Karaniwang Paglaki: 18 hanggang 20 Taong Gulang
Ang bawat teen ay naiiba. Habang ang ilang pag-uugali at mga pangyayaring nagpapabago sa paglaki ay malamang na mangyari sa ilang edad, ang malawak na sakop para sa bawat edad ay karaniwan. Ito’y mabuti kung maaabot ng iyong teen nang mas maaga ang ilang pangyayaring nagpapabago at ang iba ay mas huli kaysa sa karaniwan. Kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa paglaki ng iyong teen, alamin sa iyong healthcare provider. Narito ang kung ano ang maaari mong makita na ginagawa ng iyong teen sa pagitan ng 18 at 20 taong gulang.
Emosyonal
- May mas mainam na pakiramdam ng sarili.
- Ang mga emosyon ay nagiging mas panatag.
- May mas malaking pag-aalala para sa iba.
- Iniisip ang tungkol sa layunin niya sa buhay.
- May ipinagmamalaki sa kanyang sariling gawa.
- Nakakayang kumilala at makaraos sa iba’t ibang klase ng stress.
Pakikihalubilo
- Naging nagtitiwala sa sarili at nagagawang gumawa ng sariling mga desisyon.
- Ay mas kumportable sa paligid ng mga magulang.
- Nagiging interesado sa mga seryosong relasyon.
- Napagsasama ang parehong emosyonal at pisikal na pakikipagpalagayang-loob sa isang relasyon.
- Nakabuo ng malinaw na sexual na pagkatao.
Pag-iisip
- Nagagawang mag-isip ng mga ideya nang tuluy-tuloy at nakakapagtakda ng mga layunin.
- Ay nagagawang ipahayag ang mga ideya.
- Maaaring mapasama sa mga panlipunang isyu (mga berdeng isyu, gumawa kasama ang mga walang bahay, pandaigdigang kagutuman).
Written by Robert M. Brayden, MD, Professor of Clinical Pediatrics, University of Colorado School of Medicine.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng
Change Healthcare.Huling binago: 2012-12-26
Huling narepaso: 2016-05-11
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries