Page header image

Depresyon sa Mga bata at Mga teen

(Depression in Children and Teens)

______________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang depresyon ay isang kundisyon kung saan ang mga bata at teen ay nalulungkot, nawawalan ng pag-asa, at hindi interesado sa pang-araw-araw na buhay.
  • Ang parehong mga gamot at therapy na pakikipag-usap ay nakatutulong na gamutin ang depresyon sa mga bata at teen.
  • Tanungin ang mga bata o teen kung nakakaramdam sila ng pagpapatiwakal o nakagawa ng anumang bagay para saktan ang kanilang sarili. Kumuha ng emergency na pag-aalaga kung ang iyong anak o teen ay may mga ideya ng pagpapatiwakal o pananakit ng iba o pananakit sa kanyang sarili.

______________________________________________________________________

Ano ang depresyon?

Ang depresyon ay isang kundisyon kung saan ang mga bata at teen ay nalulungkot, nawawalan ng pag-asa, at hindi interesado sa pang-araw-araw na buhay. Ang depresyon ay maaari silang pigilan na gawin ang mga pang-araw-araw na aktibidad.

Ang depresyon sa mga bata ay maaaring minsanang problema o maaaring magpatuloy. Karamihan sa mga bata mahihirapan nang ilang linggo o buwan. Kung walang paggagamot, maaaring bumalik ang depresyon at lumala.

Ang mga batang nagkaroon na ng depresyon ay mas malaki ang peligro ng depresyon sa huling mga taon ng kanilang kabataan at nasa sa sapat na gulang.

Ano ang sanhi?

Ang eksaktong sanhi ng depresyon ay hindi nalalaman.

  • Ang utak ay gumagawa ng mga kemikal na nakakaapekto sa mga pag-iisip, emosyon, at mga kilos. Kung wala ang tamang balanse ng mga kemikal na ito, maaaring may mga problema sa kung papaanong mag-isip, makaramdam, o kumilos ang iyong anak. Ang batang may ganitong sakit ay maaaring may kakaunti o napakarami ng ilan sa mga kemikal na ito.
  • Ang depresyon ay malamang na namamana sa mga pamilya. Hindi ito nalalaman kung ito ay sanhi ng mga gene na napapasa mula sa magulang papunta sa anak. Maaari rin na ang mga magulang ang may negatibong pananaw, at natututunan ng mga bata ang ganitong pag-uugali mula sa mga magulang.
  • Maaaring mapasimulan ito ng mga kaganapan na sobra sa stress tulad ng mga problema sa paaralan, naaapi, pagkawala ng isang kaibigan, paghihiwalay ng mga magulang, o pagkamatay ng alagang hayop o miyembro ng pamilya. Pang-aabuso, pagpapabaya, kahirapan, o kawalan ng tahanan ay nagpapataas din sa panganib ng depresyon.
  • Ang mga batang may malalalang kapansanan na matuto, pisikal na may hadlang (handicaps), o mga problemang medikal ay kadalasang nagkakaroon ng depresyon. Gayunman, ang depresyon ay maaaring magsimula nang walang partikular na sanhi.

Ang depresyon ay mas malala kapag nagsimula ito bago sa edad na 10 o 11 at hindi resulta ng partikular na kaganapan. Sa kabataan, parehong mga batang lalaki at mga batang babae ay kapwang nasa peligro. Sa panahon ng mga taon ng teen, ang mga batang babae ay doble ang lamang kaysa sa mga batang lalaki na magkakaroon ng depresyon.

Ano ang mga sintomas?

Ang depresyon ay parang tila magkaiba sa mga bata at mga teen kaysa sa mga may sapat na gulang. Ang mga may sapat na gulang ay kadalasang inilalarawan ang mga pakiramdam ng kalungkutan at kawalang pag-asa na kasama ang kapaguran. Ang mga batang depressed ay kadalasang mas iritable at moody. Maaari silang maging matigas ang ulo. Maaaring magbago ang kanilang mood mula sa kalungkutan papuntang pagka-irita o biglang galit. Ang ilang bata ay teen ay hindi alam na sila ay depressed. Imbes na pag-usapan ang tungkol sa kung gaanong kasama ang kanilang nararamdaman, maaari silang magpahayag sa kilos. Maaaring tingnan mo ito bilang maling pag-uugali o pagsuway.

Ang isang batang may depresyon ay maaaring:

  • Madalas na mairita, uminit ang ulo, magkaroon ng madalas na silakbo ng paninigaw o pagrereklamo, o padaskul-daskol na pagkilos.
  • Sinisira ang mga bagay tulad ng mga bagay na pambahay o mga laruan
  • Nagsasabi ng mga bagay tulad ng, “I hate myself” o “I’m stupid”
  • Nawawalan ng interes sa mga bagay na dating gusto niya at kadalasang gustong mapag-isa.
  • Nalilimutan ang mga bagay-bagay, nahihirapang magtuon ng pansin, at hinahayaang bumaba ang kalidad ng gawain sa paaralan.
  • Matulog nang matagal, mahirapang makatulog sa gabi, o magising sa gabi at hindi magawang makabalik sa pagtulog.
  • Mawalan ng ganang kumain, maging mapili sa pagkain, o kumain ng mas marami kaysa sa karaniwan
  • Maging sobrang sensitibo sa pagtanggi o kabiguan
  • Ma-guilty nang walang dahilan o maniwala na wala siyang kuwenta. Saktan ng iyong anak ang kanyang sarili, tulad ng pagkagat, paghampas, o paghiwa sa kanyang sarili.
  • Nagsimulang gumamit ng alak at droga
  • Pag-usapan ang tungkol sa kamatayan at pagpapakamatay, tulad ng pagsasabi ng, “I wish I was dead”

Ang mga teenager ay kailangang pangasiwaan ang kanilang pagdadalaga o pagbibinata, mga kauri, at pagkakaroon ng pakiramdam sa sarili. Sa lahat ng kalituhan, madaling hindi makita ang mga senyales ng teenage na depresyon. Ang mga teen na may depresyon ay maari rin magkaroon ng mga sintomas tulad ng madalas na magalit, magkaproblema sa paaralan, labagin ang mga patakaran, at paglayo sa mga kaibigan at pamilya.

Papaano itong sinusuri?

Tatanungin ng healthcare provider ng iyong anak o isang therapist sa kalusugan ng pag-iisip ang tungkol sa mga sintomas ng bata, history ng medikal at pamilya, at anumang gamot na iniinom ng bata. Sisiguruhin niya na walang medikal na karamdaman o problema sa droga o alkohol ang iyong anak na maaaring maging sanhi ng mga sintomas.

Karamihan sa sintomas ng depresyon ay mga sintomas din ng iba pang sakit. Minsan mahirap mabatid ang depresyon sa iba pang problema tulad ng sakit na bipolar, pagkaligalig at sakit na post-traumatic stress. Ang isang therapist sa kalusugan ng pag-iisip na nag-e-espesyalista sa pakikipagtulungan sa mga bata at teen ay pinaka-kuwalipikado na suriin ang depresyon.

Papaano itong ginagamot?

Ang parehong mga gamot at therapy na pakikipag-usap ay nakatutulong na gamutin ang depresyon sa mga bata at teen. Kung may sinumang pisikal o seksuwal na nananakit sa iyong anak, o ang iyong anak ay tinatakot, ginugulo, o inaapi, ang tagapayo ay maaaring gumawa ng aksyon para tulungang mapanatiling ligtas ang iyong anak.

Ang cognitive behavior therapy (CBT) ay tinutulungan ang mga bata na matutunan ang tungkol sa depresyon, kasama ang pagtuturo ng mga kasanayan sa pangangasiwa ng kanilang mga pisikal na sintomas, negatibong pag-iisip, at problema sa mga pag-uugali.

Ang therapy na pamilya ay kadalasang talagang nakakatulong. Tinatrato ng therapy na pamilya ang pamilya bilang isang buo kaysa magtuon sa anak lamang. Ang mga bata ay kadalasang nakakaramdam ng sobrang nasusuportahan kapag kasamang dumadalo sa therapy ang mga magulang at kapatid at nagtutulungan bilang isang grupo.

Ang mangilan-ngilang klase ng gamot ay makakatulong na gamutin ang depresyon. Kung ang iyong anak ay mayroon ding pagkaligalig o ADHD, kung ganun maaaring magreseta ng gamot para gamutin ang mga problemang iyon. Makikipagtulungan ang iyong healthcare provider sa iyong anak para piliin ang pinakamainam na gamot para sa iyong anak.

