Page header image

Pagdadalaga para sa mga Batang babae

(Puberty for Girls)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang pagdadalaga ay ang panahon kapag nangyayari ang mga pagbabago sa iyong katawan na ginagawa itong posible para magkaanak ka kung makikipagtalik ka.
  • Maaaring magsimulang magdalaga ang mga batang babae nang kasing aga sa edad na 7 o 8 o kasing huli sa edad na 14.
  • Makatutulong na makipag-usap sa iyong mga magulang, healthcare provider, kaibigan, o guro tungkol sa mga pagbabago na pinagdadaanan mo.

________________________________________________________________________

Ang pagdadalaga ay ang panahon kapag ang iyong katawan ay lumalaki patungo sa katawan ng dalaga. Ang mga pagbabago sa iyong katawan ay ginagawang posible para magkaanak ka kung makikipagtalik ka.

Papaanong nagsisimula ang pagbibinata?

Ang pagdadalaga ay nagsisimula sa mga pagbabago sa iyong mga hormone. Dahil sa pagbabago sa mga hormone na inilalabas mula sa iyong utak, ang iyong mga obaryo ay nagsisimulang gumawa ng hormone na estrogen. Ang mga obaryo ay bahagi ng iyong reproductive system. Gumagawa ang mga ito ng mga itlog at saka ang hormone na progesterone ng babae. Ang estrogen ang pangunahing hormone na nagpapasimula sa mga pagbabago na nangyayari kapag dumaraan sa pagkadalaga ang mga batang babae.

Kailan nagsisimula ang pagbibinata?

Maaaring magsimulang magdalaga ang mga batang babae nang kasing aga sa edad na 7 o 8 o kasing huli sa edad na 14.

Papaano kong malalaman kapag nagsimula na ang pagbibinata?

Ang unang bagay na mapapansin mo ay ang paglaki ng iyong mga dibdib. Sa una, mayroon lang kaunting paglaki sa baba ng utong. Maaaring tumagal nang 4 hanggang 5 taon para ganap na lumaki ang iyong mga dibdib.

Magsisimula kang magkaroon ng mga buhok sa pagitan ng iyong mga binti, sa bahagi ng iyong ari. Magsisimula ka ring tubuan ng buhok sa iyong mga kili-kili at mas maraming buhok sa iyong mga binti. Magkakaroon ka rin ng maraming amoy sa katawan, kaya maaaring gusto mong maligo nang mas madalas o simulang gumamit ng deodorant.

Magsisimula rin magbago ang hugis ng iyong katawan. Mas lalapad ang iyong balakang at magkakaroon ka ng taba ng katawan sa mga bagong parte sa iyong katawan. Paminsan-minsan ang mga batang babae ay nagkakaproblemang tanggapin ang nagbabagong hugis ng kanilang katawan. Gayunman, ang mga pagbabagong ito ay mahalaga para sa iyong kalusugan at ang mga ito ay normal na bahagi ng paglaki. Madadagdagan rin ang iyong timbang sa panahong ito. Ito ay normal. Kung nag-aalala ka tungkol sa pagdaragdag ng timbang makipag-usap sa iyong healthcare provider tungkol dito.

Marami ring pagbabago ang nagaganap sa loob ng iyong katawan. Dahil sa mga pagbabago sa iyong ari (ang kanal ng panganganak), maaaring magsimula kang magkaroon ng kaunting puting discharge. Ito ay normal. Ang ari at matris ay mas lalaki. Ang matris ay kung saan lumalaki ang mga sanggol kung ikaw buntis. Sa loob ng matris, mga blood vessel at tissue ang magsisimulang lumaki, na sa bandang huli ay hahantong sa iyong unang pagreregla.

Ang mga batang babae ay kadalasang nagkakaroon ng biglang pagbugso ng paglaki sa 1 hanggang 2 taon pagkatapos magsimula ang pagdadalaga at halos 6 na buwan bago sila magsimulang reglahin. Ang biglang pagbugso ng paglaki ay kapag mabilis lumalaki ang iyong katawan sa maikling panahon. Malamang na hindi ka na mas lalaki pagkatapos mong magsimulang reglahin. Gayunman, patuloy na magiging mas malakas ang iyong mga buto. Kaya ito’y mahalaga na magkaroon ng 4 hanggang 5 hain ng pagkain araw-araw na mayroong maraming calcium. Tumutulong ang calcium na bumuo ng malalakas na buto, para bumaba ang pagkakataon na magkaroon ng osteoporosis (mahinang buto) kapag mas matanda ka na.

Ano ang siklo ng pagreregla?

