Metered-Dose Inhaler, Papaano Gamitin Kasama ng Spacer
________________________________________________________________________
MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO
- Ang metered-dose na inhaler ay isang nahahawakang aparato na nagpapakawala ng singaw ng gamot nang direkta sa mga baga ng iyong anak habang humihinga siya nang malalim.
- Ang spacer ay isang espesyal na supot o plastik na tubo na kinakabit sa inhaler. Tinatangnan ng spacer ang gamot mula sa inahaler na nasa bag o tubo at tinutulungan ang maraming gamot na makarating sa mga baga ng iyong anak habang lumalanghap at huminga siya nang dahan-dahan.
- Kung hindi ka sigurado kung paano gamitin ang inhaler gamit ang spacer, tanungin ang iyong healthcare provier para sa tulong.
________________________________________________________________________
Ano ang metered-dose inhaler na kasama ng spacer?
Ang metered-dose inhaler (MDI) ay isang nahahawakang aparato na naglalabas ng singaw ng gamot. Naglalaman ang metered dose inhale ng gas na tumutulong sa gamot na makapasok sa loob ng mga baga ng iyong anak. Tumutulong ang Inhaler na dalhin ang gamot nang direkta sa mga baga ng iyong anak habang humihinga siya nang malalim.
Ang aparatong tinatawag na spacer ay maaaring gamitin kasama ng inhaler. Ang spacer ay isang espesyal na supot o plastik na tubo na kinakabit sa inhaler. Tumutulong ang spacer kapag mahirap diinan ang inhaler sa parehong oras na nilalanghap ng iong anak ang gamot. Pinapanatili ng spacer ang gamot na nasa supot o tubo at:
- Tinutulungan ang iyong anak na huminga sa sarili niyang bilis
- Tintulungan ang maraming gamot na makaabot sa mga baga ng iyong anak
- Pinipigilan ang gamot na mapunta lang sa hangin
Ang mga spacer ay maaaring gamitin nang mayroon o walang takip sa mukha. Ang ilang spacer ay ginawa para lang sa isang klase ng inhaler.
Papaan kong tutulungan ang aking anak na gamitin ang inhaler kasama ng spacer?
Bago ang unang paggamit, hugasan ang spacer ng mainit na may sabong tubig. Banlawan nang mabuti. Hayaang matuyo sa hangin.
Para ikabit ang inhaler sa spacer:
- Alisin ang mga takip sa spacer at metered-dose na inhaler.
- Alugin nang mabuti ang inhaler.
- Kung hindi pa nagamit dati ang inhaler o kung ito ay higit dalawang linggo na magmula nang huli mong ginamit ito, kung gayon ay dapat mong “i-prime” ang inhaler. Gawin ito sa pamamagitan ng pag-spray ng 2 o 3 spray ng gamot sa ere. Sa tuwing gagamitin mo ang inhaler, ang susunod na dosis ay kinukuha sa isang chamber sa loob ng inhaler. Kung hindi pa nagamit ang inhaler o naimbak nang matagal nang hindi ginagamit, ang ilan sa gamot ay tutulo sa bahaging nagpapanatili. Nangangahulugan ito na hindi mo makukuha ng iyong anak ang buong dosis ng gamot sa susunod na gagamitin ito. Ang paghahanda sa inhaler ay sinisiguro na makukuha ng iyong anak ang buong dosis ng gamot.)
- Ilagay ang mouthpiece ng inhaler sa dulo ng nakaselyong-goma ng spacer.
Para gamitin ang inhaler kasama ang spacer at takip sa mukha:
- Piliin ang wastong laki ng takip sa mukha (maliit, katamtaman, o malaki) at ikabit sa dulo ng mouthpiece.
- Patayuin o paupuin nang diretso ang iyong anak.
- Ilagay ang takip sa mukha sa mukha ng iyong anak, na natatakpan pareho ang ilong at bibig. Dapat na maidiin ang takip sa mukha sa mukha ng iyong anak para masiguro na makakapasok ang gamot sa mga baga ng bata.
- Diinan nang minsan ang inhaler.
- Dahan-dahang pahingahin at pahingahing palabas ang iyong anak sa pamamagitan ng spacer nang kahit 5 paghinga.
- Kung magrereseta ang iyong provider ng mga karagdagang pagbuga, maghintay ng 1 minuto at ulitin.
Para gamitin ang inhaler kasama ang spacer at mouthpiece:
- Patayuin o paupuin nang diretso ang iyong anak.
- Ilagay ang chamber sa bibig ng iyong anak. Sabihan ang iyong anak na dahan-dahang huminga a bumuga sa spacer ngang mangilan-ngilang beses.
- Pinsang diinan ang inhaler para magpakawala ng spray ng gamot. Makukulong ang gamot sa loob ng spacer.
- Palahanghapin ang iyong anak nang kasing lalim hanggat posible at pagkatapos ay pigilan ang kanyang hininga at bumilang nang dahan-dahang hanggang 10. Binibigyan nito ng ang gamot ng oras para makaabot sa mas mababang daluyan ng hangin ng iyong anak. Para sa mga batang hindi kayang pigilang ang kanilang hininga, isa pang paraan ay huminga at bumuga nang dahan-dahan nang 3 hanggang 5 paghinga.
- Kung magrereseta ang iyong provider ng mga karagdagang pagbuga, maghintay ng 1 minuto at ulitin.
- Kung ang iyong anak ay gumagamit ng nilalanghap na steroid na gamot, dapat niyang banlawan ang kanyang bibig at idura ang tubig hanggang sa huling dosis.
Papaano kong lilinisin ang inhaler at spacer?
- Hugasan ang lalagyan na plastik para sa inhaler isang beses isang linggo ng sabon at tubig sa gripo. Banlawang mabuti at hayaang matuyo sa hangin ang mga piyesa.
- Hugasan ang spacer minsan isang linggo gamit ang tubig sa gripo na may sabon. Banlawan nang mabuti. Hayaan itong matuyo.
- Palitan ang one-way na valave o kumuha ng bagong spacer kapag natuyo ang valve at magsimulang kumulot.
Developed by Change Healthcare.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng
Change Healthcare.Huling binago: 2017-01-23
Huling narepaso: 2016-06-27
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries