Page header image

Karaniwang Paglaki: 18 Buwang Gulang

(Normal Development: 18 Months Old)

Ang bawat bata ay naiiba. Habang ang ilang pag-uugali at mga pangyayaring nagpapabago sa paglaki ay malamang na mangyari sa ilang edad, ang malawak na sakop para sa bawat edad ay karaniwan. Ito’y mabuti kung maaabot ng iyong anak nang mas maaga ang ilang pangyayaring nagpapabago at ang iba ay mas huli kaysa sa karaniwan. Kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa paglaki ng iyong anak, alamin sa iyong healthcare provider. Narito ang kung anong maaari mong makita na ginagawa ng iyong anak sa pagitan ng mga edad na 18 at 24 na buwan.

Emosyonal

  • Nasisiyahang ginagaya ang mga magulang.
  • Maaaring mag-umpisang magpakita ng pagkabigo kapag hind naiintindihan.
  • Maaaring magpakita ng matatag na pagmamahal sa isang laruan o kumot.
  • Maaaring tumanggi sa pagtulog, nagugustuhan ang parehong laging ginagawa sa pagtulog.
  • Gustong magpakita ng pagsasarili (sariling kumakain, sariling naghuhubad ng mga damit).

Pakikihalubilo

  • Maaaring palaging sumagot ng “hindi”.
  • Tumuturo sa mga bagay at tinitingnan ka para malaman kung pinapansin mo.
  • Tumitingin kung saan ka nakaturo at pabalik sa iyo pagkatapos.
  • Nagsasalita nang 3 hanggang 50 salita.
  • Gustong pangalanan ang lahat ng bagay.
  • Maaaring gumamit ng ilang kumbinasyon ng dalawang-salita.
  • Inuulit ang mga pamilyar at hindi pamilyar na tunog at kumpas.

Pag-iisip

  • Nagsisimulang magkaroon ng pakiramdam ng “ako” at “akin.”
  • Tumutugon sa mga simpleng kahilingan (“Dalhin mo ang iyong libro”).
  • Nauunawaan na umiiral ang isang bagay kahit na kapag nakatago.
  • Nakapaglalarawan ng mga bagay at kaganapan sa isip.

Pisikal

  • Nagsisimulang kumain gamit ang tinidor.
  • Gumagamit ng kutsara o tasa nang hindi natatapon.
  • Naglalakad nang hindi natutumba.
  • Nasisiyahan sa pagtulak at paghila ng mga laruan habang naglalakad.
  • Tumatakbo nang palampa-lampa at madalas matumba.
  • Lumalakad nang patalikod sa maikling distansya.
Written by Robert M. Brayden, MD, Professor of Clinical Pediatrics, University of Colorado School of Medicine.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng Change Healthcare.
Huling binago: 2012-12-26
Huling narepaso: 2016-05-11
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries
Page footer image