Ang mga batang babae ay pinapanganak na kasama ang lahat ng kanilang itlog (halos 2000 o higit). Ang mga itlog ay iniimbak sa 2 obaryo. Sa bawat buwan bago ka reglahin, nagpapakawala ang obaryo ng itlog. Tinatawag itong ovulation. Ang itlog ay naglalakbay sa isang tubo na tinatawag na fallopian tube na papunta sa matris. Pinakakapal ng mga hormone ang lining ng matris para ihanda ang matris para sa isang sanggol kung sakaling mapunlaan ang itlog ng semilya mula sa isang lalake. Ang ilang batang babae ay may pananakit sa bandang ibabang bahagi ng kanilang tiyan sa panahon ng ovulation.

Kung hindi mapunlaan ng semilya ng lalake ang itlog, inaalis ng matris ang lining na inihanda nito para sa isang sanggol nang ilang linggo pagkatapos ng ovulation. Kapag inaalis ng matris ang lining nito, dadaloy ang dugo palabas sa iyong ari. Tinatawag itong daloy ng regla, o ang iyong regla.

Pagkatapos ng bawat regla, ang buwanang siklo ng regla ay muling magsisimula.

Ano pa ang dapat kong malaman tungkol sa regla?

Para sa una o dalawang taon, maaari kang magkaroon saanman mula sa minsan sa isang buwan hanggang 3 beses isang taon. Pagkatapos ay magsisimula ang iyong regla na mas regular at magkakaroon ka buwan-buwan.

Maaaring gusto mong magdala ng tampon o pad para nakahanda ka bago magsimula ang iyong unang regla. Kadalasan nangyayari ang iyong unang regla halos 2 at ½ taon pagkatapos magsimulang lumaki ang iyong mga dibdib. Ang karaniwang edad para sa isang regla ng batang babae na magsisimula ay 12, ngunit ang ilang batang babae ay nagsisimula ang kanilang regla nang kasing aga nang edad 8 o kahing huli nang 16. Kung magkakaregla ka nang mas maaaga sa edad 8 o wala ka paring regla sa panahon na 17 ka, dapat kang makipag-usap sa isang may sapat na gulang o iyong healthcare provider tungkol dito.

Kapag regular ang iyong regla, maaari kang magkaroon sa tuwing 22 hanggang 35 araw. Kadalasang tumatagal ang regla 3 hanggang 7 araw. Nakakatulong ang mga pad o tampon na masipsip ang dugong lumalabas. Maaari itong magmukhang parang maraming dugo, ngunit ito’y kadalasa’y halos 2 hanggang 5 kutsarita lamang sa bawat regla.

Ang ilang batang babae ay may makikirot na pamamanhid sa bandang ibabang bahagi ng kanilang tiyan sa panahon ng kanilang regla. Ang mga pamamanhid ay sanhi ng paghihigpit ng mga kalamnan sa iyong matris habang inaalis ang lining sa panahon ng iyong regla. Maaari kang magkaroon ng pananakit nang isang araw lang o maaaring tumagal habang may pagdurugo ka. Ang pag-inom ng acetaminophen o isang nonsteroidal anti-inflamatory pain medicine (NSAID) tulad ng ibuprofen ay kadalasang nakakatulong. Kung hindi ito makatulong, tanungin ang iyong healthcare provider tungkol sa mas malakas na gamot. Basahin ang label at inumin tulad ng inuutos. Maliban lang kung inirerekumenda ng iyong healthcare provider, hindi mo dapat inunim ang mga gamot na ito nang higit sa 10 araw.

  • Ang mga nonsteroidal anti-inflammatory medicines (NSAIDs), tulad ng ibuprofen, naproxen, at aspirin, ay maaaring magsanhi ng pagdurugo ng bituka at iba pang problema. Ang mga peligrong ito ay tumataas sa edad.
  • Ang acetaminophen ay maaaring maging sanhi pinsala sa atay o iba pang problema. Maliban lang kung inirerekumenda ng iyong provider, huwag iinom nang higit sa 3000 milligrams (mg) sa 24 na oras. Para makasigurado na hindi ka iinom nang sobra, tingnan ang iba pang gamot na iniinom mo para malaman kung naglalaman din sila ng acetaminophen. Tanungin ang iyong provider kung kailangan mong iwasan ang pag-inom ng alkohol habang iniinom ang gamot na ito.

Ano ang pagsasarili?

Sa panahon ng pagdadalaga maaaring magsimula kang makaramdam na makipagtalik dahil sa mga bagong hormone sa iyong katawan. Maaaring matuklasan mo na ang paghipo o paghagod sa bahagi ng iyong ari ay maganda ang pakiramdam. Ang paghipo sa bahaging ito ng iyong katawan ay tinatawag na pagsasarili. Karamihan sa mga batang babae ay nagsasarili. Ito ay likas na paraan para siyasatin ang iyong katawan at medyo normal. Kadalasang ginagawang biro ng mga tao ang tungkol dito, ngunit mahalagang ito’y malaman na walang masamang bagay na nangyayari sa pagsasarili.

Ano naman ang tungkol sa tagihiyawat?

Ang isang bahagi ng pagbibinata na hindi gusto ng kabataan ay tagihiyawat. Maaaring narinig mo na ang tagihiyawat ay sanhi ng hindi paghuhugas ng iyong mukha o mula sa pagkain ng masebong pagkain o matatamis. Walang patunay na ang mga bagay na ito ay nagiging sanhi ng tagihiyawat. Ito ay sanhi ng pagbabago ng iyong mga hormone at isang normal na bahagi ng paglaki. Ang ilang batang babae ay maaaring hindi magkaroon ng maraming tagihiyawat, ngunit sa iba ay maaaring malala ito. Maaari kang bumili ng mga gamot para lunasan ang banayad na tagihiyawat nang walang reseta. Kung mukhang mas malala ang iyong tagihiyawat, maaaring gusto mong magpatingin sa iyong healthcare provider para sa gamot para tulungang malunasan ito.

Ano ang mga pagbabagong emosyonal sa pagbibinata?

Habang dumadaan ka sa pagkadalaga nagsisimula kang magkaroon ng maraming iba’t ibang nararamdaman. Sinusubukan mong pag-isipan ang iyong lugar sa mundo. Nagiging mas hindi umaasa at nagsisimulang gumawa ng mga bagay nang wala ang iyong mga magulang. Maaari kang maimpluwensiyahan ng mga ideya ng iyong mga kaibigan at makaramdam ng pamimilit na gawin ang mga bagay na maaari kang hindi sumang-ayon, tulad ng paggamit ng mga droga o alkohol. Ito ang panahon para simulang uriin ang iyong mga simulain at magpasiya kung ano ang tama at mali.

Bilang bahagi nito, maaari kang magsimulang magkaroon ng mga romantikong pakiramdam para sa isang tao. Maaari kang magsimulang makipag-date. Maaaring maramdaman mo na umiibig ka sa isang araw at hindi sa susunod. Likas ito na magkaroon ng mga pakiramdam na mabilis na nagbabago. Maaari kang magsimulang mag-isip tungkol sa pakikipagtalik. Maglaan ng panahon para pag-isipang mabuti ang iyong desisyon bago ka makipagtalik. Kailangan mong pag-isipan ang tungkol sa mga pisikal at emosyonal na peligro na gagawin mo. Kung magpapasiya kang makipagtalik o oral sex (inilalagay sa iyong bibig ang ari ng kapareha), ito’y mahalagang pag-usapan kasama ang iyong kapareha tungkol sa gagawin ninyo at ang mga epektong peligro. Maaari kang mabuntis o magkaimpeksyon mula sa sex. Ang pakikipagtalik sa higit sa isang kapareha ay pinapataas ang mga peligrong ito. Ang tanging paraan para maiwasan ang pagbubuntis o isang impeksyon na sexually transmitted, 100% palagi ang hindi pakikipagtalik.

Kung magpapasiyang kang makipagtalik, ang mangilan-ngilang pamamaraan ng pagpigil sa pag-aanak ay nakakatulong na maiwasan ang pagbubuntis. Ang mga pamamaraan ng pagpigil sa pag-aanak na gumagamit ng mga hormone, tulad ng mga pildoras na pagpigil sa pag-aanak, mga patse, o mga iniksyon, ay kailangang mapasimulan bago ka makipagtalik sa unang pagkakataon. Ang mga condom na latex ay isang uri ng pagpigil sa pag-aanak na nakakatulong maiwasan ang pagbubuntis at pinoprotektahan ka din mula sa ilang impeksyon.

Sino ang makakausap ko tungkol sa mga pagbabagong ito?

Subukang makipag-usap sa iyong mga magulang o iba pang nakatatanda tungkol sa iyong mga katanungan o mga alalahanin. Ang mga magulang ang maaaring pinakamainam na makukunan at pinakamatatag na suporta, ngunit maaari kang makaramdam ng pagkadistansya sa kanila at hindi komportableng makipag-usap sa kanila. Maaaring pareho rin ang maramdaman ng iyong mga magulang. Tandaan na ang iyong kultura, musika, at mga istilo ng pananamit ay naiiba sa kung ano nakasanayan ng iyong mga magulang. Ang iyong mga magulang ay maaaring mukhang hindi nakapag-uugnay sa iyong mundo, ngunit talagang gusto nilang malaman kung ano ang nararamdaman at pinagdadaanan mo. Maging bukas kapag tinanong ka nila tungkol sa mga bagay tulad ng sex, droga, at mga pagkakaibigan. Kung pakiramdam mong hindi nauunawaan ng iyong mga magulang ang iyog mga pangangailangan, kausapin sila tungkol dito at tanungin sila kung makakapaglaan kayo ng mas maraming panahon nang magkasama. Maaaring magawa mo rin na makipag-usap sa iyong healthcare provider, isang pinagkakatiwalaang kamag-anak, kaibigan, o guro tungkol sa mga pagbabagong pinagdaraanan mo.

Developed by Change Healthcare.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng Change Healthcare.
Huling binago: 2015-03-10
Huling narepaso: 2016-03-07
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries
Page footer image