________________________________________________________________________
MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO
- Ang pag-abuso at pagkalulong sa sustansya ay mga pattern ng paggamit ng alkohol o droga na humahantong sa malalalang problemang pangpersonal, pangpamilya, at pangkalusugan.
- Ang mga senyales ng pang-aabuso ay maaaring kabilangan ng mga pisikal na sintomas tulad ng pananakit ng ulo o palaging tumutulong sipon, mag emosyonal na senyales tulad ng pagkasumpungin o biglaang galit, o mga pag-uugali tulad ng pagkawala ng interes sa eskuwela, sports, o mga libangan. Ang ilan sa senyales ng mga babalang ito ng pag-abuso sa droga o alkohol ay maaari rin maging mga senyales ng iba pang problema.
- Kung nag-aalala ka na inaabuso ng iyong anak ang alkohol o droga, makipag-usap sa iyong anak, o sa isang healthcare provider.
________________________________________________________________________
Ano ang sakit sa paggamit ng sustansya?
Ang sakit sa paggamit ng sustansya ay isang pattern ng pag-inom ng alkohol o mga droga na humahantong sa mga malalang problemang pangpersonal, pangpamilya at pangkalusugan. Mas lumalapat ang mga pahayag na ito sa iyong anak, mas malala ang kanyang sakit sa paggamit ng sustansya.
- Mas maraming ginagamit ang iyong anak o ginagamit ang sustansya nang mas matagal kaysa sa plinano.
- Gustong magbawas ang iyong anak o tumigil, ngunit hindi magawa.
- Gumugugol nang maraming oras at enerhiya ang iyong anak sa pagkuha ng mga droga, paggamit ng mga droga at pagpapalipas sa mga epekto.
- Sobrang nananabik sa alkohol o mga droga ang iyong anak kaya nahihirapan siyang isipin ang tungkol sa ano pa mang bagay.
- May mga problema ang iyong anak sa trabaho o eskuwela.
- May mga problema sa relasyon ang iyong anak dahil hindi niya tinutupad ang kanyang mga pangako, o nakikipagtalo siya o nagiging marahas sa ibang tao.
- Itinitigil ng iyong anak ang paggawa ng mga bagay na dating mahalaga sa kanya, tulad ng sports, mga libangan, o magpalipas ng oras kasama ng mga kaibigan o pamilya, dahil sa paggamit ng sustansya.
- Gumagamit ang iyong anak ng alkohol o mga droga kahit na kapag mapanganib ito, gaya nang habang nagmamaneho o nagpapatakbo ng makinarya.
- Patuloy na gumagamit ang iyong anak ng mga sustansya kahit na alam niya na napipinsala nito ang kanyang pisikal o hinggil sa isip na kalusugan.
- Kailangang gumamit pa nang marami ang iyong anak ng droga o alkohol, o gamitin ito nang mas madalas para makuha ang parehong mga epekto. Tinatawag itong tolerance.
- May mga sintomas ng withdrawan ang iyong anak kapag tumitigila siya sa paggamit.
Ang sakit sa paggamit ng sustansya ay maaari ring tawaging pag-abuso sa droga, pag-abuso sa sustansya, pagkalulong, o pagkagumon.
May maraming klase ng droga, parehong ligal at ilegal, na maaaring maabuso:
- Alkohol
- Marijuana, heroin, at cocaine
- Mga inhalant, kung saan ay mga singaw mula sa glue, paint thinner, o fluid ng lighter
- Mga drogang gawa ng tao tulad ng methamphetamine, K2, Ecstasy, o LSD
- Nicotine
- Mga gamot sa ubo, sipon, pagtulog at diyeta na walang reseta
- Ang mga gamot na iniresta tulad ng mga steroid, stimulant, mga gamot sa pagtulog, mga narkotikong gamot sa pananakit, o mga gamot para gamutin ang ligalig
Ano ang mga senyales ng isang sakit sa paggamit ng sustansya?
Kung umaabuso ang iyong anak sa alkohol o mga droga, siya ay maaaring:
- Maging padaskul-daskol at may napakaraming aksidente
- Maging walang kakayanan na makinig nang mabuti
- Nagiging sumpungin, magagalitin, malungkutin o nag-aalala sa lahat ng oras
- May mga sakit ng ulo, pananakit ng tiyan, panginginig, pag-ubo, malabong pananalita, sumusuray, o isang palagiang pagtulo ng ilong
- May biglaang mga pagbabago sa hitsura tulad ng mapupula o namumugtong mata, o mabilis na pagbabago ng timbang
- May mga pagbabago sa ganang kumain o pagtulog
- Nawawalan ng interes sa mga aktibidad na dating naghahatid ng kasiyahan tulad ng mga libangan o sports
- Napapabayaan ang personal na hitsura tulad ng hindi paliligo o pagsusuklay ng buhok
- Tumitigil sa pagpapakita ng interes sa paaralan, bumababa ang mga grado, o tumitigil sa pagpasok sa paarala
- Tumitigil sa paggugol ng oras kasama ng mga kaibigan o nagsisimulang maki-istambay sa mga batang gumagamit ng mga droga
- Madalas humingi ng pera o kumuha ng pera o mga bagay sa bahay para ibenta
Ang ilan sa senyales ng mga babalang ito ng pag-abuso sa droga o alkohol ay maaari rin maging mga senyales ng iba pang problema. Susuriin ng healthcare provider ng iyong anak at tatanungin ang tungkol sa mga sintomas para alamin kung mayroong pisikal na dahilan para sa kanyang mga sintomas. Ang iyong anak ay maaaring gamutin para sa mga pisikal na problema, o isangguni sa isang espesyalista sa kalusugan ng pag-iisip.
Ang ilan sa mga sintomas na ito ay karaniwan sa mga teenager. Kung nag-aalala ka na gumagamit ng mga droga ang iyong anak, kausapin sila.
Papaano kong matutulungan ang aking anak?
- Turuan ang iyong anak kung papaanong mamili nang tama tungkol sa alkohol at mga droga. Turuan sa paraan na umaakma sa edad ng iyong anak at abilidad na makaunawa.
- Kung nanonood ka ng TV kasama ang iyong 6-na-taon at nabanggit ang coccaine sa isang programa, maaari mong sabihing, "Alam mo ba kung ano ang cocaine? Masama itong gamot na maaaring makasakit sa katawan mo." Kung marami pang tanong ang iyong anak, sagutin ang mga ito. Kung hindi, hayaan ito. Maikli, mga simpleng kumentarayo, na madalas ulitin, ay maipababatid ang mensahe.
- Para sa iyong 12-taong-gulang, maaaring ipaliwanag mo kung ano itsura ng cocaine at crack, ang iba't ibang pangalan para sa cocaine, at kung papaano mababago ng paggamit ng cocaine ang kanyang utak at katawan. Ulitin ang mensahe. Makipag-usap sa iyong anak tungkol sa mga droga sa tuwing magagawa mo.
- Tanungin kung ano sa palagay ng iyong anak ang tungkol sa mga droga at alkohol. Panatilihing positibo at mahinahon ang pag-uusap. Ang pakikipag-usap "kasama" ng iyong anak, imbes na "sa" iyiong anak ay matutulungan siyang matutong gumawa ng mga malusog na desisyon sa kanyang sarili. Makinig sa mga damdamin at alalahin ng iyong anak, para pakiramdam nila'y kumportableng makipag-usap sa iyo. Makinig nang hindi nagagalit o nangangaral.
- Maging handa na tanungin ka ng iyong anak tungkol sa iyong sariling paggamit ng droga. Kung hindi ka nakagamit ng mga droga, ipaalam ito sa iyong anak at ipaliwanag kung bakit. Kung nakagamit ka ng mga droga, maging matapat, ngunit ipaliwanag kung ano ang iyong natutunan at kung bakit ka tumigil. Linawin ang posisyon ng iyong pamilya sa mga droga. Bilang halimbawa "Sa aming pamilya, hindi kami gumagamit ng mga droga at hindi pinapayagan ang mga bata na uminom ng alkohol." Magtakda ng magandang halimbawa. Mas malamang na malamang ang iyong anak na manigarilyo, uminom, o gumamit ng mga droga kung naninigarilyo, umiinom, o gumagamit ka ng mga droga, kahit na sabihan sila na huwag gagawin.
- Pag-usapan ang tunkol sa kung ano ang nagagawa ng mabuting kaibigan. Ang panggigipit ng kauri ay isang malaking bahagi kung bakit nasasangkot ang mga bata sa mga droga at alkohol. Tulungan ang iyong anak na maunawaan na ang mga kaibigan na nanggigipit sa kanila na uminom o gumamit ng mga droga ay hindi talaga mga kaibigan. Isabuhay ang mga paraan para tumanggi ang iyong anak sa mga droga, bilang halimbawa:
- Sabihing, "salamat na lang" at lumakad palayo.
- Magmungkahi ng iba pang bagay na gagawin, tulad ng maglaro ng video game.
- Gumamit ng pampatawa, tulad ng, "Salamat na lang. Ayokong iprito ang utak ko."
- Bumuo ng pagpapahalaga sa sarili. Ang mga batang maganda ang pakiramdam tungkol sa kanilang sarili ay mas hindi gaanong mababaling sa mga droga. Maghandog ng maraming papuri para sa magandang trinabaho. Kung kailangan mong pintasan o disiplinahin ang iyong anak, pag-usapan ang aksyon, hindi ang bata. Bilang halimbawa, imbes na sabihing "dapat mas alam mo" subukang sabihing, "hindi ligtas ang ginagawa mo." Maglaan ng oras araw-araw para mag-usap, maglaro, o maglakad kasama ang bawat isa sa iyong mga anak.
Ang mga tao at mapagkukunan sa iyong komunidad na makatutulong sa iyo na isama ang iyong mga healthcare provider, therapist, mga grupo ng suporta, mga center sa kalusugan sa pag-iisip, at alkohol o mga programa sa paggagamot sa pag-abuso sa sustansya. Maaaring gusto mong kontakin ang:
Developed by Change Healthcare.
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.