Page header image

Karaniwang Paglaki: 2 Taong Gulang

(Normal Development: 2 Years Old)

Ang bawat bata ay naiiba. Habang ang ilang pag-uugali at mga pangyayaring nagpapabago sa paglaki ay malamang na mangyari sa ilang edad, ang malawak na sakop para sa bawat edad ay karaniwan. Ito’y mabuti kung maaabot ng iyong anak nang mas maaga ang ilang pangyayaring nagpapabago at ang iba ay mas huli kaysa sa karaniwan. Kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa paglaki ng iyong anak, alamin sa iyong healthcare provider. Narito ang kung ano ang maaari mong makita na ginagawa ng iyong anak sa 2 taong gulang.

Emosyonal

  • Madaling mabalisa at mainip.
  • Nagpapakita ng galit sa pamamagitan ng pag-iyak o paghampas.
  • Nadidismaya kapag hindi nauunawaan.
  • Gusto ang sariling paraan.
  • Maaaring ipilit ang sarili sa pamamagitan ng pagsasabi ng “hindi”.
  • Bumabalik sa pag-astang parang isang sanggol minsan.
  • Ay nababalisa kapag nagbabago ang pang-araw-araw na ginagawa.
  • May matinding mga pagbabago ng sumpong.

Pakikihalubilo

  • Gustong ginagaya ang iba.
  • Nagiging mas interesado sa mga kapatid na lalake at babae.
  • Nalalaman ang kaibahan sa pagitan ng mga lalake at babae.
  • Maaaring magkaroon ng kalarong nasa imahinasyon lamang.
  • Nasisiyahan sa pakikipaglaro, hindi kasama, ang ibang bata.
  • Hindi nakikihati.
  • Inaangkin na ang lahat ng bagay ay “kanya”.
  • Maaaring kalmutin, paluin, kagatin, at itulak ang ibang bata.

Pag-iisip

  • Ay sobrang interesado sa wika.
  • Gumagamit ng 3 hanggang 5 parirala ng salita sa katapusan ng ikalawang taon.
  • Nauunawaan ang mas maraming salita kaysa makapagsalita.
  • Gustong “ako ang gagawa”.
  • Nakakapagbuo ng tore ng 5 o 6 na block.
  • Hindi mapaliwanagan sa kadalasang panahon.
  • Hindi makapamimili.

Pisikal

  • Ay palaging gumagalaw.
  • Madaling mapagod.
  • Tumatakbo at umaakyat.
  • Nagpapanik-panaog nang mag-isa sa hagdanan.
  • Nagsisimulang maglakad nang nakatingkayad.
  • Napupunta mula sa walang tiyak na pagsusulat sa tila mas kontroladong mga kilos.
  • Naibubutones at natatanggal ang malalaking butones.
  • Nabubuo ang hindi mabilang na pagsasarili sa mga pangangailan sa pagbabanyo (kinakailangan pa rin ng ilang tulong).
  • Maaring magkaproblemang pakalmahin para sa pagtulog.
  • Tapos nang lumabas ang mga pangunahing ngipin.
Written by Robert M. Brayden, MD, Professor of Clinical Pediatrics, University of Colorado School of Medicine.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng Change Healthcare.
Huling binago: 2012-12-26
Huling narepaso: 2016-05-11
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries
Page footer image