Page header image

Mga batang Sobra sa timbang at Labis ang katabaan

(Overweight and Obese Children)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang mga batang sobra sa timbang o labis ang katabaan na tumitimbang nang mas higit sa kung ano ang malusog para sa uri ng kanilang katawan. Pinatataas ng sobra sa timbang o labis ang katabaan ang panganib ng iyong anak sa diabetes, hika, mga diperensya sa pagtulog, at iba pang problema sa kalusugan.
  • Kabilang sa paggagamot sa sobra sa timbang o labis ang katabaan ang mga pagbabago sa uri ng pamumuhay, tulad ng malusog na diyeta at regular na ehersisyo. Kung ang iyong anak ay may problema sa stress, depresyon, o ligalig, maaaring i-refer ng iyong healthcare provider ang iyong anak sa isang therapist. Kung ang mga hormone imbalance ay nakapag-aambag sa sobrang timbang, maaaring mag-reseta ng gamot ang provider ng iyong anak para gamutin ang imbalance.
  • Suportahan at himukin ang iyong anak. Makipagtulungan sa healthcare provider ng iyong anak, dietitian, o therapist para mahanap ang tamang plano para sa malusog na timbang para sa iyong anak.

________________________________________________________________________

Ano ang sobra sa timbang at labis ang katabaan?

Ang sobra sa timbang o labis ang katabaan ay ang pagkakaroon ng sobrang taba sa katawan. Ang mga batang sobra sa timbang o labis ang katabaan na tumitimbang nang mas higit sa kung ano ang malusog para sa uri ng kanilang katawan.

Pinatataas ng sobra sa timbang o labis ang katabaan ang panganib ng hindi magandang kalusugan at malalang sakit ng iyong anak, kabilang ang:

  • Diabetes
  • Mataas na cholesterol
  • Mataas na presyon ng dugo
  • Sakit sa apdo
  • Mga diperensya sa pagtulog
  • Hika

Ang pagiging sobra sa timbang o labis ang katabaan ay maaari rin maging sanhi na maging mahiyain ang iyong anak hinggil sa kanyang hitsura o matukso o maapi. Ang mga batang sobra sa timbang o labis ang katabaan ay nasa mataas ang panganib para sa depresyon at pag-abuso sa sustansya. Minsan ang pamimilit mula sa mga magulang at iba pang nakatatanda na magbawas ng timbang ay nagiging sanhi na sobrang mag-react ang mga bata. Maaari silang mag-isip nang sobra-sobra tungkol sa timbang at itakda ang simula ng diperensya sa pagkain.

Ang isa pang problema ay ang mga batang sobra sa timbang o labis ang katabaan ay kadalasang nagiging mga may sapat na gulang na sobra sa timbang.

Ano ang sanhi?

Mangilan-ngilang bagay ang maaaring maging sanhi ng sobra sa timbang o labis ang katabaan.

  • Pagkain nang marami pagkain kaysa sa ginagamit ng katawan. Kumukuha ang iyong anak ng enerhiya (mga calorie) mula sa pagkain na kinakain niya. Ang pagkain ng maraming calorie kaysa sa ginagamit ng katawan ay nangangahulugan na ang ekstrang enerhiya ay naiimbak bilang taba.
  • Hindi nakapag-e-ehersisyo nang sapat. Panonood ng telebisyon, pagtatrabaho o paglalaro sa computer nang matagal araw-araw, at hindi nag-e-ehersisyo nang regular ay nakapag-aambag sa pagdagdag ng timbang. Ang mga batang sobra sa timbang o labis ang katabaan ay maaaring makapagsunog ng mas kaunting calorie kaysa sa mga batang hindi dahil mas mahirap maging pisikal na aktibo.
  • Metabolismo. Ang mga batang sobra sa timbang o labis ang katabaan ay maaaring gumamit nang kaunting enerhiya kapag nagpapahinga sila kaysa sa mga tao na hindi sobra ang timbang o labis ang katabaan.
  • History ng pamilya. Ang mga namanang gene ay maaaring makaapekto sa timbang ng iyong anak. Ang mga batang sobra sa timbang o labis ang katabaan ng mga magulang ay 10 beses na mas malamang na maging sobra sa timbang o labis ang katabaan kaysa sa mga bata na ang mga magulang ay hindi. Ang hindi malusog na pagkaing kinagawian ng pamilya ay maaari rin maging isang dahilan ng mangilan-ngilang miyembro ng pamilya na sobra sa timbang o labis ang katabaan.
  • Mga emosyon. Depresyon, galit, ligalig, at stress ay mga problemang emosyonal na maaaring humantong sa pagkain nang marami at kaunting pag-eehersisyo.
  • Mga hormone imbalance. Ang pagkakaroon ng hindi aktibong thyroid gland ay maaaring humantong sa pagdagdag ng timbang at maaaring gawing mahirap ang pagbabawas ng timbang.
  • Mga gamot. Ang ilang gamot tulad ng mga pildoras na pampigil sa pag-aanak o mga gamot para gamutin ang depresyon ay maaaring maging sanhi ng pagdagdag ng timbang.

Ano ang mga sintomas?

Ang pagdaragdag ng sobrang timbang ay ang unang senyales na ang iyong anak ay maaaring nasa panganib ng sobra sa timbang o labis ang katabaan. Maaari mong mapansin na sumisikip ang mga damit ng iyong anak. Habang nadaragdagan ng timbang ang iyong anak, maaari siyang magkaroon ng mga sintomas na sanhi ng sobra sa timbang o labis ang katabaan. Kabilang sa mga sintomas na ito ang:

  • Kakapusan ng hininga kapag siya ay aktibo
  • Kahirapan sa pagtulog, kabilang ang sleep apnea. Kung may sleep apnea ang iyong anak, siya ay tumitigil sa paghinga nang ilang sandali habang natutulog. Maaaring mapagod ang iyong anak sa mga problemang ito sa araw.
  • Kirot sa mga kasu-kasuan at kalamnan, lalo na ang likod, mga tuhod, at sakong
  • Mga pantal na namumuo kung saan ang balat ay nagkikiskisan at kinukulong ang moisture
  • Hindi regular na regla sa mga babae

Pinatataas ng sobra sa timbang o labis ang katabaan ang panganib na magkakaroon ng mga problema sa kalusugan ang iyong anak bilang isang may sapat na gulang, tulad ng sakit sa apdo, puso, o atay.

Papaano itong sinusuri?

Tatanungin ng healthcare provider ng iyong anak ang tungkol sa mga sintomas ng iyong anak at susuriin ang iyong anak. Tatanungin ng provider ng iyong anak ang tungkol sa medikal na history ng iyong anak, mga kinagawian sa pagkain, at mga kinagawiang ehersisyo. Ang iyong anak ay maaaring magkaroon ng mga pagsusuri sa dugo para tingnan ang mga problema sa hormone.

Susuriin ng healthcare provider ng iyong anak ang taas at timbang ng iyong anak laban sa mga chart ng karaniwang paglaki. Ang body mass index, o BMI, para sa mga bata ay ginagamit para sa mga edad 2 hanggang 20. Ang mga chart ng paglaki na ito, isa para sa mga batang lalaki at isa para sa mga batang babae, ay nakatutulong na alamin ang timbang hanggang sa mga taon ng paglaki. Tumpak na ipinapakita ng BMI kung kulang man sa timbang, normal, o sobra sa timbang ang iyong anak. Ikinukumpara ang BMI ng iyong anak sa libu-libong bata na pareho ang edad. Ipakikita ng pagkukumparang ito kung anong persentahe ng BMI kasama ang iyong anak.

Ang sobra sa timbang ay mas mataas kaysa sa 85% ng BMI para sa edad ng iyong anak.

Ang labis ang katabaan ay kadalasang itinuturing na mas mataas kaysa 95% ng BMI para sa edad ng iyong anak.

Ang mga chart sa paglaki sa isang bahagi lang ng isang mas malaking larawan na isinasaalang-alang sa medikal na history at kasalukuyang kalusugan ng iyong anak. Masasabi ng iyong healthcare provider kung ang iyong anak ay may pinataas na panganib ng mga problema sa kalusugan dahil sa timbang. Maaari rin tumulong ang iyong healthcare provider na humanap ng programa ng malusog na timbang na gagana sa iyong anak.

Papaano itong ginagamot?

Ang paggagamot sa sobra sa timbang o labis ang katabaan ay ibibilang ang mga pagbabago sa uri ng pamumuhay. Matutulungan ka ng mga dietitian at healthcare provider na magdisenyo ng ligtas, malusog, mabisang programa para sa iyong anak para magkaroon ng malusog na timbang.

Malusog na diyeta

Sa karaniwan, ang malusog na plano sa pagkain para sa malusog na timbang ay ang isa na:

  • Kasama ang maraming prutas, gulay, mga whole grain, at beans.
  • Isinasama ang mga produktong gatas na fat-free o low-fat.
  • Kasama ang mga walang tabang karne, isda, mga itlog o puti ng itlog, nuts, mga buto, at mga pagkaing soya.
  • Mababa sa saturated fats, trans fats, cholesterol, asin, at mga dagdag na asukal.

