Page header image

Pilay: Bersyon ng Teen

(Sprain: Teen Version)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang pilay ay pagbanat o pagkapunit ng isa o marami pang ligament na nagkakabit sa iyong mga buto para mabuo ang hugpungan.
  • Baguhin o itigil ang paggawa sa mga aktibidad na nagiging sanhi ng pananakit hangggang sa maghilom ang mga pilay.
  • Ang pilay ay maaaring gamutin sa pamamagitan ng mga benda o brace, yelo, ehersisyo, at paminsan-minsan ay gamot. Kadalasan, hindi kinakailangan ng operasyon.

________________________________________________________________________

Ano ang pilay?

Ang pilay isang pinsala sa mga litid sa isang hugpungan. Ang mga litid ay matitibay na tali ng tissue na nagkokonekta sa isang buto papunta sa isa pa para mabuo ang mga kasukasuan. Kapag napinsala ang isang litid, maari itong mabanat, bahagyang mapunit, o ganap na mapunit.

Ano ang sanhi?

Ang mga pilay ay kadalasang sanhi ng isang biglaang aktibidad na nagpapabluktot, nakakapunit, o nakakabanat ng litid, tulad ng pagbagsak o isang bagay na tatama sa iyo.

Ano ang mga sintomas?

Maaaring kabilang sa mga sintomas ang:

  • Pananakit
  • Pamamaga at pamamasa sa ibabaw o malapit sa isang hugpungan
  • Kahirapang igalaw ang napinsalang hugpungan

Papaano itong sinusuri?

Tatanungin ng iyong healthcare provider ang tungkol sa iyong mga sintomas, aktibidad, at medikal na history at susuriin ka. Maaari magkaroon ka ng ma-X-ray o iba pang scan.

Papaano itong ginagamot?

Kakailanganin mong magpalit o itigil ang mga aktibidad na nagiging sanhi ng pananakit hangggang sa maghilom ang litid.

Maaaring irekumenda ng iyong healthcare provider ang mga ehersisyong pag-uunat at pampalakas para tulungan kang maghilom. Ang splint, brace, o sling ay makakatulong iwasang gumalaw ang napinsalang bahagi habang naghihilom ito.

Kung malubha ay pilay, maaaring kailanganin mo ng operasyon para kumpunihin o muling buuin ang mga napunit na litid.

Kadalasanag bumubuti ang pananakit sa loob ng ilang linggo sa pamamagitan ng sariling-pag-aalaga, ngunit ang ilang pinsala ay maaaring tumagal nang mangilan-ngilang buwan o mas matagal na maghilom. Mahalaga na sundin ang lahat ng itinuturo ng iyong healthcare provider.

Papaano kong pangangalagaan ang sarili ko?

Para mabawasan ang pamamaga at pananakit para sa unang ilang araw pagkatapos ng pinsala:

  • Maglagay ng bulsa-de-yelo, gel pack, o pakete ng mga nagyelong gulay na nakabalot sa isang basahan sa napinsalang bahagi tuwing 3 hanggang 4 na oras nang hanggang 20 minuto nang minsan.
  • Panatilihing nakapatong ang napinsalang bahagi sa mga unan kapag uupo o hihiga ka.
  • Uminom ng hindi inireresetang gamot sa pananakit, tulad ng acetaminophen, ibuprofen, o naproxen. Basahin ang label at inumin tulad ng inuutos. Maliban lang kung inirerekumenda ng iyong healthcare provider, hindi mo dapat inunim ang mga gamot na ito nang higit sa 10 araw.
    • Ang mga nonsteroidal anti-inflammatory medicines (NSAIDs), tulad ng ibuprofen, naproxen, at aspirin, ay maaaring magsanhi ng pagdurugo ng bituka at iba pang problema. Ang mga peligrong ito ay tumataas sa edad. Ang paglalagay ng NSAID gel sa iyong balat ay maaaring mabawasan ang pananakit, na may kaunting mga side effect kaysa sa mga pildoras na iniinom. Tanungin ang iyong healthcare provider kung tama para sa iyo ang isang reseta.
    • Ang acetaminophen ay maaaring maging sanhi pinsala sa atay o iba pang problema. Maliban lang kung inirerekumenda ng iyong provider, huwag iinom nang higit sa 3000 milligrams (mg) sa 24 na oras. Para makasigurado na hindi ka iinom nang sobra, tingnan ang iba pang gamot na iniinom mo para malaman kung naglalaman din sila ng acetaminophen. Tanungin ang iyong provider kung kailangan mong iwasan ang pag-inom ng alkohol habang iniinom ang gamot na ito.

Sundin ang mga itinuturo ng iyong healthcare provider, kabilang ang anumang ehersisyong inirerekumenda ng iyong provider. Tanungin ang iyong provider.

  • Papaano at kailan mo malalaman ang mga resulta ng iyong pagsusuri
  • Gaanong katagal para makapanumbalik sa dating lakas ng katawan
  • Kung may mga aktibidad na dapat mong iwasan, at kung kailan ka makakabalik sa iyong mga normal na aktibidad
  • Papaanong pangalagaan ang iyong sarili sa bahay
  • Anong mga sintomas o problema ang dapat mong subaybayan at ano ang gagawin kung magkakaroon ka ng mga ito

Siguruhin na alam mo kung kailan ka dapat bumalik para sa isang checkup. Puntahan ang lahat ng appointment para sa pagpapatingin o eksaminasyon ng provider.

Papaano akong makakatulong iwasan ang isang pilay?

Ang karamihan sa pilay ay nangyayari mula sa mga aksidente na hindi maiiwasan. Gayunman, ang mga ehersisyong pang-warm-up at pag-uunat bago sa mga aktibidad ay makakatulong maiwasan ang mga pinsala.

Sundin ang mga patakarang pangkaligtasan at gumamit ng anumang pangprotektang kagamitan na inirerekumenda para sa iyong trabaho o sport.

Developed by Change Healthcare.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng Change Healthcare.
Huling binago: 2015-03-10
Huling narepaso: 2016-09-20
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries
Page footer image