Karaniwang Paglaki: 10 Taong Gulang
Ang bawat bata ay naiiba. Habang ang ilang pag-uugali at mga pangyayaring nagpapabago sa paglaki ay malamang na mangyari sa ilang edad, ang malawak na sakop para sa bawat edad ay karaniwan. Ito’y mabuti kung maaabot ng iyong anak nang mas maaga ang ilang pangyayaring nagpapabago at ang iba ay mas huli kaysa sa karaniwan. Kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa paglaki ng iyong anak, alamin sa iyong healthcare provider. Narito ang kung ano ang maaari mong makita na ginagawa ng iyong anak sa 10 taong gulang.
Emosyonal
- Nagpapabalik-balik sa pagitan ng umaasang bata at hindi umaasang pre-teen.
- Nagiging sobrang mahiyain.
Pakikihalubilo
- Gusto ng pagsang-ayon sa pagiging “mabait”.
- Sobrang mag-isip hinggil sa katambal na kasarian.
- Sobrang nakakapag-ugnayan sa grupong kauri at sinusunod ang mga desisyon ng grupo.
- Madaling bumigay sa panggigipit ng kauri.
- Hindi gustong maging “kakaiba”.
- Gustong makipaglaro sa maliliit na grupo.
- Palaging nagsasabi sa pinakamatalik na kaibigan.
- Madalas nagbabago ang mga gusto at hindi gusto.
Pag-iisip
- Ay masigasig mag-aral at gamayin ang mga bagong abilidad at ipinagmamalaki na ginagawang mabuti ang mga bagay.
- Ay nag-aalala tungkol sa mga personal na abilidad.
- Mayroon siyang sariling mga pamantayan ng tama at mali.
Pisikal
- Ay masigla at masigasig.
- Ay parating palampa-lampa ang kilos.
- Nagsusumikap na maging malakas ang pangangatawan.
- Ay naaakit sa kung papaano gumagana ang katawan.
- Maaaring maging mausisa tungkol sa mga droga, alkohol, at tabako.
- Nasisiyahan sa pambanyong katatawanan.
Written by Robert M. Brayden, MD, Professor of Clinical Pediatrics, University of Colorado School of Medicine.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng
Change Healthcare.Huling binago: 2012-12-26
Huling narepaso: 2016-05-11
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries