Karaniwang Paglaki: 6 na Buwang Gulang
Ang bawat bata ay naiiba. Habang ang ilang pag-uugali at mga pangyayaring nagpapabago sa paglaki ay malamang na mangyari sa ilang edad, ang malawak na sakop para sa bawat edad ay karaniwan. Ito’y mabuti kung maaabot ng iyong anak nang mas maaga ang ilang pangyayaring nagpapabago at ang iba ay mas huli kaysa sa karaniwan. Kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa paglaki ng iyong anak, alamin sa iyong healthcare provider. Narito ang kung ano ang maaari mong makita na ginagawa ng iyong sanggol sa pagitan ng 6 at 9 na buwan na edad.
Emosyonal
- Maaaring magpakita ng matitinding pagbabago ng sumpong.
- Ipinapakita ang espesyal na matatag na pagmamahal sa ina.
- Bumubuo nang mas malalim na pagmamahal sa ama, mga kapatid, at iba pang pamilyar na tao.
- Patuloy na nagugustuhang makita ang kanyang sarili sa salamin.
Pakikihalubilo
- Ngumangawa at tumitili gamit ang iisang pantig.
- Gustong dumaldal nang mabilis.
- Ngumingiti sa ibang bata.
- Maaaring magpakita ng takot sa mga estranghero.
Pag-iisip
- Maaaring makilala ang sariling pangalan.
- Gustong maglaro ng mga laruang maingay at umiingit.
- Gustong maglaro ng pagkain.
- Gusto ng mga laro tulad ng peek-a-boo at pat-a-cake.
- Nakikilala ang mga bata sa mga nakatatanda.
Pisikal
- Natutulog sa gabi.
- Kadalasang nagsisimula ang pagngingipin.
- Maaaring mas gusto ang ilang pagkain sa iba.
- Nagpapahinga sa mga siko.
- Nag-uumpisang umupo nang mag-isa.
- Umuupo sa high chair.
- Lumilipat mula sa pagkakaupo patayo gamit ang kamay at paa.
- Tumatalbog kapag hinahawakan sa posisyong nakatayo.
- Umaabot gamit ang isang kamay.
- Pinapalo at sinusunggaban ang mga nakalawit na bagay.
- Hinahawakan ang mga bagay sa pagitan ng hinlalaki at hintuturo.
- Ipinapasa ang mga bagay mula sa isang kamay papunta sa isa pa.
Written by Robert M. Brayden, MD, Professor of Clinical Pediatrics, University of Colorado School of Medicine.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng
Change Healthcare.Huling binago: 2012-12-26
Huling narepaso: 2016-05-11
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries