Karaniwang Paglaki: 7 Taong Gulang
Ang bawat bata ay naiiba. Habang ang ilang pag-uugali at mga pangyayaring nagpapabago sa paglaki ay malamang na mangyari sa ilang edad, ang malawak na sakop para sa bawat edad ay karaniwan. Ito’y mabuti kung maaabot ng iyong anak nang mas maaga ang ilang pangyayaring nagpapabago at ang iba ay mas huli kaysa sa karaniwan. Kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa paglaki ng iyong anak, alamin sa iyong healthcare provider. Narito ang kung ano ang maaari mong makita na ginagawa ng iyong anak sa 7 taong gulang.
Emosyonal
- Bumubuti sa paglalagay ng mga damdamin sa mga salita.
- Maaaring sisihin ang iba pa para sa sariling kamalian.
Pakikihalubilo
- Nakikipaglaro sa mga lalake at babae nang magkasama.
- Kadalasan ay may pinakamatalik na kaibigan sa kaparehong kasarian.
- Ipinapakita ang lumalaking pag-aalala tungkol sa popularidad sa mga kauri.
- Naghahanap ng pagsang-ayon ng mga kauri pati na rin mga nakatatanda.
- Tinatanggap ang responsabilidad na ipatupad ang mga patakaran.
- Nakikipag-daldalan sa ibang bata na umaasal nang mali.
- Malamang na medyo magiging kritikal.
- Magsisimulang maghanap ng mga gagayahing modelo.
Pag-iisip
- Mabilis na mahuhubog ang kasanayan sa paggamit ng wika.
- Gustong maging "una," "pinakamagaling," "perpekto," "tama," sa lahat ng bagay.
- Lubos na nag-aalala sa tama at mali.
- Nahihirapang unawain ang katapatan at kasinungalingan.
- Nagsisimulang gumamit ng mga lohikal na pangangatwiran para malutas ang mga problema.
- Nasisiyahan sa mga dulang dramatiko.
Pisikal
- May mas mainam na malaking kalamnan kaysa sa kundisyong maliit na kalamnan.
- Sumasakay ng bisekleta.
- Nagsisimulang lumipat sa pagitan ng aktibo at nakapagpapahingang mga aktibidad ayon sa gusto.
- Pinapaboran ang mga larong tagisan ng lakas.
- May mas mainam na mata-kamay na koordinasyon.
- Maaaring magtanong ng tungkol sa buhay, kamatayan, at sa katawan ng tao.
- Sobrang interesado sa paksa ng ngipin.
Written by Robert M. Brayden, MD, Professor of Clinical Pediatrics, University of Colorado School of Medicine.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng
Change Healthcare.Huling binago: 2012-12-26
Huling narepaso: 2016-05-11
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries