Page header image

Peak Flow Meter: Bersyon ng Teen

(Peak Flow Meter: Teen Version)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang hika ay isang paulit-ulit na sakit sa baga na sanhi ng sintomas tulad ng pag-ubo, paghinga ng may tunog, at kakapusan ng hininga.
  • Ang peak flow meter ay isang maliit na nahahawakang aparato na sinusukat kung gaano kainam na gumagalaw palabas ang hangin sa iyong mga baga. Ginagawa ito nito sa pamamagitan ng pagsukat kung gaaano kang kabilis bumuga ng hangin palabas sa iyong mga baga.
  • Ang sukat ng peak flow ay magsasabi sa iyo kung ang iyong hika ay nakokontrol na mabuti, kung kailangan mong uminom ng gamot, o kung kailangan mo ng agarang tulong.
  • Ang bawat tatak ng peak flow meter ay gumagana nang medyo magkakaiba. Siguruhin na alam mo kung papaaanong gamitin nang tama ang peak flow meter.

________________________________________________________________________

Ano ang hika?

Ang hika ay isang pangmatagalang (hindi gumagaling) sakit sa baga. Nagsasanhi ito ng mga sintomas tulad ng pag-ubo, paghinga nang may tunog, at kakapusan ng hininga.

Ang mga sintomas ng hika ay sanhi ng dalawang magkaibang problema sa mga daluyan ng hangin.

  • Ang isang problema ay ang mga kalamnan sa mga daluyan ng hangin ay sumisikip, na nagsasanhi ng pakiramdam ng paninikip ng dibdib at paghinga nang may tunog.
  • Ang iba pang problema ay pamamaga, iritasyon at sobrang plema sa mga daluyan ng hangin.

Kung ikaw ay may hika, ang mga sintomas ay kadalasang nagsisimula pagkatapos na malantad ka sa isang magpapasimula. Ang mga nagpapasimula ng hika ay maaaring isama ang:

  • Ang mga pang-irita tulad ng malamig na hangin, mga kemikal, pabango, polusyon, at usok
  • Mga bagay na maaaring allergic ka tulad ng alikabok, polen mula sa mga halaman at puno, amag, mga pagkain (tulad ng mga mani), balakubak ng hayop, at mga gamot (tulad ng aspirin)
  • Mga karamdaman tulad ng trangkaso, isang sipon, o isang impeksyon ng sinus
  • Pisikal na aktibidad (na tinatawag na hika na sapilitan-sa-ehersisyo)
  • Impatso, tinatawag din na gastroesophageal reflux disease, o GERD. Kung madalas kang may problema sa impatso sa asido malamang na mas madalas kang makaranas ng sintomas ng hika, lalo na kapag natutulog.

Ano ang peak flow meter?

Ang peak flow meter ay isang maliit na nahahawakang aparato na sinusukat kung gaano kainam na gumagalaw palabas ang hangin sa iyong mga baga. Ginagawa ito nito sa pamamagitan ng pagsukat kung gaaano kang kabilis bumuga ng hangin palabas sa iyong mga baga. Ang sukat ng peak flow ay magsasabi sa iyo kung ang iyong hika ay nakokontrol na mabuti, kung kailangan mong uminom ng gamot, o kung kailangan mo ng agarang tulong.

Ang regular na pagsukat ng peak flow ay makatutulong matuklasan ang mga sintomas ng hika bago mo mapansin ang mga ito. At saka, gamit ang ang colored zone system (berde, dilaw, pula) kasama ng peak flow meter ay matutulungan kang malaman kapag kailangan mo ng tulong at kung papaanong mas mainam na mapangasiwaan ang iyong hika.

Ang mga ito ay mangilan-ngilang ibang klase ng mga peak flow meter, kaya para sa mga tumpak na reading, napakahalaga na maunawaan kung papaanong gamitin ang peak flow meter at maingat na sundin ang mga pagtuturo. Mahalaga rin na gamitin ang parehong peak flow meter para sa lahat ng reading. May dalawang pangunahing klase ng mga peak flow meter:

  • Ang isang klase ay may nai-slide na marker na gumagalaw habang pinipilit mong bumubuga ng hangin sa aparato.
  • Ang isa pang klase ay isang digital na peak flow meter na nirerekord sa aparato ang bawat reading.

Karaniwan na ang peak flow meter ay may panukat na may bilang na sumusukat sa dami ng hangin na ibinubuga mo palabas. Ang bilang ng panukat ay mula 0 hanggang 750. Ang ilang unit ay may naka-display na "traffic light" na kulay ng peak flow zone batay sa iyong personal na pinakamataas na reading ng peak flow.

Kailan ko dapat gumamit ng peak flow meter?

Una kailangan mong malaman ang iyong personal na pinakamataas na reading ng peak flow. Ginagawa ito sa pamamagitan pagkuha ng mga reading ng peak flow nang dalawang beses kada araw sa ilang linggo kapag maganda ang iyong pakiramdam at nakokontrol ang iyong hika. Sa katapusan ng 2 o 3 linggo, tingnan ang mga resulata at piliin ang mga pinakamataas na reading. Pinagpapasyahan ng mga reading na ito ang iyong personal na pinakamataas na reading ng peak flow meter. Irekord ang lahat ng iyong readin sa isang chart at dalhin ang chart sa iyong healthcare provideer. Ang personal na pinakamataas na reading ay bibigyan ka at ang iyong provider ng isang bagay para pagpasiyahan laban sa lahat ng panghinaharap na mga reading ng peak flow.

Maaaring imungkahi ng iyong healthcare provider na sukatin mo ang peak flow araw-araw o kumuha ka ng mga reading nang 2 o 3 beses kada linggo.

  • Pang-araw-araw na gamit: Kung kailangan mong irekord ang iyong peak flow araw-araw, ang unang reading ay dapat reading sa umaga (bago uminom ng anumang gamot). Kung mababa ang mga reading ng iyong peak flow sa umaga, alamin muli ang iyong peak flow sa maaaga sa hapon. Kung iinom ka ng gamot sa gabi, maaaring irekumenda ng iyong provider na kumuha ka ng isa pang reading sa gabi bago mo inumin ang iyong gamot.
  • Lingguhang paggamit: Kung kinakailangang kumuha ng mga reading ng peak flow sa 2 o 3 beses lang kada linggo, kumuha ng reading sa umaga at muli sa gabi sa bawat araw na kukuha ka ng sukat. Sukatin ang peak flow bago gawin ang nilalanghap na gamot. Kung ginagamit ang isang mabili-na-panglunas (bronchodilator) na gamot, ulitin ang peak flow 15 minuto pagkatapos inumin ang gamot at irekord ang anumang pagbabago. Kung magkaiba ang mga reading sa umaga at gabi nang higit sa 20% makipag-usap sa iyong healthcare provider tungkol sa kung papaanong mas mainam na mapangasiwaan ang hika.

Gumamit ng chart para irekord ang mga reading ng iyong peak flow kasama ang petsa at oras ng araw nang kinuha ang mga reading. Irekord din kung gumagamit ka ng mabilis-na-panglunas (pangligtas) na inhaler (isang bronchodilator, tulad ng albuterol).

Dapat mo rin sukatin ang reading ng iyong peak flow kapag may pag-atake ka ng hika. Sukatin ang iyong peak flow pareho bago at pagkatapos gamitin ang mabilis na pagnlunas na gamot para malaman kung gaanong kabuti gumagana ang gamot.

Dapat mo muling tingnan ang iyong personal na pinakamataas na reading taun-taon o sa tuwing makakakuha ka ng bagong meter.

Ano ang zone system?

Ang zone system ay isang madaling paraan para alamin kung ang iyong hika ay nakokontrol na mabuti, kung kailangan mong uminom ng gamot, o kung kailangan mo ng dagliang tulong. Ang peak flow meter ay maaaring markahan ng tatlong colored zone (berde, dilaw, at pula). Ginagawa nito na madaling basahin. Ang mga zone ay iba't iba sa bawat tao at ibinabatay sa iyong personal na pinakamataas na reading ng peak flow. Tutulungan ka ng iyong healthcare provider na alamin ang tamang hanay ng bilang para sa bawat zone. Karamihan sa mga peak flow meter ay may kasamang sticker para markahan ang mga zone.

Ang isang plano ng aksyon sa hika ay isang nakasulat na plano na binuo ng iyong healthcare provider para tulungan kang pangasiwaan ang hika at maiwasan ang mga pag-atake ng hika. Binabatay ito sa zone ng iyong peak flow.

Ano ang ibig sabihin ng mga zone?

Ang mga colored zone na nasa peak flow meter ay itinulad sa traffic light.

Ang Berde ay nangangahulugan na maganda ang konrol (80 hanggang 100% ng personal na pinakamataas na reading). Kapag ang reading ay nasa berdeng zone, nangangahulugan ito na kontrolado ang iyong hika.

Kung nananatili ka sa berdeng zone sa kahit 3 buwan, makipag-usap sa iyong healthcare provider tungkol sa posibleng pagbabawas ng iyong mga gamot.

Ang Dilaw ay nangangahulugan na babala (50% hanggang 80% ng personal na pinakamataas na reading). Kung nasa dilaw na zone ang reading, ito'y nangangahulugan na ikaw marahil ay nagkakaroon ng mga sintomas ng hika o maaaring malapit nang magkaroon ng mga sintomas (atake ng hika). Maaaring nagkakaproblema ka sa mga normal na aktibidad o nagkakaroon ng mga sintomas sa gabi.

Kung madalas na nasa dilaw na zone ang iyong peak flow, o nananatiling nasa dilaw na zone pagkatapos ng paggagamot, nangangahulugan ito na wala sa magandang kontrol ang iyong hika. Makipag-usap sa iyong healthcare provider tungkol sa pagtatama sa iyong gamot.

Ang Pula ay nangangahulugan na panganib (kulang sa 50%ng personal na pinakamataas na reading). Kung nasa pulang zone ang reading ng peak flow, nangangahulugan ito na mapanganib na hindi nakokontrol ang iyong hika. Marahil ay nagkakaroon ka ng malalang mg sintomas ng hika tulad ng sobrang kakapusan ng hininga (kahit na nagpapahinga), paninikip ng dibdib, may tunog na paghinga, at nahihirapang magsalita.

Kung mababa ang iyong peak flow, ngunit maganda ang iyong pakiramdam, kunin muli ang pagsusulit ng peak flow, na sinisiguro na matindi kang bumubuga sa meter.

Para magkaroon ng mga tumpak na reading ng peak flow, kailangan mong ibigay ang iyong pinakamahusay na pagpupursigi sa tuwina.

Papaanong ginagamit ang peak flow meter?

Ang bawat tatak ng peak flow meter ay gumagana nang medyo magkakaiba. Maingat na basahin at sundin ang mga pagtuturo na kasama sa iyong meter. Siguruhin na alam mo kung papaaanong gamitin nang tama ang peak flow meter. Hilingan ang iyong healthcare provider na tingnang ginagamit mo ito.

Kailan at papaano dapat linisin ang aking peak flow meter?

Ang mouthpiece ng meter ay dapat linisin linggu-linggo ng mainit na tubig na may sabon. Banlawan at patuyuin ito nang mabauti.

Developed by Change Healthcare.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng Change Healthcare.
Huling binago: 2015-07-23
Huling narepaso: 2016-06-27
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries
Page footer image