Page header image

Paggagamot sa Bali

(Fracture Treatment)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang bali ay isang lamat o basag sa isang buto. May maraming iba't ibang uri ng mga bali.
  • Ang ilang bali ay maaaring gamutin nang hindi hinihiwa ang balat. Karamihan sa bali ay maaaring kailanganin ng molde, operasyon, mga pin, o iba pang paggagamot.

________________________________________________________________________

Ano ang isang bali?

Ang bali ay isang lamat o basag sa isang buto. Kapag nabali ang buto, ito ay maaaring nabaluktot o may maliit na lamat sa buto, o ang buto ay maaaring madurog o mabasag. Ang ilang bali ay maaaring lumabas sa balat.

Ang sakit at pinsala ay maaaring mahirap o imposibleng gamitin ang bahagi ng katawan na napinsala. Ang mga nawasak na piraso ay dapat maibalik sa tamang lugar at maprotektahan hanggang sa makumpleto ang paghilom.

Ang iba’t ibang klase ng mga bali ay kabilang ang:

  • Nondisplaced: Ang nabaling piraso ng buto ay nasa tamang posisyon pa rin.
  • Displaced: Ang mga piraso ng buto ay wala sa tamang posisyon.
  • Comminuted: Ang buto ay nabali sa mahigit na 2 piraso.
  • Nasa loob: Ang nabaling buto ay hindi nawasak palabas sa balat
  • Compound (nakabukas): Ang nabaling buto ay nawasak palabas sa balat
  • Impacted: Ang mga dulo ng nawasak na buto ay natulak paloob sa bawat isa.
  • Pagkapunit: Isang litid o lamad ang nahiwalay sa buto mula sa kung saan ito orihinal na nakakabit.
  • Pathological: Ang buto ay pinahina na o sinira na ng isang sakit (tulad ng osteoporosis) kaya ang buto ay mas madaling masira kaysa sa malusog na buto.
  • Stress: Ang buto ay may maliliit na bitak na sanhi ng sobrang paggamit, tulad ng mula sa pagtakbo, mga gymnastic o basketball. Ang mga bali na ito ay madalas na nangyayari sa mas mababang binti o paa.

Ano ang iba’t ibang klase ng paggagamot sa bali?

Ang paggagamot sa isang bali ay dumidepende sa klase at lokasyon ng bali.

Ang ilang bali ay kailangan lang ng pahinga, yelo, at posibleng isang brace, boot, splint, o semento para panatilihing nasa puwesto ang mga piraso ng nawasak na buto at panatilihing hindi gumalaw ang buto habang naghihilom ito.

Kung may nakabukang sugat sa bali ang iyong anak, maaaring kailanganin niya ang paggagamot para kontrolin ang pagdurugo o maiwasan ang impeksyon.

Kung baluktot ang nasirang buto, idederetso ng healhtcare provider ng iyong anak ang buto sa pamamagitan ng paggalaw sa mga piraso ng buto pabalik sa kanikanilang mga tamang puwesto. Mayroong iba’t ibang paraan na maaaring gawin ito.

  • Closed reduction: Ang closed reduction ay nangangahulugan na ibinalik ng healthcare provider ng iyong anak ang buto sa tamang posisyon ng hindi naghiwa sa balat. Kung kakailanganin ng iyong anak ang anyo ng paggagamot na ito, makatatanggap siya ng paggagamot para tulungan siyang mapahinga at hindi makaramdam ng kirot.
  • Traction: Ang traction ay ang paggamit ng mga weight o mga nababanat na panali para tulungang hatakin ang buto sa puwesto. Tumutulong din ang traction para panatilihing nasa puwesto ang buto habang naghihilom ito.
  • External fixation: Pagkatapos na maibalik sa puwesto ang mga buto sa pamamagitan ng closed reduction, mga bakal na aspile o mga turnilyo ay maaaring ilagay patagos sa balat papasok sa buto sa itaas o ilalim ng bali. Ang mga aspile o turnilyo ay nakakabit sa mga bakal na bara sa labas ng balat para bumuo ng isang frame sa paligid ng bali. Pinapanatili ng frame na nasa puwesto ang mga piraso ng buto. Kapag naghilom na ang buto, tatanggalin ng iyong healthcare provider ang bakal na frame.
  • Open reduction at internal fixation: Ang open reduction na operasyon ay nangangahulugan ng paghiwa sa balat ng bali at pagbalik ng buto sa tamang posisyon. Ang mga piraso ng buto ay inilalagay sa puwesto gamit ang mga bakal na aspile, plate, o iba pang klase ng kagamitan. Kadalasan iniiwan ang bakal sa puwesto at naghihilom ang buto sa paligid ng bakal. Sa ilang kaso, ang bakal ay maaaring alisin sa isang follow-up na operasyon.

Maaari magsagawa ng mga ehersisyo ang iyong anak na inirerekumenda ng kanyang healthcare provider sa panahon at pagkatapos ng paghilom para muling palakasin at flexible ang mga kalamnan at kasu-kasuan.

Developed by Change Healthcare.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng Change Healthcare.
Huling binago: 2015-12-28
Huling narepaso: 2018-01-02
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries
Page footer image