Mga gamot sa ADHD
Saan ginagamit ang mga gamot sa ADHD?
Ang mga batang may Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD) ay may mga problema sa pag-ukol ng pansin (hindi nakikinig), hindi makaupo nang pirmi (sobrang aktibo), at gumagawa ng mga bagay na hindi muna nag-iisip (pabigla-bigla). May mga gamot na nakakatulong gamutin ang mga sintomas ng ADHD.
Ang mga gamot sa ADHD ay mabilis gumana, kaya malalaman sa loob ng ilang araw kung nakakatulong ito sa iyong anak. Ang dosis ay maaaring kailanganing itama ng healthcare provider ng iyong anak. Ang mga benepisyo ng gamot na ito ay kadalasang kasama ang:
- Hindi gaanong nahihirapang tapusin ang gawain sa klase at araling-pambahay
- Hindi gaaanong hindi mapakali o pinipilipit ang katawan
- Mas mainam na pagkontrol ng mga emosyon
- Hindi gaanong mamayamutin at mapusok
- Mas mainam na pakikipag-ugnayan sa pamilya at mga kaibigan
- Pinatataas ang pagpapahalaga sa sarili
Ang ilang bata ay maaaring maging mas aktibo sa gabi pagkatapos lumipas ang gamot. Ang ilang batang may ADHD maganda ang ginagawa gamit ang mga pamamaraan ng pagsasanay ng ugali, at maaaring hindi kailanganin ng gamot. Walang lunas para sa ADHD, bagaman makakatulong ang gamot na mapangasiwaan ang ilang sa mga sintomas.
Papaano ito gumagana?
Ang mga gamot sa ADHD ay mga stimulant. Iniisip ng mga nananaliksik na ang bahagi ng utak na kumokontrol sa focus at atensyon ay hindi husto sa gulang at mahinang gumagana sa mga batang may ADHD. Pinasisigla ng gamot ang mga bahaging iyon ng utak para mas mainam na mag-ukol ng pansin ang bata at makapag-focus sa mga aktibidad.
Ano pa ang kailangan kong malaman tungkol sa gamot na ito?
- Ang gamot na ito ay naiugnay na sa biglaang pagkamatay sa mga bata at teen na may mga depekto sa puso o iba pang problema sa puso. Maaaring suriin ng iyong provider ang iyong anak para sa sakit sa puso bago uminom ang iyong anak ng gamot na ito. Makipag-usap sa iyong provider tungkol sa mga peligro at benepisyo.
- Sundin ang mga direksyon na kasama ng gamot ng iyong anak, kabilang ang impormasyon tungkol sa pagkain o alkohol. Siguruhin na alam mo kung papaano at kailan kailangang inumin ng iyong anak ang gamot. Hindi dapat uminom ang iyong anak nang sobra o kulang sa dapat niyang inumin.
- Piliting makuha ang lahat ng inireseta sa iyong anak na mapunan sa parehong lugar. Makatutulong ang iyong parmasyotiko na masiguro na ang lahat ng gamot ng iyong anak ay ligtas na inumin nang magkakasama.
- Magdala ng listahan ng mga gamot ng iyong anak. Ilista ang lahat ng iniresetang gamot, hindi iniresetang gamot, mga suplemento, likas na remedyo, at mga bitamina na iniinom ng iyong anak. Sabihin lahat ng healthcare provider na gumagamot sa iyong anak tungkol sa lahat ng produkto na iniinom ng anak mo.
- Karamihan sa mga gamot ay may mga side effect. Ang side effect ay isang sintomas o problema na dulot ng gamot. Tanungin ang iyong healthcare provider o parmasyotiko kung anong mga side effect ang maaaring idulot ng gamot at kung ano ang gagawin mo kung magkaroon ng mga side effect ang iyong anak.
Kung mayroon kang anumang katanungan, tanungin ang iyong healthcare provider o parmasyotiko para sa higit na impormasyon. Siguruhing mapupuntahan ang lahat ng appointment para sa pagpapatingin o eksaminasyon ng provider.
Written by Robert M. Brayden, MD, Professor of Clinical Pediatrics, University of Colorado School of Medicine.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng
Change Healthcare.Huling binago: 2013-10-08
Huling narepaso: 2017-04-11
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries