Page header image

Mga disabilidad na Matuto

(Learning Disabilities)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang mga kapansanan na matuto (learning disabilities (LD)) ay isang sakit na nakakaapekto sa kung papaano tumatanggap, nagpoproseso, nag-iimbak, at tumutugon ang utak sa impormasyon. Napakaraming uri ng mga kapansanan na matuto.
  • Ang lahat ng mga batang may disabilidad sa pagkatuto ay may posibilidad na mapaharap sa mga hamon sa paaralan kahit na mayroon silang normal o sa higit sa normal na talino. Susuriin ng isang koponan ng tao ang iyong anak para eksaktong malaman kung ano ang mga problema at kung papaanong matutulungan ang iyong anak. Kabilang sa pagsusuri ang eksaminasyon at pakikipag-usap sa mga guro at magulang.
  • Sa sandaling maunawaan mo ang problema maaari mong matulungan ang paaralan na bumuo ng isang Individualized Educational Plan, at malaman ang mga paraan upang matulungan ang inyong anak sa bahay.

________________________________________________________________________

Ano ang mga kapansanan na matuto (learning disabilities)?

Ang mga kapansanan na matuto (learning disabilities (LD)) ay isang sakit na nakakaapekto sa kung papaano tumatanggap, nagpoproseso, nag-iimbak, at tumutugon ang utak sa impormasyon. Napakaraming uri ng mga kapansanan na matuto. Maaaring magkaroon ng problema ang iyong anak sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, pagbabaybay, pagsusulat, pangangatwiran, pang-alala, o paglutas ng mga problema sa math. Ang mga kapansanan na matuto ay maaaring umabot mula sa banayad hanggang sa malala. Ang mga LD ay maaaring maging mahirap sa iyong anak na matuto ng mga bagong bagay sa iba't ibang larangan ng buhay, hindi lang sa eskuwela.

Ano ang nagiging sanhi ng LD?

Ang mga sanhi sa karamihan ng LD ay hindi nalalaman. Malamang na namamana ang mga ito sa mga pamilya. Ang mga kapansanan na matuto ay maaaring sanhi ng mga pagbabago sa mga kemikal ng utak o pinsala sa ilang bahagi ng utak.

Ang isang bata ay malamang na magkaroon ng kapansanan na matuto kung gumamit ang ina ng mga droga o alkohol noong nagbubuntis. Isang problemang tulad ng impeksyon o malnutrisyon habang buntis ka ay maaari rin pataasin ang peligro. Ang mga LD ay mas karaniwan rin sa mga bata na:

  • Premature nang ipanganak, may mababang timbang ng kapanganakan o nagkaroon ng pinsala o kawalan ng oksihena habang ipinapanganak
  • May ilang kundisyon pagkatapos ng panganganak (tulad ng mga kawalan ng balanse ng ilang hormone o mga kemikal, o isang impeksyon)
  • Ay nalantad sa tingga
  • May malalang sakit, tulad ng hika o diabetes
  • Mayroong pinsala sa ulo
  • Hindi nakukuha ang tamang dami ng mga bitamina, mineral, at iba pang sustansyang kinakailangan sa unang 2 taon ng pamumuhay

Ang batang may kapansanang matuto ay maaari ring magkaroon ng problema sa pandinig o paningin, attention deficit hyperactivity disorder (ADHD), o emosyonal na mga problema. Gayunman, ang mga LD ay hindi nagiging sanhi ng mga kundisyong ito. Hindi rin sila nagiging sanhi ng mga pagkakaiba ng kultura o hindi magandang pagpapalaki.

Ano ang mga senyales?

Napakaraming klase ng mga kapansanan na matuto at ang mga senyales ay maaaring sobrang naiiba. Kung ang isang bata ay may katamtaman o mataas-sa-katamtamang talino at nangangamote sa paaralan, maaaring mayroon siyang kapansanan na matuto. Ang iyong anak ay maaaring magkaroon ng banayad o malalang mga problema. Maaaring may higit pa sa isang LD ang inyong anak. Ang lahat ng mga batang may disabilidad sa pagkatuto ay may posibilidad na mapaharap sa mga hamon sa paaralan kahit na mayroon silang normal o sa higit sa normal na talino. Ang isang batang may LD ay maaaring magkaroon ng mga problema sa isa o marami sa mga sumusunod na larangan:

Atensyon: Maaaring magkaroon ng kahirapan ang iyong anak na mag-ukol ng pansin, maging pabigla-bigla, o madaling mapagod kapag sinusubukang mag-isip nang malalim.

Wika: Maaaring magkaproblema ang iyong anak na sumunod sa mga direksyon at kailangang ulitin ang mga bagay. Maaari niyang gamitin ang mga maling salita o paghaluin ang mga salita. Maaaring maging mahirap ang pagkukuwento dahil nagkakahaluhalo ang mga pangyayari.

Oryentasyon ng Panahon-Espasyo: Maaaring mahirapan ang iyong anak na maunawaan ang panahon (tulad ng pagkakaiba sa pagitan ng bukas at susunod na linggo). Maaaring magkaproblema siya sa mga direksyon at kadalasang naliligaw.

Pagproseso ng nakikita: Maaaring makita ng iyong anak na pabalik ang mga titik o salita (bilang halimbawa, maaaring malito sa mga b at d o basahin ang “was” bilang “saw”). Maaaring magsulat nang napakabagal ang iyong anak o magkaroon ng hindi magandang sulat-kamay.

Pagproseso ng pandinig: Maaaring magkaproblema ang iyong anak na mag-focus sa mahahalagang tunog imbes na mga ingay sa background. Maaaring magmukha siyang hindi nakikinig at nagkakaproblema sumunod sa mga sinasabing tagubilin.

Memorya: Maaaring hindi matandaan ng iyong anak ang pangunahing impormasyon tulad ng address at numero ng telepono. Maaaring mahirap matandaan ang mga multiplication table o mga araw ng linggo. Ang panandaliang memorya ay maaaring maging isang problema. Maaaring makalimutan ng iyong anak ang mga tagubilin o hindi makasabay habang nagkukuwento o nakikipag-usap. Maaari niyang mawala ang gawaing-pambahay, libro sa eskuwela, o iba pang bagay.

Mga kasanayan sa math: Maaaring magkaroon ang iyong anak ng problema sa mga konsepto ng math tulad ng pagbilang, pagdaragdag, pagbabawas, pagpaparami, mga hating-bilang (fraction), at mga sukat.

Kontrol sa paggalaw: Maaaring magkaproblema ang iyong anak sa maayos na kontrol sa paggalaw. Ang iyong anak ay maaaring mahirapan magbutones at mag-zipper, o magkaroon ng problema sa paghawak ng lapis. Kung ang iyong anak ay mukhang malamya o palampa-lampa, maaaring magkaroon siya ng mga problema sa malalang kontrol sa paggalaw.

Papaano kong malalaman kung may LD ang aking anak?

Magtatanong ang healthcare provider tungkol sa pagsulong ng inyong anak sa bawat well child na pagbisita. Sabihin sa iyong provider tungkol sa anumang alalahanin na mayroon ka at ang anumang bagay na tila hindi karaniwan. Huwag babalewalain ang mga problema, na iniisip na ang medyo mabagal lang ang iyong anak at “makakahabol.” Magsusuri ang provider ng iyong anak upang tiyakin na walang mga medikal na problema na maaaring maging sanhi ng mga sintomas.

Hilingan ang iyong paaralan na suriin ang iyong anak. Ang lahat ng distrito ng pampbulikong paaralan sa US ay kailangang maghandog ng mga espesyal na serbisyo para sa mga batang may ganitong mga kundisyo, nang walang bayad. Ang mga serbisyo para sa batang nasa preschool ay kadalasang nag-uumpisa humigit-kumulang 3 taong gulang. Para sa mga batang edad na pang-eskuwela, nagkakaloob ang mga distrito ng pampublikong paaralan ng mga serbisyo hanggang 21 taong gulang, o hanggang sa magtapos sila sa high school, anuman ang unang dumating.

Ang pagsusuri ng paaralan ay maaaring kailanganin para maging karapat-dapat ang iyog anak para sa ekstrang tulong sa paaralan. Susuriin ng isang koponan ng tao ang iyong anak para eksaktong malaman kung ano ang mga problema at kung papaanong matutulungan ang iyong anak. Kabilang sa pagsusuri ang eksaminasyon at pakikipag-usap sa mga guro at magulang.

