Page header image

Sakit sa Paggamit ng Inhalant: Bersyon ng Teen

(Inhalant Use Disorder: Teen Version)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang sakit sa paggamit ng inhalant ay isang pattern ng paggamit ng mga inhalant na humahantong sa malalalang mga problema sa sarili, pamilya, at kalusugan. Kapag lumalanghap papasok sa ilong o bibig, maaari kang makaramdam ng pagkahilo at pamamanhid ng mga inhalant.
  • Ang sakit sa paggamit ng inhalant ay maaring magamot. Para sa anumang paggagmot na maging matagumpay, dapat mong gustuhing itigil ang paggamit sa mga inhalant. Maaaring magreseta ang iyong healthcare provider ng gamot na makatutulong sa iyo na makaraos sa mga sintomas ng withdrawal. Ang mga grupo na tinutulungan-ang-sarili tulad ng Narcotics Anonymous, mga grupo ng suporta, at therapy ay maaaring makatulong.
  • Ang pinakamagandang paraan para matulungan ang iyong sarili ay magpatingin sa iyong healthcare provider at gumawa ng mga plano para matigil ang pagggamit ng mga inhalant.

________________________________________________________________________

Ano ang sakit sa paggamit ng inhalant?

Ang mga inhalant ay mga kemikal na nakagagawa ng mga usok. Ang mga inhalant ay nilalanghap sa pamamagitan ng ilong o bibig. Tinatawag din itong "pagsinghot" o "paglanghap." Ang mga kemikal na ito ay mabilis na umaabot sa mga baga at daloy ng dugo at nagsasanhi sa mga sintomas na maaaring banta sa buhay. Kasama sa mga uri ng inhalant ang:

  • Gasolina
  • Mga aerosol tulad ng mga spray paint, deodorant, at mga hair spray
  • Nitrous oxide, paminsan-minsang tinatawag na laughing gas
  • Glue
  • Thinner ng pintura
  • Fluid ng lighter

Ang mga bata at teen ay maaaring madaling makakuha ng mga bagay na ito, na ginagawa ang mga ito na mas malamang na maabuso ang mga uri ng droga na ito. Paglanghap ng produkto tulad ng glue o fluid ng lighter ay maaaring banta sa buhay.

Amyl nitrite ("poppers") ay isang inhalant na ginagamit para mapabuti ang mga pakiramdam na nakukuha mo sa oras ng sex. Kung gagamit ka ng amyl nitrate, maaaring hindi ka magsagawa ng ligtas na sex, na nilalagay ka sa peligro ng HIV/AIDS.

Ang sakit sa paggamit ng inhalant ay isang pattern ng paggamit ng mga inhalant na humahantong sa malalalang mga problema sa sarili, pamilya, at kalusugan. Mas maraming lumalapat sa mga pahayag na ito sa iyo, mas malala ang iyong sakit sa paggamit ng inhalant.

  1. Gumagamit ka nang mas marami o gumagamit ng mga inhalant nang mas matagal kaysa sa plinano mo.
  2. Gusto mong bawasan o tumigil, ngunit hindi magawa.
  3. Gumugugol ka nang maraming oras at enerhiya sa pagkuha ng mga droga, paggamit ng mga droga, at makalampas sa mga epekto
  4. Sobra kang nananabik sa mga inhalant kaya nahihirapan kang mang-isip tungkol sa ano pa mang bagay.
  5. May mga problema ka sa trabaho o paaralan, o itinitigil ang pangangalaga sa mga tao na umaasa sa iyo.
  6. May mga problema ka sa relasyon dahil hindi mo tinutupad ang iyong mga pangako, o nakikipagtalo ka o nagiging marahas sa ibang tao.
  7. Itinitigil mo ang mga bagay na mahalaga sa iyo, tulad ng sports, mga libangan, o magpalipas ng oras kasama ang mga kaibigan o pamilya, dahil sa iyong paggamit ng inhalant.
  8. Gumagamit ka ng mga inhalant kahit na mapanganib ito, gaya nang pagmamaneho o pagpapatakbo ng makinarya.
  9. Patuloy kang gumagamit ng mga inhalant kahit na alam mo na napipinsala ang ang iyong pisikal o mental na kalusugan.
  10. Kakailanganing mong gumamit nang parami nang paraming inhalant, o gamitin ito nang mas madalas para makuha ang parehong mga epekto. Tinatawag itong kakayahang magtiis.
  11. May mga sintomas ka ng withdrawal kapag itinitigil mo ang paggamit

Ang sakit sa paggamit ng Inhalant ay maaaring tawaging pag-aabuso sa droga, pag-abuso sa sustansya, pagkalulong, o pagkagumon.

