Page header image

Mga pildoras sa Pagpigil sa Pag-aanak: Bersyon ng Teen

(Birth Control Pills: Teen Version)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang mga tabletas sa pagpigil sa pagbubuntis ay naglalaman ng female hormones tulad ng estrogen at progesterone. Ang mga tabletas ay nakakapigil sa pagbubuntis.
  • Siguruhin na alam mo kung papaano at kailan iinumin ang iyong gamot. Tanungin ang iyong healthcare provider kung may mga espesyal na pag-iingat na dapat mong gawin kapag sinimulan mong gamitin ang mga pildoras at kung ano ang dapat mong gawin kung maligtaan mo ang isang pildoras.
  • Tanungin ang iyong healthcare provider o parmasyotiko kung anong mga side effect ang maaaring idulot ng gamot at kung ano ang gagawin mo kung magkaroon ka ng mga side effect.

________________________________________________________________________

Saan ginagamit ang mga pildoras sa pagpigil sa pag-aanak?

Ang mga pildoras sa pagpigil sa pag-aanak ay ginagamit para pigilan kang mabuntis. Ang mga ito ay paminsan-minsang ginagamit din para tulungang gamutin ang mga sintomas ng irregular, malakas, o masakit na pagreregla. Kung umiinom ka ng mga pildoras sa pagpigil sa pag-aanak, dapat mong inumin ang mga ito nang naaayon schedule na inireseta ng iyong healthcare provider.

Ang pildoras sa pagpigil sa pag-aanak ay isa sa mga pinakamaaasahan uri ng pagpigil sa pag-aanak. Sa bawat 1000 kababaihan na ginagamit ang mga pildoras nang eksakto tulad ng itinuturo hanggang isang taon, 3 kababaihan ang maaaring mabuntis. Ang posibilidad ng pagbubuntis ay mas mataas kung hindi mo maingat na susundin ang mga pagtuturo sa pag-inom ng mga pildoras.

Ang isa pang pangalan para sa mga pildoras sa pagpigil sa pag-aanak ay mga iniinom na pang-iwas sa pagbubuntis.

Papaanong gumagana ang mga ito?

Ang mga pildoras sa pagpigil sa pag-aanak ay naglalaman ng gamot na katulad sa likas na mga hormone ng babae. Karaniwan, kinokontrol ng mga hormone ang paglabas ng itlog mula sa isang obaryo bawat buwan. Ang pag-inom ng pildoras sa pagpigil sa pag-aanak ay binabago ang mga antas ng hormone at pinipigilan ang mga obaryo na maglabas ng itlog. Kung hindi maglalabas ng itlog ang mga obaryo, hindi ka mabubuntis. Ang mga hormone ay nagiging sanhi rin ng pagkapal ng mucus na nasa sipit-sipitan at binabago ang lining ng matris. Ang mga pagbabagong ito ay nakakatulong din na maiwasan ang pagbubuntis.

Ang mga pildoras na pinakakaraniwan ay naglalaman ng mga uri ng estrogen at progesterone ng hormone na ginagawa ng tao. Mayroon din isang pildoras na progesterone-lang, na ginagamit lamang sa mga espesyal na kaso.

Kapag uminom ka ng mga pildoras sa pagpigil sa pag-aanak, regular ang iyong regla at kadalasay mapusyaw. Ang mga pamamanhid sa pagreregla ay maaaring hindi kasing sakit. Ang mga sintomas ng premenstrual syndrome (PMS) ay maaaring hindi kasing nakakaabala.

Ano pa ang kailangan kong malaman tungkol sa gamot na ito?

  • Sundin ang mga direksyon na kasama ng iyong gamot, kabilang ang impormasyon tungkol sa pagkain o alkohol. Siguruhin na alam mo kung papaano at kailan iinumin ang iyong gamot. Tanungin ang iyong healthcare provider kung may mga espesyal na pag-iingat na dapat mong gawin kapag sinimulan mong gamitin ang mga pildoras at kung ano ang dapat mong gawin kung maligtaan mo ang isang pildoras.
  • Ang gamot na ito ay hindi ka maiiwas na magkaroon ng AIDS o iba pang sexually transmitted disease. Ang mga latex o polyurethane na condom ay ang tanging pamamaraan ng pagpigil sa pag-aanak na makakapagprotekta laban sa HIV virus at AIDS.
  • Ang paninigarilyo habang ginagamit mo ang gamot na ito ay nagpapataas sa peligro ng malalang mga side effect. Makipag-usap sa iyong healthcare provider tungkol sa mga paraan para tumigil sa paninigarilyo.
  • Karamihan sa mga gamot ay may mga side effect. Ang side effect ay isang sintomas o problema na dulot ng gamot. Tanungin ang iyong healthcare provider o parmasyotiko kung anong mga side effect ang maaaring idulot ng gamot at kung ano ang gagawin mo kung magkaroon ka ng mga side effect.
  • Dalhin mo ang isang listahan ng iyong mga gamot. Ilista ang lahat ng iniresetang gamot, hindi iniresetang gamot, mga suplemento, likas na remedyo, at mga bitamina na iniinom mo. Sabihin lahat ng healthcare provider na gumagamot sa iyo tungkol sa lahat ng produkto na iniinom mo.
  • Subukang mapunan sa parehong lugar ang lahat ng inireseta sa iyo. Makatutulong ang iyong parmasyotiko na masiguro na ang lahat ng iyong gamot ay ligtas na inumin nang magkasama.

Kung mayroon kang anumang katanungan, tanungin ang iyong healthcare provider o parmasyotiko para sa higit na impormasyon. Siguruhing mapupuntahan ang lahat ng appointment para sa pagpapatingin o eksaminasyon ng provider.

Developed by Change Healthcare.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng Change Healthcare.
Huling binago: 2015-07-23
Huling narepaso: 2017-03-15
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries
Page footer image