Page header image

Karaniwang Paglaki: 3 Taong Gulang

(Normal Development: 3 Years Old)

Ang bawat bata ay naiiba. Habang ang ilang pag-uugali at mga pangyayaring nagpapabago sa paglaki ay malamang na mangyari sa ilang edad, ang malawak na sakop para sa bawat edad ay karaniwan. Ito’y mabuti kung maaabot ng iyong anak nang mas maaga ang ilang pangyayaring nagpapabago at ang iba ay mas huli kaysa sa karaniwan. Kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa paglaki ng iyong anak, alamin sa iyong healthcare provider. Narito ang kung ano ang maaari mong makita na ginagawa ng iyong anak sa 3 taong gulang.

Emosyonal

  • Nagiging mas relax at kayang bumagay sa pangyayari.
  • Umiiyak at namamalo kung minsan.
  • Mabilis na lumilipat mula sa pagkamahiyain sa masigla at pabalik.
  • Maaaring magpakita ng takot sa mga bagay o aktibidad na hindi pamilyar.
  • Maaaring gustong maging isang sanggol minsan.
  • Nagsisimulang pag-usapan ang tungkol sa mga panaginip.

Pakikihalubilo

  • Masidhing interesado sa mga aktibidad ng pamilya.
  • Tingin sa mga magulang ay mga bayani.
  • Naghahanap ng pagsang-ayon sa mga nakatatanda.
  • Palaging sinusubukan ang limitasyon.
  • Kadalasa’y mas gustong maglarong mag-isa.
  • Maaaring magkaroon ng kalarong nasa imahinasyon lamang.
  • Sumasali at nakikipaghalinhinan kung minsan.
  • Nakikipag-away sa ibang bata.

Pag-iisip

  • Bumubuo ng pakiramdam sa sarili.
  • Nakapagsasalita hang humigit-kumulang 1,000 salita.
  • Nagsisimulang gumamit ng mga panghalip sa pananalita.
  • Gustong makinig sa mga kuwento nang paulit-ulit.
  • Nasisiyahang mag-aral ng maiikling rhyme at mga kanta.
  • Maaaring magparehas o kilalanin ang mga pangunahing kulay.
  • Nasisiyahan sa imahinasyon at mapanggayang laro.
  • Nakakagawa sa ilang napaka-simpleng gawaing bahay.
  • Itinatabi ang mga laruan sa tulong ng nakatatanda.
  • May atensyon na hindi hihigit sa ilang minuto.
  • Makapamimili.

Pisikal

  • Tumatalon, tumatakbo nang mabilis, tumitingkayad, at banayad na tumatakbo.
  • Nakakapaglakad nang malayo nang nakatalikod.
  • Maaaring madapa at madalas tumumba.
  • Sumasakay ng tricycle.
  • Nakakapagsalin mula sa isang pitsel o karton ng gatas gamit ang dalawang kamay.
  • Sariling naghuhubad ng damit, ngunit kinakailangan ng tulong sa pagbibihis.
  • Gumagamit ng mga krayola.
Written by Robert M. Brayden, MD, Professor of Clinical Pediatrics, University of Colorado School of Medicine.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng Change Healthcare.
Huling binago: 2012-12-26
Huling narepaso: 2016-05-11
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries
Page footer image