Page header image

Pag-iwas sa Pagbubuntis para sa Kabataang Kalalakihan at Kababaihan

(Pregnancy Prevention for Young Men and Women)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Kung iniisip mong makipag-sex sa unang pagkakataon o nakikipag-sex ka na, dapat mong malaman ang tungkol sa pag-iwas sa pagbubuntis. Ang mga pamamaraan sa pagpigil sa pag-aanak ay mga paraan para hindi mabuntis kapag nakipag-sex ka.
  • Kasama sa mga pamamaraan sa pagpigil sa pag-aanak ang mga condom, gamot, aparato, at operasyon.
  • Magpasya nang maaga kung ano ang tama para sa iyo. Maghanap ng nakatatanda na makakausap mo tungkol sa iyong nararamdaman at mga iniisip. Maaari kang makipag-usap sa iyong mga magulang, healthcare provider, mga tagapayo ng paaralan, guro, o mga kamag-anak na may sapat ang gulang.

________________________________________________________________________

Kung iniisip mong makipag-sex sa unang pagkakataon o nakikipag-sex ka na, dapat mong malaman ang tungkol sa pag-iwas sa pagbubuntis. Bagaman karamihan sa mga pamamaraan ay depende sa gagawin o iinuming isang bagay ng babae, mahalaga na maunawaan ng mga lalake kung ano ang involve para masuportahan nila ang kanilang mga nobya. At saka, huwag kalimutan na ang mga condom ang tanging pamamaraan sa pagpigili sa pag-aanak na makapagpipigil sa mga sexually transmitted disease (STDs).

Pagpapasya na Makipag-Sex

Ang tanging paraan para maiwasan ang pagbubuntis na 100% mabisa ay huwag makipag-sex. Kung makikipagtalik ka, mayroong palaging ilang peligro ng pagbubuntis.

Ang pakikipaghawakan ng mga kamay, yakapan, paghipo, at halikan ay hindi nagiging sanhi ng pagbubuntis. Ang pakikipagtalik ay maaaring napaka-nakaiibig at espesyal na karanasan sa pagitan ng dalawang tao. Gayunman, dapat mong isipin ang tungkol sa mangilan-ngilang mahahalagang isyu bago ka magpasiyang makipag-sex. Bukod sa pagbubuntis, maaari kang makakuha ng sexually transmitted disease, at maaari ka rin emosyonal na masaktan kung hindi nag-aalala ang iyong kapareha para sa iyo.

Magpasya nang maaga kung ano ang tama para sa iyo. Maghanap ng nakatatanda na makakausap mo tungkol sa iyong nararamdaman at mga iniisip. Bagaman minsa’y mahirap itong gawin na magsimula ng usapan, dapat mong isipin ang tungkol sa pakikipag-usap sa iyong mga magulang. Maaaring makipag-usap ka rin sa iyong healthcare provider, mga tagapayo ng paaralan, guro, o mga nakatatandang kamag-anak. Kadalasang nagagawa mong pag-usapan ang mga isyu sa mga nakatatandang ito nang kumpidensyal.

Anu-ano ang iba’t ibang pamamaraan ng pagpigil sa pag-aanak?

Gamot na pang-Hormone

Ang mga gamot na pang-hormone ay mga gamot na pangpigil sa pag-aanak para sa kababaihan. Gumagamit sila ng mga uri ng estrogen at/o progeterone ng mga hormone ng babae na ginagawa ng tao. Pinipigilan ng mga hormone ang mga obaryo ng babae na magpakawala ng itlog bawat buwan. Ginagawang mas mahirap ng mga ito para sa semilya na makapasok sa matris at mas mahirap para sa isang napunlaang itlog na manatili sa matris.

  • Ang mga pildoras sa pagpigil sa pag-aanak ay iniinom araw-araw ayon sa isang schedule na inireseta ng iyong healthcare provider.
  • Isang iniksyon ng Depo-Provera, na naglalaman ng progesterone, ay makapipigil sa pagbubuntis hanggang 3 buwan.
  • Ang mga vaginal ring ay malalambot na singsing na inilalagay mo mismo sa loob ng iyong ari. Ang mga singsing ay naglalabas ng mga hormone sa loob ng katawan. Ang isang singsing ay nananatili sa ari ng babae hanggang 3 linggo. Pagkatapos ay aalisin ito at magkakaroon ang babae. Pagkatapos nang 1 linggo maglagay ng bagong singsing sa loob ng ari ng babae at ulitin ang siklo.
  • Ang mga patse na may mga hormone ay maaaring ilagay sa iyong balat. Maglagay ka ng bagong patse sa iyong balat bawat linggo hanggang 3 linggo. Hindi ka gagamit ng patse sa panahon nang ika-4 na linggo at magkakaroon ka. Pagkatapos ay ulitin ang siklo.
  • Ang implant (Implanon) ay isang maliit, manipis na kapsula na naglalaman ng progesterone. Inilalagay ito ng iyong healthcare provider sa ilalim ng balat ng iyong braso. Pinipigilan ng implant ang pagbubuntis nang hanggang 3 taon.

Kailangan mong magpatingin sa iyong healthcare provider para makakuha ng alinman sa mga hormonal na uri ng pagpigil sa pag-aanak.

Mga kagamitan sa Pagpigil sa Pag-aanak

Karamihan sa mga kagamitan sa pagpigil sa pag-aanak ay nagdudulot ng mga pangharang na pinipigil ang semilya na makapasok sa matris. Ang pangharang ay maaaring pisikal o kemikal.

  • Ang condom ng lalake ay isang tubo ng manipis na materyales. Latex na goma o polyurethane ay pinakamainam. Irolyo ang condom sa matigas na ari ng lalake bago dumampi ang ari ng lalake sa anumang parte ng ari ng babae. Ang condom ng lalake ang pinakamainam na proteksyon labas sa mga STD.
  • Ang condom ng babae ay isang supot na ilalagay mo sa ari ng babae bago mag-sex. Gawa ito sa polyurethane at may 2 singsing na naibabaluktot. Tinatakpan nito ang ari ng babae, ang sipit-sipitan (ang lagusan papunta sa sinapupunan sa loob ng ari ng babae), at ang bahagi sa paligid ng ari ng babae. Maaaring makapagprotekta ito laban sa ilang STD, tulad ng HIV at hepatitis B.
  • Ang mga spermicide ay mga kemikal na pinapatay ang semilya. Ginagawa ang mga ito na magkakaibang anyo, tulad ng foam, gel, cream, film, suppository, at tableta. Ipinapasok ang mga ito sa loob ng ari ng babae na hindi lalampas nang 30 minuto bago mag-sex. Ang mga spermicde ay gumagana nang mas mainam kapag ginagamit ang mga ito kasama ng iba pang uri ng pagpigil sa pag-aanak, tulad ng condom o diaphragm. Ang mga spermicide ay hindi nakakapagprotekta laban sa mga STD.
  • Ang sponge ay isang bilog, malambot na piraso ng polyurethane foam. Ibinababad ito sa isang spermicide. Hindi hihigit sa 24 na oras bago mag-sex, pamasa-masain ang sponge ng tubig at ilagay ito sa loob ng ari ng babae.
  • Ang diaphragm ay isang malambot, mababaw na goma o silicone cup na may nababaluktot na rim. Bago ka makipag-sex, punan ang diaphragm ng isang spermicide at ilagay ito sa loob ng ari ng babae, sa ibabaw ng sipit-sipitan.
  • Ang cervical cap ay isang malambot na silicone cup na inilalagay mo sa loob ng ari ng babae at sa ibabaw ng sipit-sipitan. Para itong diaphragm maliban sa mas maliit. Tulad ng diaphragm, dapat itong gamitin na may spermicide para gumana nang tama.
  • Ang intrauterine device (IUD) ay isang maliit na aparatong plastik na naglalaman ng tanso o mga hormone. Inilalagay ito sa loob ng matris ng iyong healthcare provider. Pinipigilan ng IUD na mapunlaan ang itlog o bumaon at lumaki sa matris. Ang IUD ay maaaring panatilihin sa loob ng matris nang 3 hanggang 10 taon, depende sa klase bago ito mapalitan ng isang bago.

Makakabili ka ng mga condom, spermicide, at sponge sa mga tindahan ng gamot at grocery nang walang reseta. Ang mga diaphragm at cervical cap ay kailangang mailapat ng isang healthcare provider. Ang mga IUD ay dapat na mailagay sa loob ng matris ng isang healthcare provider.

Sterilization

Ang sterilization ay isang procedure na isinasagawa para isara ang mga tubo na nagdadala ng mga semilya o itlog. Maaari itong isagawa sa pamamagitan ng operasyon na dadaan sa iyong tiyan o sa pamamagitan ng mga espesyal na aparato na ipinapasok sa ari ng babae at papasok sa mga fallopian tube. Ang isang babae o lalake na na-sterilize ay wala nang kakayahang magkaanak. Ang procedure ay kadalasang isang permanenteng pamamaraan ng pagpigil sa pag-aanak. Ito’y napakabihirang gawin ang procedure na ito kung ikaw ay mas bata sa 21 taong gulang o kung wala kang mga anak.

Ang operasyon para alisin ang matris ng babae (hysterectomy) ay nagiging sanhi rin ng pagkabaog.

Ang pamamaraang Likas na Pagpaplano ng Pamilya at ang Withdrawal

Ang mga pamamaraang likas na pagpaplano ng pamilya sa pagpigil sa pag-aanak ay hindi gumagamit ng anumang kagamitan, gamot, o operasyon. Para maiwasan ang pagbubuntis iwasan mo ang pakikipag-sex sa ilang araw ng bawat siklo ng regla. Ang ilan sa ibang pamamaraan ng pagpigil sa pag-aanak ay kadalasang mas maaasahan.

Ang pamamaraang withdrawal ay kinabibilangan ng paghugot ng ari na lalake sa ari ng babae bago magsimulang lumabas ang isperma sa ari ng lalake. Kadalasan ang isperma ay napupunta sa ari ng babae bago o sa oras ng withdrawal. Ang withdrawal ay HINDI maaasahang paraan para maiwasan ang pagbubuntis.

Pang-emergency na Pagpigil sa Pag-aanak

May mga pildoras na maaaring inumin para sa pang-emergency na pagpigil sa pag-aanak. Ang mga pildoras ay naglalaman ng hormone na pipigilan ang pagbubuntis kung iinumin kaagad ng babae ang mga ito pagkatapos niyang makipag-sex nang walang proteksyon. Maaaring inumin ng babae ang mga pildoras na ito kung masisira ang isang condom, o kung nakipag-sex siya nang walang anumang pagpigil sa pag-aanak. Depende sa klase ng gamot na nasa mga pildoras, kinakailangang mainom ang mga pildoras nang hindi lalampas nang 72 o 120 oras (3 hanggang 5 araw) pagkatapos mag-sex. Makakabili ka nang ilang klase ng pang-emergency na mga pildoras na pagpigil sa pag-aanak. Maingat na sundin ang mga tagubilin ng pakete o mga direksyon ng iyong healthcare provider sa pag-inom sa mga pildoras.

Ang isang copper intrauterine device (IUD) ay isa pang paraan para maiwasan ang pagbubuntis pagkatapos makipag-sex nang walang proteksyon. Dapat na mailagay ang IUD sa loob ng matris ng isang healthcare provider sa loob ng 5 araw pagkatapos mag-sex.

Ang sterilization, IUD, at mga gamot na pang-hormone, tulad ng mga pildoras sa pagpigil sa pag-aanak, ang pinakamabibisang pamamaraan sa pagpigil sa pag-aanak. Gayunman, ang diaphragm at condom ay maaaring maging halos kasing maaasahan kung ang mga ito ay ginagamit nang tama.

Developed by Change Healthcare.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng Change Healthcare.
Huling binago: 2016-06-13
Huling narepaso: 2018-01-08
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries
Page footer image