Page header image

Sakit ng tainga

(Earache)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang sakit ng tainga ay pananakit sa loob o paligid ng tainga. Ang mga sakit ng tainga ay karaniwan sa mga bata.
  • Ang pananakit ng tainga ay kadalasang ginagamot sa pamamagitan ng walang resetang gamot sa pananakit. Maaaring magreseta ng mga antibiotic ang healthcare provider ng iyong anak para sa impeksyon sa tainga, bagaman karamihan sa mga batang may impeksyon sa tainga ay hindi kailangan ng mga antibiotic.
  • Sundin ang mga tagubilin ng healthcare provider ng iyong anak para sa pangangalaga. Tanungin ang iyong provider kung anong mga sintomas o problema ang dapat mong bantayan at kung ano ang gagawin kung mayroon ang iyong anak ng mga iyon.

________________________________________________________________________

Ano ang sakit ng tainga?

Ang sakit ng tainga ay pananakit sa loob o paligid ng tainga. Ang mga sakit ng tainga ay karaniwan sa mga bata.

Ano ang sanhi?

Kabilang sa mga karaniwang sanhi ay:

  • Mga impeksyon

    Maaaring sipunin ang iyong anak at ang impeksyon ay maaaring kumalat sa gitna ng tainga. Ang tubo sa pagitan ng gitnang tainga at lalamunan ay maaaring mamaga. Kinukulong ng pamamaga ang likido, na nagiging sanhi ng sakit.

    Ang canal ng tainga, o panlabas ng tainga, ay maaari rin maimpeksyon at maging sanhi ng sakit. Kadalasang nangyayari ito sa tag-araw kapag nagsu-swimming ang mga bata.

  • Pinsala

    Ang maliliit na bagay na inilalagay sa tainga, tulad ng mga laruan o bulak na pamahid, ay maaaring masaktan ang tainga.

  • Presyon

    Ang iba't ibang klase ng presyon ay maaaring maging sanhi ng sakit sa tainga.

    • Ang tutule ay maaaring makabuo ng bara sa canal ng tainga at magdulot ng presyon sa tainga.
    • Pagbawas ng presyon sa hangin (tulad kapag nakasakay sa eroplano ang iyong anak o umaakyat sa mga bunodk) ay maaari rin maging sanhi ng pananakit. Nangyayari ito dahil ang presyon sa gitna ng tainga ay mas malakas kaysa sa presyon ng hangin sa labas sa matataas na lugar.

Minsan sinasabi ng mga bata na sumasakit ang kanilang tainga kung saan ang pananakit ay talagang mula sa iba pang lugar. Ang pananakit ay maaaring sanhi ng isang impeksyon o bulok na ngipi o isang impeksyon ng anit, leeg, lalamunan, o mga sinus.

Ano ang mga sintomas?

Kapag may sakit ng tainga ang iyong anak, maaaring siya ay:

  • May reklamo ng pananakit sa tainga, umiyak, o nagiging iritable, o nahihirapang matulog
  • Magkaroon ng paagusan ng likido mula sa tainga
  • Magkaroon ng pansamantalang pagkawala ng pandinig
  • Magkalagnat

Ang mga batang napakabata ay maaaring kuskusin o hilahin ang tainga.

Paano itong sinusuri?

Tatanungin ng iyong healthcare provider ang tungkol sa mga sintomas ng iyong anak at medikal na history at susuriin ang iyong anak. Susuriin ng iyong provider ang mga tainga ng iyong anak sa pamamagitan ng espesyal na scope.

Paano itong ginagamot?

Ang pananakit ng tainga ay kadalasang ginagamot sa pamamagitan ng walang resetang gamot sa pananakit

Sa ilang kaso, maaaring magreseta ang iyong provider ng mga anibiotic para sa impeksyon sa tainga. Gayunman, ang mga impeksyon sa tainga ay kadalasang gumagaling nang ilang araw nang walang mga antibiotic. Karamihan sa mga bata na may impeksyon sa tainga ay hindi kailangan ng mga antibiotic.

Ang mga impeksyon sa canal ng tainga ay kadalasang ginagamit sa pamamagitan ng mga pangpatak na antibiotic, na maaari rin maglaman ng gamot para sa sakit.

Ang tutule o mga bagay na humaharang sa canal ng tainga ay dapat na matanggal ng iyong healthcare provider.

Paano kong mapapangalagaan ang aking anak?

Sundin ang mga tagubilin ng iyong healthcare provider para sa pangangalaga.

Para tulungang mapawi ang sakit maaari kang maglagay ng mainit na mamasa-masang pamunas o isang mainit na botelyang tubig na may tuwalya na nakapatong sa tainga.

Tanungin ang iyong provider.

  • Gaanong katagal para makapanumbalik sa dating lakas ng katawan ang iyong anak mula sa sakit na ito
  • Kung may mga gawain na dapat iwasan ng iyong anak at kapag maaari nang bumalik ang iyong anak sa normal na gawain
  • Paanong pangalagaan ang iyong sa anak sa bahay
  • Anong mga sintomas o problema ang dapat mong ingatan at kung ano ang gagawin kung magkakaroon ang iyong anak ng mga iyon

Siguruhin na alam mo kung o kailan dapat bumalik ang iyong anak para sa isang checkup.

Kung may mga problema ang iyong anak sa tutule, maaari kang maglagay ng 1 hanggang 2 patak ng mineral o vegetable oil sa loob ng canal ng tainga nang ilang minuto araw-araw. Punasan ang anumang langis na tutulo mula sa tainga. Masisimulan mong gawin ito nang minsan sa isang linggo o di gaanong madalas kapag ang iyong anak ay hindi gaanong nasasaktan o di gaanong may bara sa tainga o mukhang mas mabuting nakakarinig. May maraming pangpatak na hindi inirereseta na maaari rin makatulong. Huwag kailanman subukang linisin ang kanal ng tainga ng mga cotton swab o iba pang bagay. Maaaring itulak nang higit pang pababa ng mga ito ang tutule o mapinsala ang tainga.

Kung sumasakit ang mga tainga ng iyong anak sa mga pagbabago ng presyon sa hangin, matutulungan mo ang iyong anak na matutunang mapaginhawa ang presyon sa pamamagitan ng pagnguya at paglunok. Binubuksan nito ang tubo mula sa lalamunan papunta sa gitnang tainga. Turuan ang mas nakatatandang bata na isara ang kanilang bibig, pisilin ang kanilang ilong, at dahan-dahang ibuga ang hangin. Madalas nitong ginagawa na parang “nagpa-pop” ang pakiramdam ng kanilang mga tainga. Para sa mga sanggol, makatutulong ka sa pamamagitan ng pag-aalaga o pagpapakain sa iyong anak kapag nagpapalit ka ng taas (tulad sa pagtaas o paglapag sa isang eroplano). Ginagawa nitong lumunok ang iyong anak, na tumutulong balansehin ang presyon ng hangin.

Developed by Change Healthcare.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng Change Healthcare.
Huling binago: 2016-06-14
Huling narepaso: 2017-11-15
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries
Page footer image