________________________________________________________________________
MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO
- Ang bata na may autistic spectrum disorder ay may mga problema sa pakikipag-usap at pakikisalamuha sa iba.
- Karaniwan ang mga bata ay inilalagay sa mga pampublikong paaralan at mga distrito ng paaralan ay nagbibigay ng mga kinakailangang serbisyo. Isinasama ng mga ito ang pakikipagtulungan sa isang therepist sa pagsasalita, occupational therapist, psychologist ng paaralan, social worker, nurse ng paaralan, o aide.
- Kasama rin sa paggagamot ang paggawa ng mga aktibidad sa bahay.
________________________________________________________________________
Ano ang sakit na autistic spectrum?
Ang batang may autistic spectrum disorder (ASD) ay hindi ganap na nade-develop sa maraming paraan, tulad ng pagkakaroon ng mga problema sa pakikipakomunikasyon at pakikisalamuha sa iba. Ang ASD ay dating tinatawag sa iba't ibang pangalan:
- Ang autism, ay isang sakit kung saan may mga problema ang bata sa pakikipag-ugnayan at pakikisalamuha sa iba. Sila ay may hindi karaniwan o paulit-ulit na aksyon at makitid na nakatuon sa mga interes.
- Ang asperger syndrome, ay isang banayad na anyo ng autism. Ang isang bata ay maaaring may magandang mga kasanayan sa wika, ngunit nagkakaproblema sa paligid ng iba, at may mga hindi karaniwang interes at mga pag-uugali.
- Ang childhood disintegrative disorder, ay isang bihirang sakit kung saan ang isang bata ay normal na nade-develop hanggang sa mga edad 3 o 4 at pagktapos ay bilang magsisimulang magpakita ng mga sintomas ng autism
Hindi nagiging sanhi ng ASD ang bakuna sa pagkabata.
Ano ang sanhi?
Ang eksaktong sanhi ng ASD ay hindi nalalaman.
- Ang utak ay gumagawa ng mga kemikal na nakakaapekto sa mga pag-iisip, emosyon, at mga kilos. Kung wala ang tamang balanse ng mga kemikal na ito, maaaring may mga problema sa kung papaanong mag-isip, makaramdam, o kumilos ang iyong anak. Ang batang may ganitong sakit ay maaaring may kakaunti o napakarami ng ilan sa mga kemikal na ito.
- Kung nahawahan ng virus ang isang babae, may diabetes, o hindi kumakain ng malusog na diyeta habang siya ay buntis, pinatataas nito ang peligro na magkakaroon ng sakit na autistic spectrum ang bata. Ang pagkakalantad sa ilang kemikal at mga gamot sa panahon ng pagbubuntis ay maaari rin mapataas ang peligro. Ang mababang antas ng hangin mula sa mahabang pag-labor o premature na panganganak ay maaari rin pataasin ang peligro.
- Paminsan-minsan ang mga ASD ay dumadaloy sa mga pamilya. Maaaring may ilang genes na nauugnay sa autism. Kung ang ama ay mas matanda kaysa sa edad 40 nang mabuntis ang ina, maaaring pataasin nito ang peligro ng bata.
- Ang mga batang may ganitong mga sakit ay maaaring magkaroon ng mga pisikal na pagbabago sa kanilang utak. Maaaring mangahulugan ang mga pagbabagong ito na ang ilang bahagi ng utak ay mas aktibo o hindi gaanong aktibo kaysa sa ibang mga bata.
- Ang mga batang may ibang problema sa utak at mga genetic syndrome tulad ng fragile X syndrome, ay autistic din minsan.
Ano ang mga sintomas?
Ang mga sintomas ng ASD ay nag-iiba-iba. Walang dalawang bata na may ASD ay eksatong magkatulad.
Mga abilidad na Makisalamuha
Ang karamihan sa mga bata na may ASD ay mukhang may maraming problema na matutunan ang give-and-take na pakikisalamuha sa mga tao. Maaari rin silang magkaproblema sa pagkontrol sa kanilang mga emosyon. Ito ay maaaring mag-anyo sa pag-iyak o mga pasalitang silakbo.
Mga problema sa Pakikipag-usap
May malawak na hanay ng mga problemang pangkomunikasyon. Ang ilang bata na may ASD ay hindi nagsasalita. Ang ilang ay nagsasalita o gumagawa ng ingay nang maaga sa buhay at pagkatapos ay titigil. Ang iba ay mabagal lamang sa simula at hindi nagsasalita hanggang sa edad na 5 hanggang 9. Ang mga nagsasalita ng madalas ay gumagamit ng wika sa di-pangkaraniwang paraan. Hindi rin nila palaging naiintindihan ang tono ng boses o mga pahiwatig ng mukha, tulad ng isang ngiti, isang kindat, o isang simangot.
Mga pag-uugaling Inuulit-ulit
Ang ilang mga bata na may ASD ay minsang inuulit ang mga galaw. Ang ilan ay pinapagaspas ang kanilang mga kamay o madala na lumalakad gamit ang kanilang hinlalaki sa paa. Nagdi-develop rin sila ng matatatag na mga gawi at mga palagiang ginagawa. Maaari siyang mabalisa nang husto sa pinakabahagyang pagbabago sa palagiang ginagawa.
Iba pang problema
Ang mga batang may ASD ay maaari ring magkaroon ng mga problema sa kanilang mga pandama. Karamihan ay napaka-sensitibo sa ilang tunog, mga hipo, panlasa, at mga amoy.
Papaanong sinusuri ang isang ASD?
Tatanungin ng iyong healthcare provider ang tungkol sa pagbabago ng iyong anak sa bawat walang karamdamang pagpapatingin ng bata. Sabihin sa iyong provider ang tungkol sa anumang alalahanin na mayroon ka at anumang pag-uugali na mukhang hindi karaniwan. Bilang isang magulang o caregiver, ikaw ang kadalasang unang nakakapansin ng mga hindi karaniwang pag-uugali sa iyong anak. Huwag babalewalain ang mga problema, na iniisip na ang medyo mabagal lang ang iyong anak at “makakahabol.” Tumutulong ang maagang paggagamot na mabawasan ang mga sintomas. Pinatataas nito ang kakayahan ng iyong anak na sumulong at matutunan ang mga bagong kahusayan.
Tatanungin ng healthcare provider ng iyong anak ang tungkol sa mga sintomas ng bata, history ng medikal at pamilya, at anumang gamot na iniinom ng iyong bata. Magsusuri ang iyong provider para sa isang medikal na sakit o problema sa droga o alkohol na maaaring maging sanhi ng mga sintomas. Maaaring magkaroon ang iyong anak ng mga pagsusuri o scan upang tingnan ang iba pang posibleng dahilan ng mga sintomas. Dahil maaari itong mamana, maaaring gustuhin ng iyong healthcare provider na suriin ka o iba pang mga bata para sa mga sintomas.
Kung sa palagay ng iyong healthcare provider na maaaring may sakit ang iyong anak ng autistic spectrum, ire-refer ka niya sa mga espesyalista tulad ng isang psychologist, psychiatrist, therapist sa pagsasalita, o neurologist. Maaaring magsagawa sila ng marami pang pagsusuri at papayuhan ka tungkol sa paggagamot. Ang distrito ng iyong paaralan ay maaaring magbigay rin ng mga serbisyo sa pagsusuri para sa iyong anak.
Ano ang paggagamot?
Walang sinuman ang pinakamagaling sa paggagamot para sa lahat ng batang may ASD. Bago ka magpasya sa paggagamot ng iyong anak, alamin kung anu-ano ang iyong opsyon. Alamin hanggat kaya mo at mamili ka para sa paggagamot ng iyong anak batay sa mga pangangailangan ng iyong anak.
Kadalasan ang mga bata ay inilalagay sa mga pampublikong paaralan at ibinibigay ng distrito ng paaralan ang lahat ng kinakailangang serbisyo. Isinasama ng mga ito ang pakikipagtulungan sa isang therepist sa pagsasalita, occupational therapist, psychologist ng paaralan, social worker, nurse ng paaralan, o aide. Maaaring gusto mong puntahan ang mga pampublikong paaralan sa iyong lugar para makita ang klase ng programa na inaalok nila sa mga espesyal na pangangailangan ng mga bata.
Tutulong ang isang koponan ng mga propesyunal na kalkulahin ang iyong anak at sabay na maghayag ng plano. Maaari mo rin hilingan ang iyong healthcare provider na repasuhin ang plano. Magtanong at alamin ang lahat ng serbisyo na maaaring nakalaan para sa iyong anak.
Maaaring kabilang sa paggamot ng ASD ang:
- Pagsasanay sa pakikisalamuha upang taasan ang kamalayan ng kaisipan, pagpapahalaga sa sarili, at tiwala sa sarili, at tulungan ang iyong anak na magkaroon ng mas maraming kaibigan.
- Therapy sa pag-uugali upang matulungang malaman ng inyong anak na ang paraan ng kanyang mga pagkilos ay nakakaapekto sa iba. Maaaring makatulong ito sa inyong anak na baguhin ang problema sa pag-uugali.
Kasama rin sa paggagamot ang paggawa ng mga aktibidad sa bahay.
Papaano kong matutulungan ang aking anak?
- Isulong ang pagpapahalaga sa sarili ng iyong anak. Magbigay ng walang kundisyong pagmamahal at suporta. Maaari mong isulong ang pagpapahalaga sa sarili ng iyong anak kung ipapaalala mo sa kanya ang kanyang mga kalakasan. Regular na gawin ito. Maaaring kailangan ng inyong anak ang pagpapayo upang makatulong na mabago ang pananaw at mga inaasahan sa kanyang sarili.
- Tulungan ang iyong anak na maunawaan ang kanyang problema. Pag-usapan ang tungkol sa problema. Tulungan ang iyong anak na magpokus sa mga kasanayan sa pagkaya sa halip na maramdaman niyang siya ang problema. Minsan ang pagiging kasama ng iba pang mga bata na may ASD rin ay nakakatulong. Maaaring mas gumanda ang pakiramdam ng mga bata kung maisip nila na hindi sila nag-iisa.
- Tulungan ang inyong anak na mag-ayos ng mga bagay-bagay. Tulungan ang inyong anak na mag-ayos ng mga laruan at mga laro pati narin kuwaderno at mga takdang aralin. Kapag kailangan ng inyong anak na magbasa o mag-isip ng mabuti, pagawain siya malayo sa mga tunog ng telebisyon, radyo, o ibang mga nag-uusap.
- Pangalagaan ang pisikal na kalusugan ng iyong anak. Mapapalakas ng balanseng diyeta, sapat na pahinga, mga aktibidad na laro, at outing ng pamilya ang katawan at isipan ng iyong anak.
- Makipag-ugnayan sa paaralan. Mahigpit na makipag-ugnayan sa mga guro, therapist, at iba pang caregiver ng iyong anak. Ipaalam sa guro ng iyong anak na gusto mong gampanan ang isang aktibong papel sa edukasyon ng iyong anak. Tanungin kung paano mo matutulungan ang inyong anak sa bahay.
- Maghanap ng propesyunal na pagpapayo para sa iyong sarili pati na rin sa iyong anak. Karamihan sa mga magulang ay natutuklasang masyadong nakatutulong ang payo sa pangangasiwa ng mahirap na pag-uugali at mga nararamdaman.
- Mga pinagsanib na grupo ng suporta. Tumutulong ang mga grupong ito na panatilihin kang up to date sa pinakabagong impormasyon. Ilalagay ka rin nitong nakikipag-ugnayan sa mga magulang nay may mga anak na may katulad na mga problema.
- Maging maingat sa mga alternatibong paggagamot. Siguruhing ipaalam sa iyong healthcare provider bago magbigay ng mga suplemento, paglipat sa isang espesyal na diyeta, o paggamit ng iba pang uri ng mga alternatibong paggagamot.
Developed by Change Healthcare.
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.