Karaniwang Paglaki: 15 Buwang Gulang
Ang bawat bata ay naiiba. Habang ang ilang pag-uugali at mga pangyayaring nagpapabago sa paglaki ay malamang na mangyari sa ilang edad, ang malawak na sakop para sa bawat edad ay karaniwan. Ito’y mabuti kung maaabot ng iyong anak nang mas maaga ang ilang pangyayaring nagpapabago at ang iba ay mas huli kaysa sa karaniwan. Kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa paglaki ng iyong anak, alamin sa iyong healthcare provider. Narito ang kung anong maaari mong makita na ginagawa ng iyong anak sa pagitan ng mga edad na 15 linggo at 18 buwan.
Emosyonal
- Gustong maglaro sa tubig.
- Nasisiyahan sa paghagis, paggulong, pagtulak, paghila sa mga laruan.
Pakikihalubilo
- Nakakaalam ng mga salita para sa mga bagay bukod sa mga magulang.
- Nagdadagdag ng kumpas sa pagsasalita.
- Mas gusto ang mga nakatatanda kaysa ibang mga bata.
- Gustong manood at gayahin ang mga aktibidad.
Pag-iisip
- Masugid na sinisiyasat ang lahat ng bagay.
- Tumitingin sa mga magulang para sa tulong sa paglunas sa mga problema.
- Natututunan ang ang paggawa ng isang bagay ay nagdudulot ng resulta, tulad ng pagdiin sa mga buton sa isang laruan para makagawa ng tunog.
- Naghahanap ng mga nakatagong bagay sa huling lugar na nakita.
- Nagsisimulang mag-eksperimento sa pamamagitan ng trial and error.
Pisikal
- Gustong kumain nang mag-isa.
- Nagsisimulang gumamit ng maraming bagay nang wasto (bilang halimbawa, maaring ilagay ang suklay sa buhok).
- Tumayo nang hindi sinusuportahan.
- Naglalakad nang walang tulong sa pamamagitan ng malapad na tindig at nakadipang mga kamay.
- Umaakyat sa hagdanan na may tulong.
- Inaayos ang paghawak.
- Pinupulot ang mga bagay sa nakatayong posisyon.
Written by Robert M. Brayden, MD, Professor of Clinical Pediatrics, University of Colorado School of Medicine.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng
Change Healthcare.Huling binago: 2012-12-26
Huling narepaso: 2016-05-11
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries