Karaniwang Paglaki: 2 Linggong Gulang
Ang bawat bata ay naiiba. Habang ang ilang pag-uugali at mga pangyayaring nagpapabago sa paglaki ay malamang na mangyari sa ilang edad, ang malawak na sakop para sa bawat edad ay karaniwan. Ito’y mabuti kung maaabot ng iyong anak nang mas maaga ang ilang pangyayaring nagpapabago at ang iba ay mas huli kaysa sa karaniwan. Kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa paglaki ng iyong anak, alamin sa iyong healthcare provider. Narito ang kung anong maaari mong makita na ginagawa ng iyong anak sa pagitan ng mga edad na 2 linggo at 2 buwan.
Emosyonal
- Maaaring umiyak kapag iniwang mag-isa; kadalasan’y tumitigil kapag kinarga.
- Gumagawa ng mga tunog na nagmumumog at humuhuni kapag masaya at busog.
- Umiiyak kapag gutom, masyadong mainit o malamig, natutuwa, o hindi komportable sa isang basang lampin o gas. Tumitigil sa pag-iyak kapag kinarga at inalo.
Pakikihalubilo
- Maaaring ngumiti sa mga pamilyar na mukha at boses, lalo na sa boses ng ina.
- Maaaring tumahimik bilang tugon sa mukha ng tao.
- Nakikipagtinginan.
- Bumabaling sa mga direksyon ng ilang tunog.
Pisikal
- Natutulog nang mas matagal sa gabi.
- Unti-unting nagigigng mas banayad ang mga paggalaw at mas kontrolado.
- Inaangat ang baba nang ilang segundo kapag nakadapa.
- Hindi kayang suportahan ang ulo nang walang tulong.
- Sinusunggaban maski anong ilagay sa kamay.
- Maaaring sundan ng mga mata ang ilang gumagalaw na bagay.
- Sinisiyasat ng mga mata ang kapaligiran.
Written by Robert M. Brayden, MD, Professor of Clinical Pediatrics, University of Colorado School of Medicine.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng
Change Healthcare.Huling binago: 2012-12-26
Huling narepaso: 2016-05-11
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries