________________________________________________________________________
MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO
________________________________________________________________________
Ang hika ay isang pangmatagalang (hindi gumagaling) sakit sa baga. Nagiging sanhi ito ng pag-ubo, paghuni, at kakapusan ng hininga.
Ang mga sintomas ng hika ay sanhi ng dalawang magkaibang problema sa mga daluyan ng hangin.
Kung may hika ang iyong anak, kadalasang nagsisimula ang mga sintomas pagkatapos na malantad na malantad ang iyong anak sa isang nakapagpapasimula. Ang mga nagpapasimula ng hika ay maaaring isama ang:
Ang peak flow meter ay isang maliit na nahahawakang aparato na sinusukat kung gaano kainam lumalabas ang hangin sa mga baga ng iyong anak. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagsukat kung gaaanong kabilis bumuga ang iyong anak ng hangin palabas ng kanyang mga baga. Sasabihin sa iyo ng mga reading ng peak flow kung nasa magandang kontrol ang hika ng iyong anak, kung kailangan uminom ng gamot ang iyong ank, o kung agad mong kailangang humingi ng tulong.
Ang regular na pagsukat ng peak flow ay makatutulong matuklasan ang mga sintomas ng hika bago mo mapansin ang mga ito. At saka, ang paggamit sa colored zone system (berde, dilaw, pula) kasama ng peak flow meter ay matutulungan kang malaman kapag kinakailangan ng tulong ang iyopng anak at kung papaanong mas mainam na mapangasiwaan ang hika ng iyong anak.
Ang mga ito ay mangilan-ngilang ibang klase ng mga peak flow meter, kaya para sa mga tumpak na reading, napakahalaga na maunawaan kung papaanong gamitin ang peak flow meter at maingat na sundin ang mga pagtuturo. Mahalaga rin na gamitin ang parehong peak flow meter para sa lahat ng reading. May dalawang pangunahing klase ng mga peak flow meter:
Ang mga peak flow meter ay kadalasang nagpapakita ng de-numerong sukatan na sinusukat ang dami ng hangin na ibinubuga ng iyong anak. Ang bilang ng panukat ay mula 0 hanggang 750. Idini-display din ng ilang yunit ang mga may kulay na peak flow zone na "traffic light" batay sa personal na pinakamataas na reading ng peak flow ng bata.
Una kailangan mong malaman ang personal na pinakamataas na reading ng peak flow ng iyong anak. Isinagawa ito sa pagkuha ng mga reading ng peak flow nang dalawang beses kada araw sa ilang linggo kapag mabuting nakahihinga ang iyong anak at nasa magandang kontrol ang kanyang hika. Sa katapusan ng 2 o 3 linggo, tingnan ang mga resulata at piliin ang mga pinakamataas na reading. Pagpapasyahan ng mga reading na ito ang personal na pinakamataas na reading ng peak flow meter ng iyong anak. Irekord ang lahat ng reading ng iyong anak sa isang chart at dalhin ang chart sa iyong healthcare provideer. Ang personal na pinakamataas na reading ay bibigyan ka at ang iyong provider ng isang bagay para magpasiya kontra sa lahat ng panghinaharap na mga reading ng peak flow ng iyong anak.
Maaaring imungkahi ng iyong healthcare provider na sukatin ng iyong anak ang peak flow araw-araw o kumuha ng iyong anak ng mga reading nang 2 o 3 beses kada linggo.
Gumamit ng chart para irekord ang mga reading ng peak flow ng iyong anak kasama ang petsa at oras ng araw nang kinuha ang mga reading. Irekord din kung gumagamit ang iyong anak ng mabilis-na-panglunas (pangligtas) na inhaler (isang bronchodilator, tulad ng albuterol).
Dapat mo rin sukatin ang reading ng peak flow ng iyong anak kapag may pag-atake ng hika ang iyong anak. Sukatin ang peak flow ng iyong anak pareho bago at pagkatapos gamitin ang mabilis na pagnlunas na gamot para malaman kung gaanong kabuti gumagana ang gamot.
Dapat mo muling tingnan ang personal na pinakamataas na reading ng iyong anak taun-taon o sa tuwing makakakuha ka ng bagong meter.
Ang zone system ay isang madaling paraaan para malaman kug nasa magandang kontrol ang hika ng iyong anak, kung kinakailangang uminom ng gamot ang iyong anak, o kung kailangan mo kaagad humingi ng tulong. Ang peak flow meter ay maaaring markahan ng tatlong colored zone (berde, dilaw, at pula). Ginagawa nito na madaling basahin. Ang mga zone ay iba't iba sa bawat tao at ibinabatay sa personal na pinakamataas na reading ng peak flow ng iyong anak. Tutulungan ka ng iyong healthcare provider na alamin ang tamang hanay ng bilang para sa bawat zone. Karamihan sa mga peak flow meter ay may kasamang sticker para markahan ang mga zone.
Ang isang plano ng aksyon sa hika ay isang nakasulat na plano na binuo ng iyong healthcare provider para tulungan kang pangasiwaan ang mga pag-atake ng hika ng iyong anak. Kung nakabatay tio sa zone ng peak flow ng iyong anak.
Ang mga colored zone na nasa peak flow meter ay itinulad sa traffic light.
Ang Berde ay nangangahulugan na maganda ang konrol (80 hanggang 100% ng personal na pinakamataas na reading). Kapag nasa berdeng zone ang reading, nangangahulugan ito na nasa magandang kontrol ang hika ng iyong anak.
Kung nananatili sa berdeng zone ang iyong anak sa kahit 3 buwan, makipag-usap sa iyong healthcare provider tungkol marahil sa pagbabawas ng mga gamot ng iyong anak.
Ang Dilaw ay nangangahulugan na babala (50% hanggang 80% ng personal na pinakamataas na reading). Kung nasa dilaw na zone ang reading, ito'y nangangahulugan na ang iyong anak ay marahil nagkakaroon ng mga sintomas ng hika o maaaring malapit nang magkaroon ng mga sintomas (atake ng hika). Maaaring nagkakaproblema ang iyong anak sa mga normal na aktibidad o nagkakaroon ng mga sintomas sa gabi.
Kung madalas na nasa dilaw na zone ang peak flow ng iyong anak, o nananatiling nasa dilaw na zone pagkatapos ng paggagamot, nangangahulugan na wala sa magandang kontrol ang hika niya. Makipag-usap sa iyong healthcare provider tungkol sa pagtatama sa gamot ng iyong anak.
Ang Pula ay nangangahulugan na panganib (kulang sa 50%ng personal na pinakamataas na reading). Kung ang reading ng peak flow ay nasa pulang zone, nangangahulugan ito na mapanganib na hindi nakokontrol ang hika ng iyong anak. Marahil ay nagkakaroon siya ng malalang mg sintomas ng hika tulad ng sobrang kakapusan ng hininga (kahit na nagpapahinga), paninikip ng dibdib, may tunog na paghinga, at nahihirapang magsalita at matulog. Sundin ang mga tagubilin ng healthcare provider ng iyong anak, at kaagad na tumawag para sa emergency na tulong.
Kung mababa ang peak flow ng iyong anak, kunin muli ang pagsusulit ng peak flow, na sinisiguro na matinding bumubuga sa meter ang iyong anak.
Para magkaroon ng mga tumpak na reading ng peak flow, kailangan ibigay ng iyong anak ang kanyang pinakamahusay na pagpupursigi sa tuwina.
Ang bawat tatak ng peak flow meter ay gumagana nang medyo magkakaiba. Maingat na basahin at sundin ang mga pagtuturo na kasama sa meter ng iyong anak. Siguruhin na alam mo at ng iyong anak kung paanong gamitin nang tama ang peak flow meter. Hilingan ang iyong healthcare provider na tingnang ginagamit ito ng iyong anak.
Ang mouthpiece ng meter ay dapat linisin linggu-linggo ng mainit na tubig na may sabon. Banlawan nang mabuti. Hayaan matuyo sa hangin.