan sa hindi paggustong manigarilyo at repasuhin ang mga ito sa tuwing nakakaramdam siya ng panunukso na gumamit ng tabako.
- Gumawa ng listahan ng mga sitwasyon, lugar, o emosyon na gagawing mas malamang na gagamit siya ng tabako. Ang mga bagay na ito ay tinatawag na mga nakapagpapasimula. Ang pagiging may kamalayan sa mga nakapagpapasimulang ito ay makatutulong sa kanya na iwasan ang mga ito o maging handa para sa mga ito. Bilang halimbawa, kung palagi siyang gumagamit ng tabako pagkatapos ng argumento, makapagpaplano siya na maglakad-lakad sa susunod na magkakaargumento siya.
- Tulungan ang iyong anak na baguhin ang kanyang mga pang-araw-araw na palaging ginagawa at kumuha ng mga bagong aktibidad na hindi kasama ang paninigarilyo. Maaaari siyang sumali sa isang grupo ng ehersisyo o kumuha ng sport. Maaaring magustuhan niyang subukan ang pagdodrowing, paggawa ng mga modelo, o iba pang aktibidad para panatilihing busy ang kanyang mga kamay.
- Hikayatin siya na magpalipas ng oras kasama ng mga tao na hindi naninigarilyo. Nakatutulong din na malaman ang mga paraan para mag-relax at pangasiwaan ang stress. Pag-usapan ang tungkol sa kung ano ang mabibili niya sa pera na dapat gagastusin niya sa tabako.
- Hikayatin ang iyong anak na patuloy na subukan. Maraming tao ang sumubok nang higit sa isang beses para tumigil sa paninigarilyo bago sila nagtagumpay sa wakas. Kung mabigo ang iyong anak sa kanyang pagsubok, purihin ang kanyang pagsusumikap at suportahan ang isa pang pagsubok.
Developed by Change Healthcare.
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.