Karaniwang Paglaki: Bagong panganak
Ang bawat bata ay naiiba. Habang ang ilang pag-uugali at mga pangyayaring nagpapabago sa paglaki ay malamang na mangyari sa ilang edad, ang malawak na sakop para sa bawat edad ay karaniwan. Ito’y mabuti kung maaabot ng iyong anak nang mas maaga ang ilang pangyayaring nagpapabago at ang iba ay mas huli kaysa sa karaniwan. Kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa paglaki ng iyong anak, alamin sa iyong healthcare provider. Narito ang kung anong maaari mong makita na ginagawa ng iyong sanggol sa pagitan ng mga edad na 0 at 2 linggong gulang.
Emosyonal
- Ngumingiti nang walang dahilan.
- Gumagawa ng maliliit na tunog ng pagmumumog kapag busog.
- Nagpapakita ng kagustuhan sa mukha ng tao.
- Pasumpung-sumpong na umiiyak at maraming kukos-balungos nang halos 1 hanggang 4 na oras kada araw.
Pakikihalubilo
- Nag-uumpisang bumaling sa direksyon ng tunog.
- Nag-uumpisang makilala ang boses ng tao sa iba pang tunog.
- Mas sensitibo sa mga boses na mas mataas-ang-tono, lalo na ang boses ng ina.
- Pinakamainam na kumakalma sa isang banayad, maindayog na boses.
Pisikal
- Alerto at tahimik nang halos 2 hanggang 3 oras kada araw.
- Kadalasang natutulog mula 17 hanggang 20 oras kada araw.
- Hindi makapag-focus nang malinaw. Pinakamainam na nakakakita sa 8 hanggang 10 pulgada.
- Malikot, kadalasang mga galaw na hindi kontrolado.
- Kinakaway ang mga kamay, isinisipa ang mga binti, kumakawag at pinipilipit ang katawan.
- Hindi maibaling ang katawan o masuportahan ang ulo nang walang tulong.
- Hindi makaupo nang walang suporta.
- Maaaring ibaling ang ulo sa magkabilang gilid habang nakahiga.
- Kabilang sa normal na mga kilos ng katawan ang pag-iyak, pangsunggab, paghihikab, paglunok, pagsupsup, pagkindat, pag-ubo, pagduwal, pagbahing.
- Sinusunggaban maski anong ilagay sa kamay.
- Sinusupsup maski anong ilagay sa bibig.
- Namimili sa pagitan ng ilang amoy.
- Nagugulat sa mga biglaang ingay at pagkilos.
Written by Robert M. Brayden, MD, Professor of Clinical Pediatrics, University of Colorado School of Medicine.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng
Change Healthcare.Huling binago: 2013-01-09
Huling narepaso: 2016-05-11
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries