Sudden Infant Death Syndrome
________________________________________________________________________
MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO
- Ang syndrome na biglaang pagkamatay ng saggol (sudden infant death syndrome), o SIDS, ay ang biglaang hindi maipaliwanag na pagkamatay ng isang natutulog na sanggol na mababa sa 1 taong gulang.
- Para makatulong maiwasan ang SIDS, palaging patulungin ang iyong sanggol sa kanyang likuran sa isang matatag na pang-ibabaw tulad ng isang kutson ng kuna. Dapat walang malalambot na laruan, unan, kumot, o mga pang-depensa sa bunggo (bumpers) na nasa kuna ng sanggol.
- Ang pagpapasuso at paggamit ng tsupeta ay maaari ring makatulong para maiwasan ang SIDS.
________________________________________________________________________
Ano ang SIDS?
Ang syndrome na biglaang pagkamatay ng saggol (sudden infant death syndrome), o SIDS, ay ang biglaang hindi maipaliwanag na pagkamatay ng isang natutulog na sanggol na mababa sa 1 taong gulang. Ang SIDS ay ang pinakakaraniwang sanhi ng pagkamatay sa mga sanggol sa pagitan ng 1 buwan at 1 taong gulang sa United States.
Ano ang sanhi?
Ang eksaktong sanhi ng SIDS ay hindi nalalaman. Mas mataas ng peligro kung:
- Natutulog ang sanggol na nakasubsob ang mukha o nakatagilid, natutulog na may malambot na sapin, natutulog sa isang higaan kasama ng iba, o sobrang napaiinitan habang natutulog
- Ang ina ay naninigarilyo, umiinom, o gumagamit ng mga droga bago o pagkatapos isilang ang sanggol
- Ipinanganak nang premature ang sanggol, o may kapatid na lalake o babae na namatay sa SIDS
- Lalaki ang sanggol
Ang mga pagpapabakuna (mga iniksyon ng sanggol) ay hindi nagsasanhi ng SIDS.
Papaano akong makakatulong iwasan ang SIDS?
Para makatulong maiwasan ang SIDS:
- Siguruhin na patutulugin mo ang iyong sanggol nang nakahiga.
- Patulugin ang iyong sanggol sa isang crib na gawa para lang sa mga sanggol. Dapat matibay ang kutson. Huwag hahayaang matulog ang sanggol sa parehong higaan kasama ng ibang bata o may sapat na gulang, o sa isang sofa, silyang may patungan ng kamay, o unan.
- Huwag maglalagay ng malalambot na laruan o mga sobrang unan sa crib ng iyong sanggol.
- Huwag gagamit ng mga maluluwang na kumot o iba pang pantakip sa crib ng iyong sanggol. Kung gagamit ka ng kumot, isuksok ito para hindi matatakpan ang mukha ng iyong sanggol. Huwag kailanman hahayaang matakpan ng kumot, comforte, o quilt ang ulo ng iyong natutulog na sanggol sa kuna o sa isang upuang pagkaligtasan ng sasakyan.
- Magpasuso kung magagawa mo. Ipinapakita ng mga pag-aaral na ang mga saggol na sumususo ay may mas kaunting mga impeksyon sa paghinga na maaaring mapataas ang peligro ng SIDS.
- Subukang gumamit ng pacifier kung ang inyong sanggol ay mahigit ng 1 buwang gulang. Ang mga tsupeta ay naiugnay na sa mas mababang peligro para sa SIDS. Huwag puwersahin ang iyong sanggol na gumamit ng tsupeta kung tumatanggi siya.
- Huwag sobrang paiinitan ang silid ng iyong sanggol. Ang silid ay dapat na kumportable para sa isang matanda na nakasuot ng magaan na pananamit. Hindi dapat mainit ang pakiramdam ng iyong sanggol sa hipo at hindi dapat pinapawisan habang natutulog.
- Kung naninigarilyo, umiinom, o gumagamit ng mga droga, subukang tumigil lalo na kung buntis ka.
- Kung may iba pang taong nag-aalaga ng iyong sanggol, siguruhin na susundin nila ang mga alituntuning ito.
Ang mga pang-monitor ng sanggol ay hindi pa nagpakita na nakakapigil ng SIDS.
Para sa higit na impormasyon tungkol sa SIDS kontakin ang:
Developed by Change Healthcare.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng
Change Healthcare.Huling binago: 2017-06-29
Huling narepaso: 2017-03-27
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries