Page header image

Karaniwang Paglaki: 2 Buwang Gulang

(Normal Development: 2 Months Old)

Ang bawat bata ay naiiba. Habang ang ilang pag-uugali at mga pangyayaring nagpapabago sa paglaki ay malamang na mangyari sa ilang edad, ang malawak na sakop para sa bawat edad ay karaniwan. Ito’y mabuti kung maaabot ng iyong anak nang mas maaga ang ilang pangyayaring nagpapabago at ang iba ay mas huli kaysa sa karaniwan. Kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa paglaki ng iyong anak, alamin sa iyong healthcare provider. Narito ang kung anong maaari mong makita na ginagawa ng iyong anak sa pagitan ng mga edad na 2 at 4 buwan.

Emosyonal

  • Nagpapakita ng mas maraming pagkakaiba ng emosyon: ligalig, kasabikan, kasiyahan.
  • Ngumingiti, nagmumumog at humuhuni, partikular kapag kinakausap.
  • Mukhang nababalisa kapag umaalis ang isang nakatatanda.
  • Ang pag-iyak ay unti-unting nagiging hindi gaanong madalas. Tumatahimik kapag kinarga o kinausap.
  • Hindi iniisip na umiiral ang mga bagay kung ang mga ito ay hindi nakikita, nahahawakan, o nalalasahan.

Pakikihalubilo

  • Nalalaman ang kaibahan sa pagitan ng mga boses ng lalake at babae.
  • Nalalaman ang kaibahan sa pagitan ng mga boses na nagagalit at mabait.

Pisikal

  • Mas mainam na nakaka-focus, ngunit nakakakita pa rin nang hindi lalampas sa 12 pulgada.
  • Sinusundan ang mga bagay sa pamamagitan ng paggalaw ng ulo sa magkabilang gilid.
  • Mas gusto ang mga bagay na matingkad ang kulay.
  • Natutulog nang mas matagal sa gabi.
  • Kumikilos nang mas banayad.
  • Inaangat ang dibdib nang ilang sandali kapag nakadapa.
  • Napapanatiling nakapirme ang ulo kapag kinakarga o inuupo na may suporta.
  • Tinutuklas ang mga kamay at daliri.
  • Humahawak nang mas may kontrol.
  • Maaaring pumalo sa mga nakalawit na bagay gamit ang buong katawan.
Written by Robert M. Brayden, MD, Professor of Clinical Pediatrics, University of Colorado School of Medicine.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng Change Healthcare.
Huling binago: 2012-12-26
Huling narepaso: 2016-05-11
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries
Page footer image