Karaniwang Paglaki: 6 na Taong Gulang
Ang bawat bata ay naiiba. Habang ang ilang pag-uugali at mga pangyayaring nagpapabago sa paglaki ay malamang na mangyari sa ilang edad, ang malawak na sakop para sa bawat edad ay karaniwan. Ito’y mabuti kung maaabot ng iyong anak nang mas maaga ang ilang pangyayaring nagpapabago at ang iba ay mas huli kaysa sa karaniwan. Kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa paglaki ng iyong anak, alamin sa iyong healthcare provider. Narito ang kung ano ang maaari mong makita na ginagawa ng iyong anak sa 6 taong gulang.
Emosyonal
- Maaaring mayroong hindi mahulaang mga pag-indayog ng sumpong.
- Ay medyo sensitibo sa pangungutya.
- May problema sa pag-amin ng pagkakamali.
- Pakiramada’y nagsisisi tungkol sa mga pagkakamali.
Pakikihalubilo
- Sinusuri ang sarili at mga kaibigan.
- Nagsisimulang gumawa ng mga patakaran para sa mga aktibidad ng paglalaro.
- Nakikipagtulungan sa ibang bata na may ilang kahirapan.
- Nagkakaproblema sa pagsasaalang-alang ng mga damdamin ng iba.
- Pinapahalagahan ang pagsasarili.
Pag-iisip
- Gustong maging responsable para sa simpleng mga gawain sa bahay.
- Gustong gumawa ng mga simpleng desisyon.
- Bumibilang hanggang 100.
- Nagtatanong ng napakaraming tanong na “papaano-ano-kailan-saan-bakit”.
- Patuloy na inuunawa pa ang tungkol sa hugis, kalawakan, oras, kulay, at mga numero.
- Nagsisimulang maunawaan ang kaibahan sa pagitan ng “sinadya” at “sa aksidente”.
- Nagsisimulang maunawaan ang mga pagkakaiba ng opinyon.
- May maikli siyang atensyon na hindi hihigit sa 15 minuto.
- Nasisiyahan sa mga dulang dramatiko.
Pisikal
- Gusto ng aktibong paglalaro ngunit maaaring madaling mapagod.
- Maaaring maging padaskul-daskol at hindi palaging nauunawaan ang mga panganib.
- Ay pinabubuti pa rin ang mga pangunahing panggalaw.
- Ay hindi pa rin mabuting naipagsasabay.
- Nagsisimulang matuto ng ilang partikular na kasanayan sa sports tulad ng pagpalo sa bola.
- Kadalasang tumatayutayo.
- Ay naaakit sa paksa ng ngipin.
- Maaaring maging mas pihikan sa pagkain.
- Gumagamit ng mga krayola at nagpipintura nang may ilang kasanayan, ngunit may kahirapan sa pagsulat at pagputol.
- Maaaring tumangging sa paliligo.
- Ang mga permanenteng ngipin ay nagsisimula nang magngipin, parehong mga bagang at mga ngipin sa harapan.
Written by Robert M. Brayden, MD, Professor of Clinical Pediatrics, University of Colorado School of Medicine.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng
Change Healthcare.Huling binago: 2012-12-26
Huling narepaso: 2016-05-11
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries