Page header image

Karaniwang Paglaki: 9 na Buwang Gulang

(Normal Development: 9 Months Old)

Ang bawat bata ay naiiba. Habang ang ilang pag-uugali at mga pangyayaring nagpapabago sa paglaki ay malamang na mangyari sa ilang edad, ang malawak na sakop para sa bawat edad ay karaniwan. Ito’y mabuti kung maaabot ng iyong anak nang mas maaga ang ilang pangyayaring nagpapabago at ang iba ay mas huli kaysa sa karaniwan. Kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa paglaki ng iyong anak, alamin sa iyong healthcare provider. Narito ang kung anong maaari mong makita na ginagawa ng iyong anak sa pagitan ng mga edad na 9 at 12 buwan.

Emosyonal

  • Tinatanggihan ang hindi niya gustong gawin.
  • Gustong nagpapasikat sa pamilyang nanonood.
  • Maaaring umiyak kapag umaalis ang magulang sa kuwarto.
  • Maaaring tumangging magpalampin.

Pakikihalubilo

  • Maaaring gayahin ang mga pagkilos ng mga magulang tulad ng pagluluto o paglilinis.
  • Ginagaya ang pataas at pababang mga tunog ng pag-uusap ng nakatatanda.
  • Paulit-ulit na inuulit ang mga tunog.
  • Maaaring magsimulang magsabi ng “mama” o “dada”.

Pag-iisip

  • Patuloy na nasisiyahan sa pagkalampag at pagwagayway ng mga laruan.
  • Nagiging abala sa mga laruan at laro.
  • Ginagaya ang mga tunog ng pananalita, ngunit hindi pa nauunawaan ang karamihan sa mga ito.
  • Sinisiyasat ang pagkain gamit ang mga daliri.
  • Sinisimulan ang paglalaro.

Pisikal

  • Lumilipat mula sa nakaupong posisyon papunta sa pahiga nang hindi tinutulungan.
  • Maaaring hilahin ang sarili sa posisyong nakatayo.
  • Tumatayo na nakahawak sa muwebles.
  • Sinusubukang ilipat ang isang paa sa harapan ng kabila kapag hinahawakan nang patayo.
  • Hinahagis at kinakalog ang mga bagay.
  • Maaaring subukang gumapang paakyat sa hagdanan.
  • Maaaring magsimulang maglakad nang may tulong.
Written by Robert M. Brayden, MD, Professor of Clinical Pediatrics, University of Colorado School of Medicine.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng Change Healthcare.
Huling binago: 2012-12-26
Huling narepaso: 2016-05-11
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries
Page footer image