Karaniwang Paglaki: 8 Taong Gulang
Ang bawat bata ay naiiba. Habang ang ilang pag-uugali at mga pangyayaring nagpapabago sa paglaki ay malamang na mangyari sa ilang edad, ang malawak na sakop para sa bawat edad ay karaniwan. Ito’y mabuti kung maaabot ng iyong anak nang mas maaga ang ilang pangyayaring nagpapabago at ang iba ay mas huli kaysa sa karaniwan. Kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa paglaki ng iyong anak, alamin sa iyong healthcare provider. Narito ang kung ano ang maaari mong makita na ginagawa ng iyong anak sa 8 taong gulang.
Emosyonal
- Nagsisimulang malaman na ang ibang tao ay nakararamdam din ng galit, takot, o nalulungkot.
- Madaling mapahiya.
- Madaling napanghihinaan ng loob.
- Maaaring palungkutin ang kanilang sarili o maging napakamahiyain.
Pakikihalubilo
- Maaaring maging pala-katwiran at bossy.
- Maaaring maging mapagbigay at sumasagot.
- Nagpapakita ng mas magandang abilidad para maunawaan ang mga pangangailangan at opinyon ng iba.
- Palaging naghahanap ng mga kaibigan.
- Lalung-lalong gustong mapasama sa hindi pormal na “mga club” na binubuo mismo ng mga bata.
- Nagugustuhan rin mapasama sa mas nakaayos na mga grupo na pinamumunuhang-ng-nakatatanda tulad ng Scouts.
- Nagsisimulang magpakita ng damdamin ng katapatan.
- Nasisiyahan sa mga sikreto.
- Nagpapakita ng kasungitan sa kasalungat na kasarian.
- Maaaring kuwestiyunin ang tungkulin para tumulong sa mga gawaing bahay.
Pag-iisip
- Kadalasang nagtataglay ng ideyalismo.
- Masidhing interesado sa mga proyekto at koleksyon.
- Ipinagmamalaki ang mga natapos na gawain.
- Nilalabanan ang gabay ng nakatatanda minsan.
Pisikal
- Malapit sa aksidente, lalo na sa palaruan.
- May higit na kontrol sa maliliit na kalamnan. Nagsusulat at nagdodrowing ng may higit na kakayanan.
- May kaswal na pag-uugali sa pananamit at hitsura.
- Mukhang sa lahat ng kamay at braso.
- Maaaring nag-aalala hinggil sa taas at timbang.
- Mukhang nagtataglay ng walang hangganang enerhiya.
Written by Robert M. Brayden, MD, Professor of Clinical Pediatrics, University of Colorado School of Medicine.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng
Change Healthcare.Huling binago: 2012-12-26
Huling narepaso: 2016-05-11
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries