Karaniwang Paglaki: 4 na Buwang Gulang
Ang bawat bata ay naiiba. Habang ang ilang pag-uugali at mga pangyayaring nagpapabago sa paglaki ay malamang na mangyari sa ilang edad, ang malawak na sakop para sa bawat edad ay karaniwan. Ito’y mabuti kung maaabot ng iyong anak nang mas maaga ang ilang pangyayaring nagpapabago at ang iba ay mas huli kaysa sa karaniwan. Kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa paglaki ng iyong anak, alamin sa iyong healthcare provider. Narito kung ano ang maaari mong mapansin na ginagawa ng iyong sanngol sa pagitan ng mga edad na 4 na buwan at 6 na buwan na edad.
Emosyonal
- Ay aktibo, mapaglaro, at nagugustuhan ang mga tao.
- Nasisiyahan na mahawakan, na kausapin, at marinig na kumakanta.
- Tumatawa at bumubungisngis habang naglalaro at nakikisalamuha.
Pakikihalubilo
- Nakakakuha ng atensyon.
- Binabaling ang ulo bilang mga tugon sa mga boses ng tao.
- Ngumingiti at humuhuni kapag kinakausap.
Pag-iisip
- Maingat na pinag-aaralan ang mga bagay na nakalagay sa kanyang kamay.
- Sinisiyasat ang mga bagay sa pamamagitan ng paglalagay sa mga ito sa kanyang bibig.
- Maaaring magsimulang maintindihan na ang mga bagay ay umiiral kahit na kapag hindi nakikita.
Pisikal
- Kadalasa’y natutulog sa gabi.
- Umaabot at nanghahablot ng ilang bagay.
- Inaalog ang laruang maingay kapag inilagay sa kanyang kamay.
- Malinaw na nagpo-focus.
- Naaakit sa mga imahe sa salamin.
- Gumugulong magmula sa harapan papunta sa likuran.
- Itinataas ang dibdib kapag nakadapa.
- Sinusuportahan ang ulo kapag inilalagay sa posisyong nakaupo.
- Umuupo ng may suporta para sa mas matagal na oras.
- Nasisisyahang gamitin ang mga binti sa pasipang paggalaw.
Written by Robert M. Brayden, MD, Professor of Clinical Pediatrics, University of Colorado School of Medicine.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng
Change Healthcare.Huling binago: 2014-04-15
Huling narepaso: 2016-05-11
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries