Ang protection, rest, ice, compression, and elevation (PRICE) ay isang paggagamot para sa mga hindi lubhang mahalagang pagkapuwersa, pagkapilay, pagkapasa at iba pang pinsala ng kalamnan. Ginagamit ito sa ilang unang mga araw pagkatapos ng pinsala.
Proteksyon
Pagkatapos ng pinsala, halagang maprotektahan ang bahagi sa marami pang pinsala. Depende kung nasaan ang iyong pinsala, maaaring kailanganin mong gumamit ng sling, splint, mga saklay, tungkod, o mga patpat sa paglakad.
Pahinga
Pagkatapos ng pinsala, kailangan mong magpahinga sa iyong mga aktibidad para pahintulutan ang iyong katawan na gumaling. Bilang halimbawa, kung mapilay ang iyong bukung-bukong, maaaring kailanganin mong iwasan ang paglalakad o paglalagay ng bigat sa iyong bukung-bukong. Kung nasaktan ka habang naglalaro ng sports, mahalaga na huwag bumalik sa paglalaro hanggang sa maghilom ang iyong pinsala. Ang pagbalik sa paglalaro nang napakaaga ay maaaring palalain ang pinsala.
Yelo
Nakakatulong ang yelo na kontrolin ang pamamaga. Subukang maglagay ng yelo sa isang pinsala sa lalong madaling panahon. Maglagay ng bulsa-de-yelo, gel pack, o pakete ng mga nagyelong gulay, na nakabalot sa isang basahan, sa napinsalang bahagi tuwing 3 hanggang 4 na oras nang hanggang 20 minuto nang minsan. Huwag maglalagay ng yelo nang direkta sa iyong balat.
Kompresyon
Ang pagdiin ay nakakatulong malimitahan ang pamamaga ng napinsalang bahagi. Nagbibigay din ito ng ilang karagdagang suporta sa napinsalang bahagi. Maaari kang gumamit ng nababanat na benda, trainer’s tape, o kahit na isang piraso ng damit para mabalutan ang napinsalang bahagi. Siguruhin na mababalutan ito nang napakahigpit. Kung napaka higpit nito, maaaring mapigilan nito ang supply ng dugo sa napinsalang bahagi.
Pagtataas
Ang pagtaas sa napinsalang bahagi ng iyong katawan sa isang unan ay isa pang paraan para tulungang mabawasan ang pamamaga. Pinakamainam na gagana ito kung pananatilihin mong mataas sa pantay ng iyong puso ang bahagi ng katawan Nakakatulong ito na pigilan ang likido na mamuo sa bahaging napinsala. Kung hindi mo maitataas ang napinsalang bahagi ng katawan na mataas sa pantay ng iyong puso, piliting huwag bumaba sa pamamagitan ng pagpatong nito sa mga unan o isang silya.
Ang paggagamot ng napinsala gamit ang PRICE ay maaaring mabawasan ang pamamaga, pananakit, at makakatulong sa iyo na gumaling nang mas mabilis. Tanungin ang iyong healthcare provider:
Siguruhin na alam mo kung kailan ka dapat bumalik para sa isang checkup.