Page header image

Karaniwang Paglaki: 12 hanggang 14 na Taong Gulang

(Normal Development: 12 to 14 Years Old)

Ang bawat bata ay naiiba. Habang ang ilang pag-uugali at mga pangyayaring nagpapabago sa paglaki ay malamang na mangyari sa ilang edad, ang malawak na sakop para sa bawat edad ay karaniwan. Ito’y mabuti kung maaabot ng iyong anak nang mas maaga ang ilang pangyayaring nagpapabago at ang iba ay mas huli kaysa sa karaniwan. Kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa paglaki ng iyong anak, alamin sa iyong healthcare provider. Narito ang kung ano ang maaari mong makita na ginagawa ng iyong anak sa pagitan ng 12 hanggang 14 na taong gulang.

Emosyonal

  • Maaaring maging sumpungin.
  • Nahihirapan sa pakiramdam ng pagkatao.
  • Ay sensitibo at may pangangailangan sa pagkapribado.
  • Nag-aalala at pakiramdam ay nai-i-stress sa paaralan at mga kaibigan.
  • Maaaring mayroong matatatag na opinyon at hinahamon ang mga patakaran at simulain ng pamilya
  • Maaaring subukang “magpasikat”

Pakikihalubilo

  • Nagiging mas nakapagsasarili.
  • Kadalsa’y naghahanap ng mga kaibigan na may mga paniniwala at simulain na katulad sa kanya o kanyang pamilya.
  • Maaaring isipin ang tungkol sa hitsura sa lahat ng oras
  • Nagsisimulang maghanap sa labas ng pamilya ng pag-ibig at mga relasyon.
  • Naiimpluwensiyahan ng mga kauri tungkol sa mga damit at interes.
  • Maaaring maimpluwensiyahan ng mga kauri para subukan ang mga pag-uugaling peligroso (alkohol, tabako, sex).

Pag-iisip

  • Kadalasang nagpapasya batay sa mga kungkretong patakaran ng tama at mali, mabuti o masama.
  • Nag-iisip hinggil sa kasalukuyan higit pa sa hinaharap.
  • Maaaring magsimulang pag-isipan ang mga problema na may kaunting direksyon mula sa mga nakatatanda at pinag-iisipan ang tungkol sa mga masalimuot na isyu.

Pisikal

  • Maaaring magkaroon ng biglang pagbugso ng paglaki (ang mga babae ay kadalasang lumaki nang 2 taon na mas maaga sa mga lalake)
    • Mga babae: mga pagbabago sa pagkalat ng taba, buhok sa ari, paglaki ng dibdib, simula ng regla
    • Mga lalake: paglaki ng itlog, pagbabago sa boses, buhok sa ari, paninigas sa gabi (“wet dreams”)
  • Maaaring mag-eksperimento sa mga pribadong bahagi ng katawan (pagsasarili).
Written by Robert M. Brayden, MD, Professor of Clinical Pediatrics, University of Colorado School of Medicine.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng Change Healthcare.
Huling binago: 2012-12-26
Huling narepaso: 2016-05-11
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries
Page footer image