Karaniwang Paglaki: 5 Taong Gulang
Ang bawat bata ay naiiba. Habang ang ilang pag-uugali at mga pangyayaring nagpapabago sa paglaki ay malamang na mangyari sa ilang edad, ang malawak na sakop para sa bawat edad ay karaniwan. Ito’y mabuti kung maaabot ng iyong anak nang mas maaga ang ilang pangyayaring nagpapabago at ang iba ay mas huli kaysa sa karaniwan. Kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa paglaki ng iyong anak, alamin sa iyong healthcare provider. Narito ang kung ano ang maaari mong makita na ginagawa ng iyong anak sa 5 taong gulang.
Emosyonal
- Nagsisimulang magpahiwatig ng mga damdamin sa mga salita.
- Madaling mapahiya, at hindi pa kayang kusang tumawa.
- Maaaring may pakiramdam tungkol sa kamatayan.
- Nagpapakita ng pagsisisi sa kalokohan.
- Gustong nagsasarili.
- Ay seryoso at maaasahan.
Pakikihalubilo
- Sumusunod sa maraming patakaran at mga regulasyon.
- Maaaring dumaldal, magbansag-ng-pangalan, mamalo at manulak minsan.
- Nakikipagtulungan sa simpleng mga gawaing panggrupo.
- Gustong pasayahin ang mga nakatatanda.
- Naghahalinhinan kapag naglalaro at nagsasalita.
- Nakikisama sa iba pang bata.
- Masidhing interesado sa mga aktibidad ng pamilya.
Pag-iisip
- Nagsisimulang makakila ng mga titik at salita.
- Mas pinatatagal ang mga aktibidad.
- Nagkakaroon ng sariling-imahe.
- Labis na nagmimithi ng katotohanan.
- Pinapangalanan ang mga simpleng kulay.
- Nauunawaan ang kaliwa sa kanan.
- May bokabularyo nang hindi bababa sa 2,000 hanggang 2,500 salita.
- Makatutulong sa mga gawaing bahay.
- Matututunan ang address at numero ng telepono.
- Nakakapag-isip ng ilang bagay nang tuluy-tuloy.
- Nakakapagbilang nang hanggang 10.
- Nagsisimulang maunawaan ang ideya ng mga kasalungat.
- Nakapagsasalita ng pangungusap na 6 hanggang 8 salita.
- Nasasabi nang magkahiwalay ang mga barya.
- Gusto ang aktibong dulang dramatiko.
- Nauunawaan ang mga konsepto ng umaga, hapon, gabi, kahapon, ngayon, at bukas.
- Mas mainam na kayang sabihin ang gawa-gawa sa tunay na buhay.
Pisikal
- Nagsisimulang matanggal ang mga pangunahing (baby) ngipin.
- Nagpapakita ng pagiging-kaliwete o sa kanang kamay.
- Bumubuo ng mabubusising istraktura.
- Madaling mapagod.
- Naliligo, kumakain, nagbibihis, nagbabanyo nang walang tulong.
- Naglalaro ng kaugnay sa pagluluto, pag-aaral, paliligo, at pagsisiyasat.
- Nasisiyahan sa mga aktibong laro at pagkilos.
- Nasisiyahang magpatugtog ng mga maingay na ritmong instrumento.
- Nag-uusisa tungkol sa paggawa ng bata at panganganak.
Written by Robert M. Brayden, MD, Professor of Clinical Pediatrics, University of Colorado School of Medicine.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng
Change Healthcare.Huling binago: 2012-12-26
Huling narepaso: 2016-05-11
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries