Karaniwang Paglaki: 4 na Taong Gulang
Ang bawat bata ay naiiba. Habang ang ilang pag-uugali at mga pangyayaring nagpapabago sa paglaki ay malamang na mangyari sa ilang edad, ang malawak na sakop para sa bawat edad ay karaniwan. Ito’y mabuti kung maaabot ng iyong anak nang mas maaga ang ilang pangyayaring nagpapabago at ang iba ay mas huli kaysa sa karaniwan. Kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa paglaki ng iyong anak, alamin sa iyong healthcare provider. Narito ang kung ano ang maaari mong makita na ginagawa ng iyong anak sa 4 taong gulang.
Emosyonal
- Minsan nagkukunwa pa rin na parang isang sanggol.
- Nagpapakita ng mga bagong takot (nagiging may kamalayan sa maraming panganib).
- Nasisiyahan sa kalokohan.
Pakikihalubilo
- Sumasangguni sa mga magulang bilang panghuling awtoridad.
- Patuloy na sinusubukan ang mga limit na pangmagulang.
- Gumagamit ng “bastos” na mga salita para malaman kung papaanong tumugon ang iba.
- Ay nakahanda para sa mga aktibidad na panggrupo.
- Nakikipag-usap “sa” iba pang bata, ngunit hndi nakikinig sa kung ano ang sinasabi ng ibang bata.
- Ay kumportable sa ibang bata, ngunit nakikipaghati nang may sama ng loob.
- Dumadaldal at nagbabansag ng mga pangalan.
- Ginagaya ang mga nakatatanda.
Pag-iisip
- Ay mas malamang na lunasan ang mga problema sa pamamagitan ng mga salita kaysa sa aksyong agresibo.
- May bokabularyo nang hindi bababa sa 1,500 hanggang 2,000 salita.
- Nagsasalita sa 4 hanggang 5 salitang pangungusap.
- Gusto ng masaya, eksaheradong mga kuwento.
- Nakakapagbilang nang hanggang 5.
- Nakikilala ang ilang hugis at kulay.
- Nauunawaan ang ilang konsepto ng panahon (kahapon, ngayon, at bukas).
- Madalas magtanong ng mga katanungang “bakit”.
- Kadalasang naitatabi ang mga laruan at materyales nang walang tulong ng nakatatanda.
- Magpupumilit na tapusin ang isang aktibidad o proyekto.
- Gustong tumulong sa pamamagitan ng simpleng mga gawain.
- Nagsisimulang malaman ang kaibahan sa pagitan ng tama at mali.
- Nagpapakita ng pagsulong ng abilidad para malaman ang tunay-na-buhay sa gawa-gawa.
- Eksaheradong nagkukwento, ngunit hindi palaging masabi ang kaibahan sa pagitan ng katotohanan at mga kasinungalingan.
- Naniniwala na ang tanging pananaw ay sarili niya.
- Naniniwala na ang 2 hindi magkaugnay na kaganapan ay maaaring magdulot ng cause-effect na ugnayan.
Pisikal
- Lumulundag, tumatakbo, lumulukso, umaakyat na taglay ang pagtaas ng kasanayan.
- Madaling mapagod.
- Ay malapit sa aksidente.
- Gustong gumawa ng malalakas na ingay, ngunit natatakot sa mga hindi inaasahang tunog.
- Nagbabanyo nang hindi tinutulungan, bagaman maaaring hindi maghugas ng mga kamay.
- Gumagawa ng mga disenyo at nagdo-drowing ng mga nakikilalang bagay.
- Nakakagamit ng mga pudpod na gunting.
- Dinadamitan ang sarili, maliban sa pagtatali ng sapatos.
Written by Robert M. Brayden, MD, Professor of Clinical Pediatrics, University of Colorado School of Medicine.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng
Change Healthcare.Huling binago: 2012-12-26
Huling narepaso: 2016-05-11
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries