Page header image

Pilay sa Daliri

(Finger Sprain)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang pilay sa daliri ay pagbanat o pagkapunit ng litid na nagkokonekta sa isa sa buto papunta sa isa pa sa mga daliri.
  • Baguhin o itigil ang paggawa sa mga aktibidad na nagiging sanhi ng pananakit hangggang sa maghilom ang mga pilay.
  • Ang pilay sa daliri ay maaaring gamutin sa pamamagitan ng pag-tapik sa daliri, yelo, ehersisyo, at gamot.

________________________________________________________________________

Ano ang pilay sa daliri?

Ang pilay ay isang pinsala sa isa o marami pang litid sa daliri. Ang mga litid ay matitibay na tali ng tissue na nagkokonekta sa isang buto papunta sa isa pa para mabuo ang mga kasukasuan. Kapag napinsala ang isang litid, maari itong mabanat, bahagyang mapunit, o ganap na mapunit.

Ano ang sanhi?

Ang pilay ay sanhi ng isang biglaang aktibidad na nakapagpapabaluktot o nakakapunit ng litid. Maaaring mangyari ito, bilang halimbawa, kapag tinamaan ng bola ang dulo ng daliri ng iyong anak o kung bumagsak ang iyong anak na una ang kanyang daliri.

Ano ang mga sintomas?

Maaaring kabilang sa mga sintomas ang:

  • Pananakit
  • Pamamaga at pamamasa
  • Nahihirapang gamitin o igalaw ang daliri

Papaano itong sinusuri?

Tatanungin ng healthcare provider ng iyong anak ang tungkol sa mga sintomas, aktibidad, at medikal na history ng iyong anak at iiksaminin ang iyong anak. Maaari magpa-X-ray ang iyong anak o iba pang scan.

Papaano itong ginagamot?

Kakailanganing palitan o itigil ng iyong anak ang mga aktibidad na nagiging sanhi ng pananakit hangggang sa maghilom ang litid.

Maaaring kailanganin ng iyong anak ng splint sa daliri o maaaring kailanganin i-tape ang napinsalang daliri sa katabing daliri nito ("buddy taping") nang ilang linggo pagkatapos ng pinsala.

Maaaring irekumenda ng iyong healthcare provider ang mga ehersisyong pag-uunat at pampalakas para tulungan maghilom ang iyong anak. Sa karamihan ng kaso, maaaring makabalik ang iyong anak sa mga sport o aktibdad hanggang sa magsusuot siya ng splint o magkasamang ite-tape ang mga daliri.

Kadalasanag bumubuti ang pananakit sa loob ng ilang linggo sa pamamagitan ng sariling-pag-aalaga, ngunit ang ilang pinsala ay maaaring tumagal nang mangilan-ngilang buwan o mas matagal na maghilom. Mahalaga na sundin ang lahat ng itinuturo ng iyong healthcare provider.

Papaano kong mapapangalagaan ang aking anak?

Para panatilihing mapababa ang pamamaga at tulungang lunasan ang pananakit sa unang ilang araw pagkatapos ng pinsala:

  • Maglagay ng bulsa-de-yelo, gel pack, o pakete ng mga nagyelong gulay na nakabalot sa isang basahan sa napinsalang bahagi tuwing 3 hanggang 4 na oras nang hanggang 20 minuto nang minsan.
  • Panatilihing nakapatong ang kamay ng iyong anak sa unan kapag uupo o hihiga siya.
  • Painumin ang iyong anak ng hindi inireresetang gamot sa pananakit, tulad ng acetaminophen, ibuprofen, o naproxen. Basahing mabuti ang etiketa at bigyan ang iyong anak ng tamang dosis gaya nang inuutos.
    • Ang mga nonsteroidal anti-inflammatory medicines (NSAIDs), tulad ng ibuprofen, naproxen, at aspirin, ay maaaring magsanhi ng pagdurugo ng bituka at iba pang problema. Alamin sa iyong healthcare provider bago ka magbigay ng anumang gamot na naglalaman ng aspirin o salicylates sa isang bata o teen. Kasama rito ang mga gamot tulad ng baby aspirin, ilang gamot sa sipon, at Pepto-Bismol. Ang mga bata at binatilyo o dalagita na umiinom ng aspirin ay nasa peligro ng isang malalang sakit na tinatawag na Reye’s syndrome.
    • Ang acetaminophen ay maaaring maging sanhi pinsala sa atay o iba pang problema. Huwag magpaiinumin ng maraming dosis kaysa sa inuutos. Para makasigurado na hindi mo paiinumin nang sobra ang iyong anak, tingnan ang iba pang gamot na iniinom ng iyong anak para malaman kung naglalaman din ang mga ito ng acetaminophen. Maliban kung inirerekumenda ng iyong healthcare provider, hindi dapat inunim ng iyong anak ang gamot na ito nang higit sa 5 araw.

Dapat magsagawa ang iyong anak ng mga ehersisyo na inirerekumenda ng iyong healthcare provider.

Sundin ang mga tagubilin ng iyong healthcare provider. Tanungin ang iyong provider.

  • Papaano at kailan mo malalaman ang mga resulta ng iyong pagsusuri
  • Gaanong katagal para makapanumbalik sa dating lakas ng katawan
  • Anong mga aktibidad ang dapat iwasan ng iyong anak at kung kailan makakabalik ang iyong anak sa mga normal na mga aktibidad
  • Papaanong pangalagaan ang iyong sa anak sa bahay
  • Anong mga sintomas o problema ang dapat mong ingatan at kung ano ang gagawin kung magkakaroon ang iyong anak ng mga iyon

Siguruhin na alam mo kung kailan dapat bumalik ang iyong anak para sa isang checkup.

Papaanong maiiwasan ang mga pilay sa daliri?

Siguruhin na sinusunod ng iyong anak ang mga patakarang pangkaligtasan at gumagamit ng anumang pangprotektang kagamitan para sa kanyang mga aktibidad.

Developed by Change Healthcare.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng Change Healthcare.
Huling binago: 2015-03-10
Huling narepaso: 2016-09-20
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries
Page footer image