Ano ang sanhi?

Ang sanhi ng sakit sa paggamit ng inhalant ay hindi nalalaman. Ang utak ay gumagawa ng mga kemikal na nakakaapekto sa mga pag-iisip, emosyon, at mga kilos. Binabago ng mga inahalant ang balanse ng mga kemikal na ito sa iyong utak. Kapag gagamit ka ng mga inhalant, magsisimulang masanay ang iyong utak sa mga iyon. Ang ilan sa pagbabago na ito ay maaaring tumagal kahit na pagkatapos mong itigil ang paggamit ng mga inhalant.

Mayroon kang mas mataas na peligro ng pagiging lulong sa mga droga kung ikaw ay:

  • May history sa pamilya ng pag-abuso sa droga o alkohol
  • Umabuso na sa alkohol o mga drago noong nakalipas
  • Madaling mabigo, nahihirapan sa pangangasiwa ng stress, o pakiramdam na parang hindi ka pa magaling
  • Ay regular na nasa paligid ng mga tao na gumagamit ng alkohol, o mga droga
  • May problema sa kalusugan ng pag-iisip
  • May palagiang pananakit

Ano ang mga sintomas?

Ang mga sintomas ng sakit sa paggamit ng inhalant ay dumidepende sa kung gaanong karami at kung gaanong kadalas mong ginagamit ang mga droga. Ang mga sintomas ay maaaring maging banayad hanggang sa malala, tulad ng:

  • Pagkakaroon ng hindi magandang paghuhusga
  • Pagkawala ng kontrol-sa-sarili
  • Pagiging padaskul-daskol, mabuway, at mahina
  • Pakiramdam na tuliro o namamanhid
  • Pagkahilo o pagkahimatay
  • Pagkakaroon ng pagduduwal, pagsususka, o pagkawala ng gana
  • Nakakakita, nakaririnig,o nakakaramdam ng mga bagay na hindi totoo
  • Inaantok na may sakit ng ulo na tumatagal nang mahabang panahon
  • Pagkakaroon ng mga senyales ng pinsala sa utak, tulad ng hindi magawang matutunan ang mga bagong bagay, o maipagpatuloy ang isang simpleng pag-uusap
  • Mga seizure at coma

Kung gagamit ka ng mga inhalant sa mahabang panahon, maaaring mayroon kang mga senyales ng pinsala sa iyong mga nerve at kalamnan, tulad ng kahirapan sa paglalakad, pagyuko, at pagsasalita. Maaari rin nitong mapinsala ang iyong atay at mga bato.

Ang pagsinghot ng maraming inhalant nang minsanan ay maaaring magsanhi ng kamatayan sa loob ng ilang minuto, kahit na ikaw ay isang malusog na tao.

Kung ikaw ay buntis at gumagamit ng mga inhalant, ang iyong sanggol ay maaaring magkaroon ng mga problema sa pag-aaral, paglaki, at pag-uugali.

Paano itong sinusuri?

Tatanungin ka ng iyong healthcare provider kung gaano kadami at kung gaano kadalas kang gumagamit ng mga inhalant. Maging tapat tungkol sa iyong paggamit ng droga. Kinakailangan ng iyong provider ang impormasyong ito para maibigay sa iyo ang tamang paggagamot. Tatanungin din niya ang tungkol sa iyong mga sintomas at medikal na history at susuriin ka. Maaaring sumailalim ka sa mga pagsusuri sa dugo o ihi.

Paano itong ginagamot?

Ang sakit sa paggamit ng inhalant ay maaring magamot. Para sa anumang paggagmot na maging matagumpay, dapat mong gustuhing itigil ang paggamit sa mga inhalant. Huwag subukang gumamit ng alkohol at iba pang droga para mabawasan ang mga sintomas ng withdrawal. Maaaring magreseta ang iyong healthcare provider ng gamot para tulungan kang makalampas sa withdrawal.

Kung gusto mong tumigil, humingi ng tulong.

Ang mga grupo na tinutulungan-ang-sarili tulad ng Narcotics Anonymous, mga grupo ng suporta, at therapy ay maaaring makatulong. Maaaring kasama sa mga uri ng therapy ang:

  • Cognitive-Behavioral Therapy (CBT). Makatutulong ang CBT na tingnan ang iyong mga iniisip, paniniwala, at mga kilos, at maunawaan kung alin ang nagiging sanhi ng mga problema para sa iyo. Pagkatapos ay matututunan mong baguhin ang mga hindi malusog na paraan ng pag-iisip at pagkilos.
  • Therapy na pamilya. Kadalasan ang mga taong may mga sakit sa paggamit ng sustansya ay hindi nauunawaan na mayroon silang problema o hindi handang tanggapin ang paggagamot. Iniiwan nitong bigo at nalilito ang mga mahal sa buhay. Ang therapy na pamilya ay ginagamot ang lahat ng miyembro ng pamilya imbes na tingnan ang iisang tao. Tinutulungan nito ang buong pamilya na maunawaan nang mas mabuti ang bawat isa at gumawa ng mga pagbabago.
  • Mga programa ng pagpagagamot sa pag-abuso sa sustansya. Ang iyong mga healthcare provider at mga tagapayo ay makikipagtulungan sa iyo para bumuo ng programa sa paggagamot. Maaaring magawa mong pumunta sa therapy nang ilang beses sa isang linggo (outpatient na therapy). O maaaring kailanganin mo ng paggagamot sa isang ospital o rehab center. Maaaring kailanganin mong manatili doon nang ilang linggo, o maaari kang pumunta sa isang klinika o ospital bawat araw.

Ang pagpapanumbalik sa dating kalusugan ay pangmatagalang proseso. Marami sa tao na may mga sakit sa paggamit ng sustansya ay sinusubukang tumigil nang higit sa isang beses bago sila magtagumpay sa wakas. Huwag sumuko. Maaari kang tumigil at tumigil nang permanente. Humingi ng tulong at muling subukan. Ang follow-up na pagpapagamot ay napakahalaga para hindi ka bumalik sa paggamit ng mga droga.

Kung ikaw ay na-overdose,o nagkakaroon ng matitinding sintomas ng withdrawal kakailanganin mong magamot sa isang ospital. Gagamutin ka rin sa anumang problema sa kalusugan tulad ng atake sa puso, stroke, o iba pang problemang banta sa buhay.

Paano kong pangangalagaan ang sarili ko?

Ang pinakamagandang paraan para matulungan ang iyong sarili ay magpatingin sa iyong healthcare provider at magumawa ng mga plano para itigil ang pag-abuso sa mga inhalant. Kung nagpapatingin ka na sa isang healthcare provider, mahalaga na kunin ang buong kurso ng paggagamot na inirereseta sa kanya.

Kumuha ng suporta. Makipag-usap sa pamilya at mga kaibigan. Isaalang-alang ang pagsali sa isang grupo ng suporta sa inyong lugar.

Pag-aralang pangasiwaan ang stress. Humingi ng tulong sa bahay at trabaho kapag sobrang daming gawain ang gagawin. Humanap ng mga paraan para magpahinga. Bilang halimbawa, kumuha ng libangan, makinig sa musika, manood ng mga pelikula, o maglakad-lakad. Subukan ang yoga, meditasyon, o mga ehersisyong malalim ang paghinga kapag pakiramdam ay nai-i-stress ka.

Pangalagaan ang iyong pisikal na kalusugan. Subukang matulog nang 7 hanggang 9 na oras gabi-gabi. Kumain ng malusog na diyeta. Limitahan ang caffeine. Kung naninigarilyo ka, huminto. Huwag gumamit ng alkohol o mga droga. Mag-ehersisyo ayon sa mga itinuturo ng yong healthcare provider.

Iwasan ang mga sitwasyon kung saan ang mga tao ay malamang na gumamit ng alkohol o mga droga.

Suriin ang iyong mga gamot. Para makatulong maiwasan ang mga problema, sabihin sa iyong healthcare provider at parmasyotiko ang tungkol sa lahat ng gamot, mga likas na remedyo, bitamina, at iba pang suplemento na iniinom mo.

Makipag-ugnayan sa iyong healthcare provider o therapist kung mayroon kang anumang katanungan o mukhang lumalala ang iyong mga sintomas.

Ang mga tao at mapagkukunan sa iyong komunidad na makatutulong sa iyo na isama ang iyong mga healthcare provider, therapist, mga grupo ng suporta, mga center sa kalusugan sa pag-iisip, at alkohol o mga programa sa paggagamot sa pag-abuso sa sustansya. Maaaring gusto mong kontakin ang:

Developed by Change Healthcare.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng Change Healthcare.
Huling binago: 2017-10-06
Huling narepaso: 2016-03-28
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries
Page footer image