Page header image

Metered-Dose Inhaler, Papaanong Gamitin kasama ng Collapsible Bag Spacer

(Metered-Dose Inhaler, How to Use with a Collapsible Bag Spacer)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang metered-dose na inhaler ay isang hinahawakang aparato na nagdadala ng singaw ng gamot nang direkta sa mga baga ng iyong anak habang huimihinga siya nang malalim.
  • Ang aparatong tinatawag na collapsible bag spacer, o reservoir bag, ay maaaring gamitin kasama ng inhaler. Makatutulong ito kung mahirap pindutin ang inhaler kasabay sa paglanghap ng iyong anak sa gamot.
  • Makakatulong sa iyo at sa iyong anak ang iyong healthcare provider o parmasyutiko na matutunan kung paanong mahusay na gamitin ang inhaler at spacer.

________________________________________________________________________

Ano ang metered-dose inhaler na kasama ng spacer?

Ang metered-dose inhaler (MDI) ay isang nahahawakang aparato na naglalabas ng singaw ng gamot. Naglalaman ito ng gas na tumutulong sa gamot na makapasok sa loob ng mga baga ng iyong anak. Tumutulong ang Inhaler na dalhin ang gamot nang direkta sa mga baga ng iyong anak habang humihinga siya nang malalim.

Ang aparatong tinatawag na collapsible bag spacer, o reservoir bag, ay maaaring gamitin kasama ng inhaler. Makatutulong ito kung mahirap pindutin ang inhaler kasabay sa paglanghap ng iyong anak sa gamot. Pinapanatili ng spacer ang gamot na nasa bag at:

  • Tinutulungan ang iyong anak na huminga sa sarili niyang bilis
  • Tintulungan ang maraming gamot na makaabot sa mga baga ng iyong anak
  • Pinipigilan ang gamot na mapunta lang sa hangin

Ang mga spacer ay maaaring gamitin nang mayroon o walang takip sa mukha. Ang ilang spacer ay ginawa para lang sa isang klase ng inhaler.

Para ikabit ang spacer sa MDI:

  1. Ikabit ang mouthpiece ng inhaler sa bag sa pamamagitan ng pagtutugma sa mga tab na nasa bag.
  2. Itulak papasok, pilipitin, at i-lock.
  3. Hilahin ang bag hanggang sa bumukas lahat para walang mga kulubot.
  4. Alisin ang canister ng inhaler mula sa lalagyang plastik at alugin ito nang mabuti.
  5. Ikabit ang canister sa mouthpiece ng inhaler.

Para gamitin ang MDI kasama ang spacer at isang mask:

  1. Pumili ng mask na tama ang laki para sa iyong anak (small, medium, o large) at ikabit ito sa mouthpiece.
  2. Patayuin o paupuin nang diretso ang iyong anak.
  3. Ilagay ang mask sa mukha ng iyong anak, na natatakpan pareho ang ilong at bibig. Dapat idiin ang mask sa mukha ng iyong anak para masiguro na makakapasok ang gamot sa mga baga ng iyong anak.
  4. Alisin sa pagkakadiin ang MDI nang minsa. Makukulong ang gamot sa reservoir bag.
  5. Palanghapin ang iyong anak nang dahan-dahan nang 3 hanggang 5 segundo. (Ang reservoir ay magko-collapse habang lumalanghap ang iyong anak. Makakarinig ka ng sumisipol na tunog kung napakabilis ng paglanghap.)
  6. Ipapigil sa iyong anak ang kanyang hininga nang 5 hanggang 10 segundo.
  7. Dahan-dahang pahingahin ang iyong anak pabalik sa reservoir bag.
  8. Habang ginagamit pa rin ang bag, dahan-dahang palanghapin at pahingahin ang iyong anak nang minsan o dalawang beses pa.
  9. Kung magrereseta ang iyong provider ng mga karagdagang pagbuga, maghintay ng 1 minuto at ulitin.

Para gamitin ang MDI kasama ang spacer at mouthpiece:

  1. Ilagay ang mouthiece sa pagitan ng mga ngipin at isara ang mga labi sa paligid nito.
  2. Diinan pababa nang minsan ang inhaler para maglalabas ito ng spray ng gamot sa bag spacer.
  3. Dahan-dahang lumanghap nang 3 hanggang 5 segundo. (Ang bag ay magko-collapse habang lumalanghap ka. Makakarinig ka ng sumisipol na tunog kung napakabilis ng iyong paglanghap.)
  4. Pigilan ang iyong hininga nang 5 hanggang 10 segundo.
  5. Dahan-dahang huminga pabalik sa bag spacer.
  6. Habang ginagamit pa rin ang bag, dahan-dahang lumanghap at huminga nang minsan o dalawang beses pa.
  7. Kung magrereseta ang iyong provider ng mga karagdagang pagbuga, maghintay ng 1 minuto at ulitin.
  8. Kung ang iyong anak ay gumagamit ng nilalanghap na steroid na gamot, dapat niyang banlawan ang kanyang bibig at idura ang tubig hanggang sa huling dosis.

Paglilinis sa kagamitan:

Ang mouthpiece ay dapat mahugasan araw-araw ng maligamgam na tubig at pinatutuyo. (Huwag itong ilalagay sa hugasan ng pinggan.) Hindi inirerekumenda ng gumagawa ang paghuhugas sa bag spacer. Ang bag ay dapat mapalitan kapag naluma ito, o minsan sa bawat buwan.

Developed by Change Healthcare.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng Change Healthcare.
Huling binago: 2017-01-23
Huling narepaso: 2016-06-27
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries
Page footer image