Page header image

Karaniwang Paglaki: 12 Buwang Gulang

(Normal Development: 12 Months Old)

Ang bawat bata ay naiiba. Habang ang ilang pag-uugali at mga pangyayaring nagpapabago sa paglaki ay malamang na mangyari sa ilang edad, ang malawak na sakop para sa bawat edad ay karaniwan. Ito’y mabuti kung maaabot ng iyong anak nang mas maaga ang ilang pangyayaring nagpapabago at ang iba ay mas huli kaysa sa karaniwan. Kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa paglaki ng iyong anak, alamin sa iyong healthcare provider. Narito ang kung ano ang maaari mong makita na ginagawa ng iyong sanggol sa pagitan ng 12 buwan at 15 buwan na gulang.

Emosyonal

  • Nagpapakita ng maraming negatibong pag-uugali, bilang halimbawa, maaaring tumanggi sa mga pag-idlip, tanggihan ang ilang pagkain, o paminsan-minsang sinusumpong.
  • Maaaring umayaw sa isang bagay na hinihingi.
  • Nakabuo nang malamin na pagmamahal sa ilang pamilyar na tao.
  • Gustong pinatatawa ang mga magulang.

Pakikihalubilo

  • Patuloy na mas gusto ang mga tao kaysa sa mga laruan.
  • Bumibigkas ng ilang salita ("mama", "dada", "ball", "dog").
  • Ay hindi gaanong sabik tungkol sa mga estranghero.

Pag-iisip

  • Kadalasan ay may siguradong pang-araw-araw na tinutularan.
  • Ipinapahiwatig ang ganap na iniisip sa pamamagitan ng isang pantig (ang ibig sabihin ng “da” ay “gusto ko iyan”).
  • Nauunawaan ang ilang simpleng salita.
  • Gusto ang ritmo at mga rhyme.
  • Kadalasang sinusuri ang isang bagay bago ilagay sa bibig.

Pisikal

  • Gustong kumain nang mag-isa.
  • Kadalasang naglalakad ng may katulong; maaaring maglakad nang walang tulong.
  • Mabilis gumapang.
  • Nakakatayong mag-isa.
  • Sariling nauupo sa sahig.
  • Binubuksan ang mga kabinet, hinihila ang mga mantel.
Written by Robert M. Brayden, MD, Professor of Clinical Pediatrics, University of Colorado School of Medicine.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng Change Healthcare.
Huling binago: 2012-12-26
Huling narepaso: 2016-05-11
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries
Page footer image