________________________________________________________________________
MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO
- Kapag pakiramdam na nai-stress ang iyong anak, naglalabas ang kanyang katawan ng mga kemikal papunta sa kanyang dugo. Ang sobrang stress o stress na matagal nang nagpapatuloy ay nagiging sanhi sa mga kemikal na mabuo. Nakapipinsala ito sa pisikal at emosyonal na kalusugan ng iyong anak.
- Maaaring magamot ang stress sa pamamagitan ng ehersisyo at pag-aaral ng mga pamamaraan sa pamamahinga. Maaaring gamitin ang gamot para sa maikling panahon para makatulong sa pagkaligalig o depresyon hanggang sa maresolba ang stress. Ang therapy na indibidwal, grupo, at pamilya ay maaaring maghandog ng suporta at makatulong mabawasan ang mga takot at pag-aalala.
- Subukang tulungan ang iyong anak na humanap ng malulusog na paraan para maaksyunan ang stress. Ang pagpapatingin sa therapist ay maaaring makatulong kapag ang iyong anak ay sumasailalim sa maraming stress.
________________________________________________________________________
Ano ang stress?
Ang stress ay paraan ng katawan sa pagtugon sa anumang uri ng pangangailangan o pagbabago. Kapag pakiramdam na nai-stress ang iyong anak, naglalabas ang kanyang katawan ng mga kemikal papunta sa dugo. Ang mga kemikal na ito ay nagibbigay ng lakas na lumaban o tumakas. Matutulungan nito ang ang iyong anak na magtuon at pataasin ang kanyang enerhiya kung siya ay nasa pisikal na panganib. Ngunit ang stress na sanhi ng mga bagay na hindi malalabanan ng iyong anak o matatakasan ay nangangahulugan na ang mga kemikal na ito ay wala nang mapupuntahan. Ang katawan ng iyong anak ay tumutugon sa pamamagitan ng pagtaas ng presyon ng dugo at ginagawang mas mahirap gumana ang puso. Ang ganitong klase ng stress ay maaaring makaapekto sa pisikal at mental na kalusugan ng iyong anak. Ang karamihan sa pagpapatingin sa opisina ng healthcare provider ay para sa mga kundisyon na kaugnay sa stress.
Ano ang sanhi?
Ang stress ay maaaring maging sanhi ng parehong maganda at masamang mga karanasan. Pagpasok sa paaralan, pagsisimula ng bagong trabaho, pakikipag-date, at pagharap sa sakit ay maaaring lahat ay maging nakaka-stress. Tayong lahat ay may ilang stress sa ating mga buhay, at ang kaunti ay maaaring maging maganda rin sa atin. Sinasabi ng ilang bata na mas marami silang magagawa kung sila ay may deadline. Ngunit ang sobrang stress o stress na patuloy na napakatagal ay nakapipinsala.
Ang anumang bagay na nakikita ng iyong anak bilang isang problema ay maaaring maging sanhi ng stress. Ang iba’t ibang bagay ay maaaring maging sanhi ng stress para sa ibang bata. Ang stress ay maaaring maging sanhi ng pang-araw-araw na mga bagay, tulad ng paggawa ng takdang-aralin o pagkuha ng mga pagsusulit, pati rin ang malalaking problema kabilang ang:
- Pagbabago sa pamilya, tulad ng isang paglipat, diborsyo, malalang sakit, pagkamatay, o pagsilang
- Pang-aabuso
- Inaapi
- Mga alalahanin tungkol sa pagganap at kung ano ang iisipin ng ibang tao
- Mga pagtatalo sa pamilya
- Dalamhati o pagkawala
- Mga bagong pagkakaibigan o mga pakikipagtalo sa kasalukuyang mga kaibigan
- Panggigipit ng kauri para magnakaw sa tindahan, humitit ng sigarilyo, o gumamit ng mga droga
- Mga problema sa pananalapi ng pamilya
- Pag-abuso sa alkohol o sustansya ng mga miyembro ng pamilya
- Mga panlipunang kaganapan tulad ng mga party o pakikipag-date
- Mga likas na sakuna o gawa-ng-tao
Ang karamihan sa ma-stress na mga kaganapan sa maikling panahon ay maaaring magkaroon nang mas malaking epekto sa iyong anak. Ang caffeine at ilang gamot, tulad ng mga stimulant, ay maaaring mapalala ang stress.
Ano ang mga sintomas?
Ang mga sintomas ng stress ay maaaring kabilang ang:
- Pananakit sa likod, pananakit ng ulo, o pananakit ng tiyan
- Pagbabago sa gana ng pagkain, heartburn, o pagkasira ng tiyan
- Pagbabago sa mga nakagawian sa pagdumi at pag-ihi
- Pagkairita, galit, o pagsuway
- Pagkaligalig
- Kalungkutan
- Mababang enerhiya
- Tensyon sa kalamnan
- Kahirapan sa malalim na pag-iisip o pag-alala sa mga bagay
- Kahirapan sa pagtulog at kapaguran
- Pagdagdag ng timbang o pagbawas ng timbang
Paano itong sinusuri?
Tatanungin ng iyong healthcare provider ang tungkol sa mga sintomas ng iyong anak at susuriin ang iyong anak. Ang stress ay maaaring maging sanhi ng mga karaniwang sintomas, tulad ng pananakit ng ulo o mga problema sa pagtunaw, na may maraming posibleng mga sanhi. Sisiguraduhin ng iyong provider na walang medikal na karamdaman ang iyong anak na maaaring maging sanhi ng mga sintomas.
Paano itong ginagamot?
Therapy
Ang therapy (indibidwal, grupo, o pamilya) ay maaaring maghandog ng suporta, tulungan ang iyong anak na matutunan ang mas mabisang mga pamamaraan na maaksyunan ang stress, at makatulong mabawasan ang mga takot at pag-aalala.
Gamot
Ang gamot ay maaaring ireseta para makatulong bawasan ang mga sintomas ng depresyon o pagkaligalig at tulungan ang iyong anak na makaagapay sa stress. Ang gamot ay maaaring gamitin sa maikling panahon para makatulong hanggang sa maresolba ang stress.
Ehersisyo
Ang ehersisyo ay magandang paraan para mapawi ang stress. Pinapalakas ng pisikal na aktibidad ang mga kemikal sa katawan, na tinatawag na mga endorphin, na tinutulungan ang iyong anak na makaramdam nang mabuti. Ang pagtuon sa paglalaro ng soccer o pag-a-aerobics ay maaari rin matulungan ang iyong anak na makalimutan sandali kung ano ang bumabagabag sa kanya. Ang pag-eehersisyo ay maaari rin makapawi ng tensyon sa kalamnan, matulungan ang iyong anak na makaramdam nang mas masigla, at tutulungan ang iyong anak na makatulong nang mas mabuti.
Himukin ang iyong anak na kumuha ng sport, sumali sa isang grupo ng ehersisyo, o maglakad nang kahit isang milya kada araw. Maghanap ng aktibidad na nae-enjoy ng iyong anak at nakakatulong sa kanya na makapag-unwind. Hindi makakatulong kung ang pagpipilit na umakma sa isang programa ng ehersisyo na gagawing mas naii-stress ang pakiramdam ng iyong anak!
Pagpapahinga
Ang mga kasanayan sa pagpapahinga ay kinakailangan ng pagsasanay para matutunan. Ang pag-aaral na magpahinga ay maaaring:
- Tulungan ang iyong anak na matulog nang mas mabuti
- Alisin sa isipan ng iyong anak kung ano ang bumabagabag sa kanya
- Makatulong sa mga pisikal na sintomas sa pamamagitan ng pagpapababa sa bilis ng tibok ng puso, presyon ng dugo, at tensyon ng kalamnan
Kabilang sa mga kasanayan sa pagpapahinga ang:
- Malalim na paghinga (pagtuon sa mabagal na paghinga nang malalim)
- Paglalarawan sa pag-iisip (nilalarawan ang isang payapang lugar at hinahayaang magpahinga ang mga kalamnan)
- Pagkamapag-alala (pagtuon lamang sa ngayon, nang hindi nang huhusga, at hindi iniisip ang nakalipas o hinaharap)
- Progresibong pagpapahinga ng kalamnan (pagbabanat at pagpapahinga ng katawan, paisa-isang grupo ng kalamnan)
Paano kong mapapangalagaan ang aking anak?
- Suportahan ang iyong anak. Hayaan ang iyong anak na pag-usapan ang mga nakaka-stress na kaganapan o mga pagbabago. Ang suporta at pang-unawa na ibinibigay mo ay matutulungan ang iyong anak na pangasiwaan ang stress. Siguruhin na may panahon para sa mga kaibigan. Ang pagsasabi ng mga bagay sa iba ay nakakatulong.
- Tulungan ang iyong anak na matutunang pangasiwaan ang stress.
- Piliting kilalanin ang pinagmulan ng stress. Pagkatapos ay magkasamang lunasan-ang-problema tungkol sa kung papaanong pinakamainam na mapapangasiwaan ang stress.
- Turuan ang iyong anak ng mga paraan para maresolba ang mga conflict. Sabihin sa iyong anak ang tungkol sa mga panahon na nagalit at na-stress ka, at kung ano ang ginawa mo. Magbigay ng mga halimbawa ng kung ano ang maaaring gawin ng iyong anak sa isang katulad na sitwasyon.
- Hayaan ang iyong anak na gumawa ng mga simpleng desisyon kapag naaangkop. Dahil ang stress ay kadalasang ginagawang walang lakas ang pakiramdam ng bata, matutulungan mo ang mga bata sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanila na mayroon silang kontrol sa ilang bahagi ng buhay. Bilang halimbawa, maaaring isaalang-alang mong hayaan ang iyong anak na magdesisyon kung ano ang kakainin sa hapunan o kung papaanong palilipasin ang araw.
- Himukin ang iyong mga anak na gumawa nang kasing buti hanggat kaya nila, ngunit huwag silang pilitin o iparamdam sa kanila na masyado kang madidismaya kung hindi sila gagawa nang mabuti. Tulungan silang magtakda ng mga layunin na makakamit nila. Turuan silang magsabi nang “hindi.”
- Tulungan silang balansehin ang kanilang panahon at magbigay ng panahon para sa ehersisyo, pahinga, pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan at paglabas at pagsasaya.
- Magpanatili ng regular na schedule, tulad ng pagkain sa parehong oras araw-araw at pagtulog sa parehong oras gabi-gabi.
- Pangalagaan ang pisikal na kalusugan ng iyong anak. Siguruhin na kumakain nang malusog na diyeta ang iyong anak at nakakakuha nang sapat na tulog at ehersisyo araw-araw. Turuan ang mga bata at teen na iwasan ang alkohol, caffeine, nicotine, at mga droga.
- Suriin ang mga gamot ng iyong anak. Para makatulong maiwasan ang mga problema, sabihin sa iyong healthcare provider at parmasyotiko ang tungkol sa lahat ng gamot, mga likas na remedyo, bitamina, at iba pang suplemento na iniinom ng iyong anak.
- Kontakin ang iyong healthcare provider o therapist kung mayroon kang anumang katanungan o ang mga sintomas ng iyong anak ay hindi bumubuti o mukhang lumalala.
Humingi ng emergency na pag-aalaga kung ang iyong anak o teenager ay may mga ideya ng pagpapatiwakal o pananakit sa kanyang sarili, o pananakit sa iba.
Developed by Change Healthcare.
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.