Bagama’t bihira, ang mga antidepressant ay maaaring gawing manic ang isang bata o teen (pakiramdam na sobrang pinasigla at nagiging napakaaktibo), mas depressed, o kahit na pag-iisip ng pagpapatiwakal. Napakahalaga na magbantay sa mga bago o lumalalang sintomas, lalo na kapag unang sinimulang uminom ng gamot ang bata. Makipag-usap sa healthcare provider ng iyong anak tungkol sa mga peligro at benepisyo ng mga gamot na ito. Sa karaniwan may mas maraming benepisyo kaysa sa mga peligro.

Papaano kong matutulungan ang aking anak?

  • Suportahan ang iyong anak. Himukin ang mga bata na pag-usapan ang tungkol sa kung anuman ang gusto nilang pag-usapan. Maging isang mabuting tagapakinig. Nakakatulong ito sa mga bata na umpisahang maunawaan na ang kanilang mga nararamdaman at naiisip ay talagang mahalaga, na talagang nag-aalala ka tungkol sa kanila, at hindi ka tumitigil mag-alala kahit na sila ay ma-depressed. Kung papaalisin ka ng iyong anak, huwag lalayo. Ipaalam sa mga bata na naroroon ka para sa kanila sa tuwing kailangan ka nila. Paulit-ulit na ipaalala ito sa mga bata. Maaaring kailangan nilang marinig ito nang madalas dahil pakiramdam nila ay hindi karapat-dapat sa pagmamahal at atensyon.

    Tanungin ang iyong anak kung siya ay binu-bully, sinasaktan, o inaapi ng sinuman. Makipag-ugnayan sa mga guro, babysitter, at iba pang tao na nag-aalaga sa iyong anak para mag-share ng impormasyon tungkol sa mga sintomas na maaaring nararanasan ng iyong anak.

  • Maging hindi pabagu-bago. Unawain na hindi ka responsable sa depresyon ng iyong anak, kahit na kung ang isang bagay tulad ng diborsyo ay maaaring nagpasimula nito. Maging matatag at hindi pabagu-bago sa mga patakaran at kahihinatnan. Kailangang malaman ng iyong anak na ang mga patakaran ay gagamitin pa rin sa kanila. Hindi nakakatulong na turuan ang mga bata na maiiwasan nila ang mga kahihinatnan kung sila depressed.
  • Tulungan ang iyong anak na matutunang pangasiwaan ang stress. Turuan ang mga bata at teen na sanayin ang malalim na paghinga o iba pang technique sa pagpapahinga kapag ang pakiramdam ay nai-is-stress. Tulungan ang iyong anak na maghanap ng mga paraan para makapagpahinga, bilang halimbawa kumuha ng libangan, makinig sa musika, manood ng sine, o maglakadlakad.
  • Pangalagaan ang pisikal na kalusugan ng iyong anak. Siguruhin na kumakain ng malusog na diyeta ang iyong anak at nakakakuha ng sapat na tulog at ehersisyo araw-araw. Turuan ang mga bata at teen na iwasan ang alkohol, caffeine, nicotine, at mga droga.
  • Suriin ang mga gamot ng iyong anak. Sabihin sa lahat ng healthcare provider na gumagamot sa iyong anak ang tungkol sa lahat ng gamot na iniinom ng iyong anak, para makasiguro na walang conflict sa mga gamot na antidepressant. Siguruhin na iniinom ng iyong anak ang kanyang mga gamot araw-araw, kahit na maganda ang pakiramdam. Ang pagtigil sa mga gamot kapag maganda ang kanyang nararamdaman ay maaaring muling makapagsimula sa mga problema.
  • Makipag-ugnayan sa iyong healthcare provider o therapist kung mayroon kang anumang katanungan o kung ang mga sintomas ng iyong anak nagpapatuloy o lumulubha.

Tanungin ang mga bata o teen kung nakakaramdam sila ng pagpapatiwakal o nakagawa ng anumang bagay para saktan ang kanilang sarili. Kumuha ng emergency na pag-aalaga kung ang iyong anak o teen ay may mga ideya ng pagpapatiwakal o pananakit ng iba o pananakit sa kanyang sarili.

Para sa higit na impormasyon, kontakin ang:

Developed by Change Healthcare.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng Change Healthcare.
Huling binago: 2017-10-06
Huling narepaso: 2016-08-05
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries
Page footer image