Ang grupo ng tao na magsusuri sa iyong anak ay maaaring magsama ng isang psychologist, isang child psychiatrist, special education na guro, speech/language therapist, occupational therapist, physical therapist, social worker, o iba pang healthcare provider.

Paminsan-minsan ay bibigyan ka ng isang partikular na diyagnosis. Minsan naman maaaring sabihin sa iyo na ang iyong anak ay may higit sa isang LD. Ang ilan sa mga karaniwang sakit ay ang:

  • Kapansanan sa pagbasa. Nahihirapan sa pagbasa.
  • Kapansanan sa nakasulat na ekspresyon. May problema sa sulat-kamay at pag-aayos sa pagsulat.
  • Kapansanan sa matematika. Nahihirapan sa mga numero at kasanayan sa math.
  • Kapansanang hindi pasalitang matuto May mga problema sa mga bagay tulad ng pag-unawa sa mga kumpas at ekspresyon ng mukha.
  • Kapansanan sa pagproseso ng pandinig. May problema sa pag-aalala sa kung ano ang sinabi.
  • Kapansanan na maunawaan ang nakikita. May problema sa pagkopya ng mga salita at maaaring pagbaligtarin ang mga titik.
  • Kapansanan sa wika. May problema sa pag-unawa sa wikang binibigkas at maaari rin magkaproblema sa pagbabasa o pagsusulat.

Papaanong makakakuha ang aking anak ng ekstrang tulong sa paaralan?

Mapapagpasyahan ng mga resulta ng eksaminasyon kung makakakuha ng mga serbisyo ng espesyal na edukasyon ang iyong anak na ibinibigay sa paaralan.

Maraming mga estado ang nag-aalok ng Early Intervention Programs para sa mga batang wala pang 5 taong gulang na may LD. Ang ilang mga estado ay nag-aalok ng special developmental preschool na mga klase. Ang maagang paggagamot ay nagpapataas ng kakayahan ng inyong anak na magtagumpay at matuto ng mga bagong kasanayan.

Ang ilang serbisyo ay ibinibigay lamang kung ang iyong anak ay may ilang diagnosis. Tanungin ang iyong paaralan kung aling mga kapansanan ang kanilang binibigyan ng mga serbisyong espesyal. Sa sandaling maunawaan mo ang problema matutulungan mo ang paaralan na bumuo ng Individualized Educational Plan (IEP). Dapat tumulong at sumang-ayon ang mga magulang sa IEP. Dapat i-outline ng IEP ang:

  • Kasalukuyang performance ng iyong anak.
  • Espesipikong mga serbisyong special education at kung sino ang magbibigay sa kanila
  • Mga layuning panandalian at taunan
  • Mga paraan para masuri at masukat ang progreso ng iyong anak tungo sa mga layuning ito bawat taon.

Para makuha ang pinakamainam na tulong para sa iyong anak, dapat kang mabuting makipatulungan sa iba pang miyembro ng koponan. Kung hindi ka sumang-ayon sa mga resulta ng pagusuri, mga serbisyo, o therapy, ihayag ang iyong mga alalahanin sa pulong ng IEP. Ang paglagda sa IEP ay nangangahulugan na sumasang-ayon ka sa mga serbisyo, layunin, at iba pang bagay na nakalista dito.

Kung hindi makapaghahandog ang paaralan ng mga serbisyong espesyal, maaari kang maghanap ng tulong mula sa mga pribadong tutor, learning center, psychologist, at iba pa para matulungan ang iyong anak. Alamin sa Department of Disabilities ng iyong estado para malaman kung may mga programang pang-estado na makakatulong. Kahit na wala sa isang IEP ang iyong anak o sa mga klase ng espesyal na edukasyon, maaari pa rin baguhin ng guro ng iyong anak ang mga takdang aralin at tulungan ang iyong anak. Siguruhin na kakausapin mo ang guro ng iyong anak.

Ano ang magagawa ko para makatulong?

Depende sa kapansanan, napakaraming paraan para matulungan ang iyong anak sa bahay. Napakahalaga na gawin ang sumusunod:

  • Isulong ang pagpapahalaga sa sarili ng iyong anak. Ang mga batang hindi mabuti ang ipinapakita sa paaralan ay maaaring hindi maganda ang pakiramdam sa kanilang sarili. Kung nararamdaman nilang hindi sila makaagapay sa mga hinihingi ng mga tao sa paligid nila, ay maaari silang umiwas sa kanilang mga kaibigan at mga aktibidad na panglipunan. Ito’y mahalaga sa mga batang ito na maunawaan na sila ay matalino at mayroon lamang silang ibang paraan na matuto. Yan ang dahilan kung bakit ang mga kapansanan na matuto ay tinatawag din mga kaibahan na matuto. Karamihan sa matalino at malikhaing mga tao ay nagkaroon ng mga kapansanan na matuto, tulad ni Walt Disney, Albert Einstein, at Alexander Graham Bell.

    Kailangan ng iyong anak na taggapin mo ang kundisyong ito. Magbigay ng walang kundisyong pagmamahal at suporta. Maaari mong isulong ang pagpapahalaga sa sarili ng iyong anak kung ipapaalala mo sa kanya ang kanyang mga kalakasan. Regular na gawin ito. Maaaring kailanganin ng iyong anak ang pagpapayo para tulungang mabago ang mga pananaw at mga ekspektasyon tungkol sa kanilang sarili.

  • Tulungan ang iyong anak na maunawaan ang kanyang problema. Pag-usapan ang tungkol sa problema. Tulungan ang iyong anak na magpokus sa kasanayan sa pagkaya sa halip na maramdamang siya ang problema. Paminsan-minsan ang pakikipag-usap sa iba pang bata na mayroon ding LD ay makakatulong. Maaaring mas gumanda ang pakiramdam ng mga bata kung maisip nila na hindi sila nag-iisa.
  • Tulungan ang inyong anak na mag-ayos ng mga bagay-bagay. Tulungan ang inyong anak na mag-ayos ng mga laruan at mga laro pati narin kuwaderno at mga takdang aralin. Kapag kailangan ng inyong anak na magbasa o mag-isip ng mabuti, pagawain siya malayo sa mga tunog ng telebisyon, radyo, o ibang mga nag-uusap.

    Maging maingat na hindi kukuha ang iyong anak ng napakaraming aktibidad. Maaaring mas mainam na mabuting gawin ang ilang bagay kaysa sa ma-stress tungkol sa pagsubok na gumawa ng napakaraming bagay.

  • Pangalagaan ang pisikal na kalusugan ng iyong anak. Mapapalakas ng balanseng diyeta, sapat na pahinga, mga aktibidad na laro, at outing ng pamilya ang katawan at isipan ng iyong anak.
  • Makipag-ugnayan sa paaralan. Mahigpit na makipag-ugnayan sa mga guro, therapist, at iba pang caregiver ng iyong anak. Ipaalam sa guro ng iyong anak na gusto mong gampanan ang isang aktibong papel sa edukasyon ng iyong anak. Tanungin kung paano mo matutulungan ang inyong anak sa bahay.
  • Maghanap ng propesyunal na pagpapayo para sa iyong sarili pati na rin sa iyong anak. Karamihan sa mga magulang ay natutuklasang masyadong nakatutulong ang payo sa pangangasiwa ng mahirap na pag-uugali at mga nararamdaman.
  • Mga pinagsanib na grupo ng suporta. Tumutulong ang mga grupong ito na panatilihin kang up to date sa pinakabagong impormasyon. Ilalagay ka rin nitong nakikipag-ugnayan sa mga magulang nay may mga anak na may katulad na mga problema.
  • Maging maingat sa mga alternatibong paggagamot. Siguruhing ipaalam sa iyong healthcare provider bago magbigay ng mga suplemento, paglipat sa isang espesyal na diyeta, o paggamit ng iba pang uri ng mga alternatibong paggagamot.
  • Bigyan ng gamot ang iyong anak, kung kinakailangan. Maaaring gamitin ang mga gamot, lalo na kung may mga problema ang iyong anak sa depresyon o pakikinig nang mabuti. Ang mga magulang at guro ay makapagbibigay ng feedback sa healthcare provider tungkol sa kung papaanong mukhang gumagana ito.
Developed by Change Healthcare.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng Change Healthcare.
Huling binago: 2017-12-18
Huling narepaso: 2017-10-10
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries
Page footer image