Karaniwang Paglaki: 9 na Taong Gulang
Ang bawat bata ay naiiba. Habang ang ilang pag-uugali at mga pangyayaring nagpapabago sa paglaki ay malamang na mangyari sa ilang edad, ang malawak na sakop para sa bawat edad ay karaniwan. Ito’y mabuti kung maaabot ng iyong anak nang mas maaga ang ilang pangyayaring nagpapabago at ang iba ay mas huli kaysa sa karaniwan. Kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa paglaki ng iyong anak, alamin sa iyong healthcare provider. Narito ang kung ano ang maaari mong makita na ginagawa ng iyong anak sa 9 taong gulang.
Emosyonal
- Ay madaling mapahiya at inaalala ang tungkol sa panggigipit ng kauri.
- Maaaring ma-stress sa paaralan o mga kaganapan sa mundo.
- Malamang na maging kritikal sa sarili.
- Nagiginhawahan na malaman na may katulad na nararamdaman ang iba.
Pakikihalubilo
- May mga ideya at interest na hindi umaasa sa mga magulang.
- Hindi gusto ang anumang bagay na “kakaiba”.
- Gustong makipag-usap, magdamit, at mag-astang katulad lang ng mga kaibigan.
- Ay sumasali sa mga hindi pormal na club at maliliit na grupo na pareho ang kasarian.
- Nagsisimulang uupo lang at makikipag-usap sa mga kaibigan.
Pag-iisip
- Gumagamit ng mga librong sanggunian na may taglay na pagtaas ng kasanayan.
- Nagiging abala sa isang libangan o proyekto, pagkatapos ay iniiwan ito para sa isa pa.
- Maaaring isang perpeksyonista.
- Karaniwang sumusunod sa mga pagtuturo.
- Bumubuo ng sariling mga pamantayan ng tama at mali.
- Ay masyadong nag-aalala tungkol sa pagkamakatarungan.
Pisikal
- May mas malaking koordinasyon ng maliit na kalamnan at mas mainam na kahusayan.
- Pinapaboran ang aktibo, mga laro at sports na highly-charged.
- Gustong mangibabaw sa sports, mga libangan, at mga laro.
- Ay mas interesado sa pananamit at hitsura.
- Tumatawa sa pambanyong katatawanan.
Written by Robert M. Brayden, MD, Professor of Clinical Pediatrics, University of Colorado School of Medicine.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng
Change Healthcare.Huling binago: 2012-12-26
Huling narepaso: 2016-05-11
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries