Page header image

Paanong Gumamit ng Metered-Dose Inhaler: Bersyon ng Teen

(Metered-Dose Inhaler, How to Use: Teen Version)

Ano ang metered-dose inhaler?

Ang metered-dose inhaler (MDI) ay isang nabibitbit sa kamay na aparato na naglalabas ng mala-usok ng gamot. Naglalaman ito ng gas na tumutulong sa gamot na makapasok sa loob ng iyong mga baga. Tumutulong ang Inhaler na dalhin ang gamot nang direkta sa iyong mga baga habang humihinga ka nang malalim.

Ang aparatong tinatawag na spacer ay maaaring gamitin kasama ng inhaler. Ang spacer ay isang espesyal na bag o plastk na tubo na nakakabit sa inhaler na nagpapanatili sa gamot habang nilalanghap ito papasok sa iyong mga baga.

Ang mangilan-ngilang klase ng mga gamot ay mabibili tulad ng mga metered-dose inhaler, kabilang ang:

  • Mga gamot na mabilis-na-panglunas, tinatawag din na reliever, o gamot na pangligtas. Ang gamot na ito ay ginagamit kapag kinakailangan para gamutin ang mga atake ng hika. Isa itong klase ng gamot na tinatawag na bronchodilator. Ang mga bronchodilator ay mga gamot na ginagawang mas madali ang paghinga.
  • Ang mga gamot na pangmatagalan na pangkontrol, ay tinatawag din na gamot na controller. Ang regular na pag-inom ng gamot na ito araw-araw ay nakakatulong kontrolin ang iyong mga sintomas. Hindi ito nakapagbibigay ng mabilis na ginhawa sa paghinga nang may tunog sa mga atake ng hika. Ito rin ay isang klase ng bronchodilator.
  • Gamot na steroid, tinatawag din na gamot na pangkontrol ng hika dahil ang regular na pag-inom nito araw-araw ay nakakatulong kontrolin ang iyong mga sintomas. Binabawasan nito ang pamamaga sa iyong mga baga sa pamamagitan ng paghadlang sa ilang kemikal na nagiging sanhi ng iritasyon at pamamaga. Kapag kakaunti ang iyong pamamaga, magkakaroon ka ng mas kaunting sintomas at magagawang makahinga nang mas mabuti.

Kapag gumagamit ka ng higit sa 1 klase ng inhaler, kadalasang gagamitin mo muna ang bronchodilator.

Papaano kong gagamitin ang inhaler?

May ilan-ilang paraan para gamitin ang isang inhaler. Makipag-usap sa iyong provider o parmasiyotiko tungkol dito.

  1. Alugin nang mabuti ang inhaler.
  2. Kung hindi pa nagamit dati ang inhaler o kung hindi pa nagamit ang inhaler sa maikling panahon, dapat mong ihanda ang inhaler. Gawin ito sa pamamagitan ng pag-spray ng 2 o 3 spray ng gamot sa ere. (Sa tuwing gagamitin mo ang inhaler, ang susunod na dosis ay kinukuha sa isang chamber sa loob ng inhaler. Kung hindi pa nagamit ang inhaler o naimbak nang matagal nang hindi ginagamit, ang ilan sa gamot ay tutulo sa bahaging nagpapanatili. Nangangahulugan ito na hindi mo makukuha ang buong dosis ng gamot sa susunod na gagamitin ito. Sa paghahanda sa inhaler sinisiguro na makukuha mo ang buong dosis ng gamot.)
  3. Hawakan nang patayo ang inhaler para nasa ilalim ang mouthpiece.
  4. Para sa marming inhaler ang pinakamagandang paraan para maipasok ang gamot sa loob ng iyong mga baga ay buksan ang iyong bibig at hawakan ang mouthpiece nang 1 hanggang 2 pulgada (mga 2 o 3 daliri ang lapad) sa harap ng iyong bibig. Ang pinakamagandang paraan para gamitin ang ilang iba pang klase ng inhaler ay direkdtang ilagay ang mouthpiece ng inhaler sa loob ng iyong bibig at isara ang iyong mga labi sa paligid nito. Gamitin ang iyong inhaler tulad ng itinuturo ng iyong healthcare provider.
  5. Huminga nang normal.
  6. Diinan pababa nang isang beses ang inhaler para makapagpalas ito ng isprey ng gamot sa iyong bibig habang dahan-dahan kang lumalanghap. (Ang isang spray ay tinatawag na ‘puff.’) Patuloy na lumanghap nang dahan-dahan at malalim hanggat maaari.
  7. Pigilin ang iyong hininga nang 10 segundo, o habang komportable. Binibigyan nito ng oras ang gamot na makaabot sa iyong mas mababang daluyan ng hangin.
  8. Dahan-dahang huminga.

Kung kailangan mong gawin nang higit sa 1 puff, maghintay ng 1 minuto bago gawin ang susunod na dosis. Muling alugin ang gamot at ulitin ang mga hakbang 3 hanggang 8 para sa isa pang puff. Gawin ang dami ng puff na inireseta ng iyong healthcare provider.

Kung gumagamit ka ng nilalanghap na gamot na steroid, banlawan ang iyong bibig ng tubig pagkatapos ng huling dosis at idura ang tubig.

Papaano kong lilinisin ang inhaler?

Hugasan ang lalagyan na plastik para sa inhaler isang beses isang linggo ng sabon at tubig sa gripo. Banlawang mabuti at hayaang matuyo sa hangin ang mga piyesa.

Huwag magtatabi ng inhaler sa mga lugar na maaaring sobrang uminit o lumamig, tulad ng kotse.

Developed by Change Healthcare.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng Change Healthcare.
Huling binago: 2013-07-16
Huling narepaso: 2016-06-27
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries
Page footer image