Karaniwang Paglaki: 15 hanggang 17 Taong Gulang
Ang bawat bata ay naiiba. Habang ang ilang pag-uugali at mga pangyayaring nagpapabago sa paglaki ay malamang na mangyari sa ilang edad, ang malawak na sakop para sa bawat edad ay karaniwan. Ito’y mabuti kung maaabot ng iyong teen nang mas maaga ang ilang pangyayaring nagpapabago at ang iba ay mas huli kaysa sa karaniwan. Kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa paglaki ng iyong teen, alamin sa iyong healthcare provider. Narito ang kung ano ang maaari mong makita na ginagawa ng iyong teen sa pagitan ng 15 at 17 taong gulang.
Emosyonal
- Maaaring ma-stress sa paaralan at mga score sa test.
- Maaaring magkaroon ng mataas na ekspektasyon at mababang imahe-sa-sarili.
- Naghahanap ng pagsasarilinan at oras nang mag-isa.
- Nag-aalala na sila ay hindi pisikal o sexual na kaakit-akit.
- Maaaring magreklamo na pinipigilan ng mga magulang na gumawa ng mga bagay nang nag-iisa.
- Nagsisimulang magustuhan ang parehong pisikal at emosyonal na kalapitan sa mga relasyon.
Pakikihalubilo
- Naghahanap ng mga kaibigan na nagsasalo sa parehong mga paniniwala, simulain, at mga interes. Nagiging mas mahalaga ang mga kaibigan.
- Nagsasaliksik ng mga pag-uugaling romantiko at sexual sa iba.
- Maaaring maimpluwensiyahan ng mga kauri na tanggapin ang mga peligro sa alkohol, tabako, sex, o iba pang bagay.
Pag-iisip
- Ay mas mainam na kayang magtakda ng mga layunin at mag-isip hinggil sa hinaharap.
- Ay may mas mainam na pag-uunawa sa mga masalimuot na problema at isyu.
- Nagsisimulang bumuo ng mga moral na ideya at pumili ng mga modelong gagayahin.
Pisikal
- Karamihan sa mga babae ay nakukumpleto ang mga pisikal na pagbabago na kaugnay sa pagdadalaga sa edad na 15.
- Ang mga lalake ay patuloy na nahuhusto ang gulang at nadadagdagan ng lakas, tumpok ng kalamnan, at taas. Nagiging mas malalaki ang itlog ng bayag, nagbabago ang boses, at nagsisimulang tumubo ang buhok sa ari.
Written by Robert M. Brayden, MD, Professor of Clinical Pediatrics, University of Colorado School of Medicine.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng
Change Healthcare.Huling binago: 2012-12-26
Huling narepaso: 2016-05-11
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries