Page header image

Karaniwang Paglaki: 11 Taong Gulang

(Normal Development: 11 Years Old)

Ang bawat bata ay naiiba. Habang ang ilang pag-uugali at mga pangyayaring nagpapabago sa paglaki ay malamang na mangyari sa ilang edad, ang malawak na sakop para sa bawat edad ay karaniwan. Ito’y mabuti kung maaabot ng iyong anak nang mas maaga ang ilang pangyayaring nagpapabago at ang iba ay mas huli kaysa sa karaniwan. Kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa paglaki ng iyong anak, alamin sa iyong healthcare provider. Narito ang kung ano ang maaari mong makita na ginagawa ng iyong anak sa 11 taong gulang.

Emosyonal

  • Maaaring magkaroon ng biglaan, dramatiko, emosyonal na mga pagbabago na nauugnay sa pagbibinata o pagdadalaga.
  • Pabalik-balik sa pagitan ng pagiging husto sa gulang sa isang sandali, at hindi husto sa gulang sa susunod.
  • May kalamangan na itago ang mga nararamdaman.
  • Pinahihirapan ang sarili at napaka-sensitibo sa pangungutya.

Pakikihalubilo

  • Gusto ng tulong ng mga magulang, ngunit maaaring tumanggi kapag aalukin.
  • Ay kritikal sa mga magulang.
  • Ay nag-aalala sa karangalan at popularidad.
  • Gustong mapabilang sa isang grupo at maging katulad ng iba.
  • Sumusunod sa mga kalakaran at uso.
  • Mas gustong magpalipas ng oras sa mga araw na walang pasok kasama ang mga kaibigan.
  • Ang pagkakaibigan ay maaaring magbago sanhi ng magkakaibang antas ng pagkahusto sa gulang.
  • Nagiging may kamalayan sa mga sexual na pakiramdam.

Pag-iisip

  • Nagagawang mag-ukol ng pansin at mag-isip nang malalim para sa mas mahahabang panahon.
  • Nagsusumikap na magtagumpay.
  • May matatatag na opinyon.
  • Nagsisimulang maunawaan ang mga motibo ng ibang tao.

Pisikal

  • Maaaring magkaroon ng biglang pagbugso ng paglaki kung babae (kadalasang isang taon o dalawa na mas huli sa mga lalake).
  • Maaaring madaling mapagod at mukhang tamad.
  • Maaaring magmukhang wala sa proporsyon.
  • Ay mahiyain at madalas mag-isip hinggil sa hitsura.
  • Ang gana ay maaaring biglang magpabagu-bago.
  • Maaaring masiyahan sa panonood o paglalaro ng mga sport na tagisan ng lakas.
  • Ay masidhing interesado na matuto ang tungkol sa mga pagbabago sa katawan.
  • Maaaring maging mausisa tungkol sa mga droga, alkohol, at tabako.
Written by Robert M. Brayden, MD, Professor of Clinical Pediatrics, University of Colorado School of Medicine.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng Change Healthcare.
Huling binago: 2012-12-26
Huling narepaso: 2016-05-11
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries
Page footer image