Page header image

Pagbibinata para sa mga Batang lalake

(Puberty for Boys)

Ang pagbibinata ay ang panahon kapag ang iyong katawan ay lumalaki patungo sa katawan ng lalake.

Papaanong nagsisimula ang pagbibinata?

Ang pagbibinata ay nagsisimula sa mga pagbabago sa iyong mga hormone. Dahil sa pagbabago sa mga hormone na inilalabas mula sa iyong utak, ang itlog ng iyong bayag ay nagsisimulang gumawa ng testosterone. Ang testosterone ang pangunahing hormone na nagpapasimula sa mga pagbabago na nangyayari kapag dumaraan sa pagkabinata ang mga batang lalake.

Kailan nagsisimula ang pagbibinata?

Maaaring magsimulang magbinata ang mga batang lalake nang kasing aga sa edad na 9 na taon o kasing huli sa edad na 14. Kadalasan tumatagal ito nang 3 hanggang 4 na taon para gawin ng iyong katawan ang mga pagbabago patungo sa katawan ng lalake.

Papaano kong malalaman kapag nagsimula na ang pagbibinata?

Ang unang bagay na maaari mong mapansin ay ang buhok sa ari. Pagkatapos magsimulang tumubo ang buhok sa paligid na bahagi ng iyong ari, ang iyong ari ay mas hahaba at mas kakapal. Mas lalaki rin ang mga itlog ng iyong bayag. Ang mga itlog ng bayag ay gumagawa ng mga semilya pati na rin testosterone. Kung makikipagtalik ka, maaaring mapunlaan ng semilya ang isang itlog ng babae at magagawa ng sanggol. Ang mga itlog ng bayag ay nasa scrotum, na supot ng maluwag na balat sa ibaba ng ari. Habang nahuhusto ka sa gulang, ang scrotum ay lalawit nang mababa at magiging maluwag.

Bilang karagdagan sa buhok sa paligid ng ari, magsisimula kang magkaroon ng buhok sa kili-kili at mas marami sa iyong mga binti. Magkakaroon ka rin ng maraming amoy sa katawan, kaya maaaring gusto mong maligo nang mas madalas o simulang gumamit ng deodorant.

Magbabago ang iyong boses. Ito ay matagal. Bago mas lumalim ang iyong boses, maaaring dumaan ito sa panahong umiingit. Maaaring mapahiya ka nito, ngunit ito’y kadalasang hindi nagtatagal nang higit sa 6 na buwan.

Mas palalakihin at mas palalakasin ng testosterone ang iyong mga kalamnan kahit na hindi mo dagdagan ang iyong pisikal na aktibidad.

Tungo sa katapusan ng pagbibinata, magkakaroon ka ng biglang pagbugso ng paglaki. Maaaring lumaki ka nang 4 hanggang 6 na pulgadang mas mataas sa 1 taon. Magisimulang tumubo ang iyong balbas. Maaari rin tumubo ang buhok sa iyong dibdib, tiyan, at likuran.

Ano ang mga paninigas?

Ang mga batang lalake ay maaaring tigasan (matigas na ari) sa anumang edad, ngunit sa panahon ng pagbibinata magsisimula kang magkaroon ng mga ito nang mas madalas. Kadalasang nangyayari ang paninigas kapag may mga sexual kang iniisip o pisikal na kontak sa isang tao na kinahuhumalingan mo. Ginagawa ng mga bagay na ito na mas maraming dugo ang dumadaloy papunta sa ari. Maaari rin mangyari ang mga paninigas kapag nagsarili ka (ginagamit ang kamay para hagurin ang iyong ari). Maaari ka rin magkaroon ng mga paninigas nang hindi nag-iisip o gumagawa ng anumang bagay. Ang pag-focus ng iyong atensyon sa isa pang bagay o gumagawa ng iba’t ibang pisikal na aktibidad, tulad ng pagtakbo o paliligo na malamig, ay makakatulong maalis ang paninigas.

Ano ang mga wet dream?

Habang lumalaki ang iyong katawan, ang mga hormone mula sa utak ay sinasabihan ang mga itlog ng bayag na gumawa ng semilya. Ang iyong katawan ay gagawa ng milyun-milyong semilya araw-araw. Gagawa rin ang iyong katawan ng likido na iniimbak ang semilya. Ang likidong ito na pinagsama sa semilya ay tinatawag na isperma. Ang isperma ay maaaring maimbak nang sandali, ngunit pagkatapos ng sandali kinakailangan itong mapakawalan. Sinesenyasan ng mga hormone ang ari na magpatigas at pagkatapos ay pakawalan ang isperma. Maaaring mangyari ito habang natutulog ka. Maaaring magkaroon ka ng mga panaginip na romantiko o sexual kapag nangyayari ito at ang mga panaginip na ito ay tinatawag na wet dreams. Ang mga wet dream ay normal. Maaaring mangyari ang mga ito ng ilang beses sa isang linggo, ilang beses sa isang buwan, o maaaring hindi na talaga. Ang mga ito ay normal na bahagi ng paglaki.

Ano ang pagsasarili?

Ang pagsasarili ay paghipo, paghagod, o paghimas sa iyong ari para sa kasiyahan. Maninigas ang ari at ang paghipo o paghagod ay maaaring humantong sa pagpapakawala ng isperma. Maaaring makadama ito nang maganda at makapagpapakawala ng tensyon. Sa maaga hanggang sa kagitnang bahagi ng pagbibinata, karamihan sa mga batang lalake ay magsisimulang magsarili. Maaari kang magsarili nang mangilan-ngilang beses sa isang araw, minsan sa isang buwan,o hindi na talaga. Ito ay likas na paraan para siyasatin ang iyong katawan at medyo normal. Kadalasang ginagawang biro ng mga tao ang tungkol dito, ngunit mahalagang ito’y malaman na walang masamang bagay na nangyayari sa pagsasarili.

Ano naman ang tungkol sa tagihiyawat?

Ang isang bahagi ng pagbibinata na hindi gusto ng kabataan ay tagihiyawat. Maaaring narinig mo na ang tagihiyawat ay sanhi ng hindi paghuhugas ng iyong mukha o mula sa pagkain ng masebong pagkain o matatamis. Walang patunay na ang mga bagay na ito ay nagiging sanhi ng tagihiyawat. Ito ay sanhi ng pagbabago ng iyong mga hormone at isang normal na bahagi ng paglaki. Ang ilang batang lalake ay maaaring hindi magkaroon ng maraming tagihiyawat, ngunit sa iba ay maaaring malala ito. Maaari kang bumili ng mga gamot para lunasan ang banayad na tagihiyawat nang walang reseta. Kung mukhang mas malala ang iyong tagihiyawat, maaaring gusto mong magpatingin sa iyong healthcare provider para sa gamot para tulungang malunasan ito.

Ano ang mga pagbabagong emosyonal sa pagbibinata?

Habang dumadaan ka sa pagkadalaga nagsisimula kang magkaroon ng maraming iba’t ibang nararamdaman. Sinusubukan mong pag-isipan ang iyong lugar sa mundo. Nagiging mas hindi umaasa at nagsisimulang gumawa ng mga bagay nang wala ang iyong mga magulang. Maaari kang maimpluwensiyahan ng mga ideya ng iyong mga kaibigan at makaramdam ng pamimilit na gawin ang mga bagay na maaari kang hindi sumang-ayon, tulad ng paggamit ng mga droga o alkohol. Ito ang panahon para simulang uriin ang iyong mga simulain at magpasiya kung ano ang tama at mali.

Bilang bahagi nito, maaaring magsimula kang magkaroon ng matitinding simbuyong sexual. Maaari kang magsimulang magkaroon ng mga romantikong pakiramdam sa isang tao at magsimulang makipag-date. Maaaring maramdaman mo na umiibig ka sa isang araw at hindi sa susunod. Likas ito na magkaroon ng mga pakiramdam na mabilis na nagbabago. Maaari kang magsimulang mag-isip tungkol sa pakikipagtalik. Maglaan ng panahon para pag-isipang mabuti ang iyong desisyon bago ka makipagtalik. Kailangan mong pag-isipan ang tungkol sa mga pisikal at emosyonal na peligro na gagawin mo. Kung magpapasiya kang makipagtalik o oral sex (inilalagay sa iyong bibig ang ari ng kapareha), ito’y mahalagang pag-usapan kasama ang iyong kapareha tungkol sa gagawin ninyo at ang mga epektong peligro. Ang batang babae na kinatalik mo ay maaaring mabuntis o maaari kang makakuha ng impeksyon mula sa sex. Ang pakikipagtalik sa higit sa isang kapareha ay pinapataas ang mga peligrong ito. Ang tanging paraan para maiwasan ang pagbubuntis o isang impeksyon na sexually transmitted, 100% palagi ang hindi pakikipagtalik.

Kung magpapasya kang makipagtalik, kausapin ang iyong kapareha tungkol sa pagpigil sa pag-aanak. Ang mga condom na latex ay isang uri ng pagpigil sa pag-aanak na nakakatulong maiwasan ang pagbubuntis at pinoprotektahan ka din mula sa ilang impeksyon.

Sino ang makakausap ko tungkol sa mga pagbabagong ito?

Subukang makipag-usap sa iyong mga magulang o iba pang nakatatanda tungkol sa iyong mga katanungan o mga alalahanin. Ang mga magulang ang maaaring pinakamainam na makukunan at pinakamatatag na suporta, ngunit maaari kang makaramdam ng pagkadistansya sa kanila at hindi komportableng makipag-usap sa kanila. Maaaring pareho rin ang maramdaman ng iyong mga magulang. Tandaan na ang iyong kultura, musika, at mga istilo ng pananamit ay naiiba sa kung ano nakasanayan ng iyong mga magulang. Ang iyong mga magulang ay maaaring mukhang hindi nakapag-uugnay sa iyong mundo, ngunit talagang gusto nilang malaman kung ano ang nararamdaman at pinagdadaanan mo. Maging bukas kapag tinanong ka nila tungkol sa mga bagay tulad ng sex, droga, at mga pagkakaibigan. Kung pakiramdam mong hindi nauunawaan ng iyong mga magulang ang iyog mga pangangailangan, kausapin sila tungkol dito at tanungin sila kung makakapaglaan kayo ng mas maraming panahon nang magkasama. Maaaring magawa mo rin na makipag-usap sa iyong healthcare provider, isang pinagkakatiwalaang kamag-anak, kaibigan o guro tungkol sa mga pagbabagong pinagdaraanan mo.

Developed by Change Healthcare.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng Change Healthcare.
Huling binago: 2013-11-04
Huling narepaso: 2016-03-07
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries
Page footer image