Ehersisyo

Ang ehersisyo ay isang napakahalagang bahagi ng isang matagumpay na programa para sa isang malusog na timbang. Ang halos anumang aktibidad na kabilang ang banayad hanggang sa kainaman na ehersisyo ay mabuti. Maaaring piliin ng iyong anak na maglakad, mag-jog, lumangoy, cycle, o mag-aerobics. Ang paglalakad ay magandang paraan para sa halos sinuman para mas makapag-ehersisyo. Ang paggamit ng pedometer ay maaaring maging masaya at nakapag-mo-motivate. Ang pedometer ay isang aparato na ikinakabit sa damit at sinusubaybayan kung gaanong karaming hakbang ang ginagawa ng iyong anak sa isang araw.

Ang pagsasanay ng lakas ay gagawing mas malakas ang mga kalamnan ng iyong anak at magagawang makagawa nang mas mahaba nang hindi napapagod. Pagsasanay ng lakas, o pagsasanay ng timbang, ay nangangahulugan na pag-eehersisyo na nagpapalakas sa kalamnan. Para magka-muscle, maaaring magbuhat ang iyong anak ng free weights, gumamit ng mga weight machine, gumamit ng mga resistance band, o gamitin ang bigat ng kanyang katawan, tulad ng pagpu-push up, pull-up, o mga sit-up. Alamin sa healthcare provider ng iyong anak bago magsimula ang iyong anak ng programa sa pagsasanay ng lakas.

Tanungin ang healthcare provider ng iyong anak kung anong klase at dami ng ehersisyo na maaaring tama para sa iyong anak.

Mga emosyon

Ang ilang mga anak ay kumakain bilang isang paraan para makaagapay sa mga emosyonal na problema. Kung ang iyong anak ay may problema sa stress, depresyon, o ligalig, maaaring i-refer ng iyong healthcare provider ang iyong anak sa isang therapist. Kailangan matutunan ng iyong anak kung paanong pangasiwaan ang mga problemang emosyonal para magtagumpay sa isang programa ng malusog na timbang.

Mga gamot

Kung ang mga hormone imbalance ay nakapag-aambag sa sobrang timbang, maaaring mag-reseta ng gamot ang provider ng iyong anak para gamutin ang imbalance.

May mga pag-aangkin na ang ilang herbal at mga produktong gawa sa gatas ay nakatutulong sa pagbabawas ng timbang. Karamihan sa mga pag-aangkin na ito ay hindi totoo. Ang ilang suplemento ay maaaring magkaroon ng mga malalang side effect. Makipag-usap sa healthcare provider ng iyong anak bago mo payagan ang iyong anak na gumamit ng herbal at mga suplementong pangdiyeta.

Papaano kong matutulungan ang aking anak?

Kadalasang hindi iniisip ng mga magulang na sobra sa timbang o labis ang katabaan ng kanilang anak. Kahit na alam nila na mas mabigat ang kanilang anak kaysa ibang mga bata, maaaring isipin ng mga magulang na makakalakihan lang ng bata ito. Gayunman, kung sobra sa timbang o labis ang kataban ng bata, kadalasang ito ay sanhi ng mga kinagawaing hindi malusog na pagkain at ehersisyo. Ang mga nakagawiang iyon ay malamang na hindi magbabago maliban kung aaksyon ang mga magulang.

Kung ang mangilan-ngilang tao sa iyong pamilya ay may diabetes o mga problema sa timbang, ang iyong anak ay nasa mas mataas na peligro. Ang mga pagbabago na gawing malusog ang uri ng pamumuhay bilang isang pamilya ay nakatutulong sa sinuman. Gumawa ng isa o dalawang pagbabago nang paisa-isa at hayaang mag-adjust ang mga bata. Ang paggawa ng malalaking pagbabago sa diyeta o uri ng pamumuhay ay hindi madali. Paminsan-minsan ang pag-aalis lang ng matatamis na inumin at pagsisimula ng programa ng ehersisyo ay magiging sapat para matulungan ang iyong anak na magkaroon ng malusog na timbang.

Ilang tip para matulungan ang iyong anak:

  • Gamitin ang istilo sa pagkain na Choose My Plate para tulungang kontrolin ang mga laki ng piraso. Tingnan ang https://www.choosemyplate.gov/ para sa mga detalye.
  • Siguruhin na kumakain ng malusog na almusal ang iyong anak araw-araw. Ang paglaktaw sa almusal ay maaaring hayaang magutom ang iyong anak, mapagod, at malamang na kumain ng hindi malulusog na pagkain at mas maraming pagkain pagkatapos ng araw.
  • Hayaan tumulong ang iyong anak na magplano ng mga pagkain at mamili ng mga grocery. Ipakita sa iyong anak kung paanong bumasa ng etiketa ng nutrisyon. Matutulungan nito ang iyong anak na matuto at gumawa ng sarili niyang mga desisyon tungkol sa mga bagong pagkaing susubukan. Bumili at maghain ng maraming prutas at gulay at mas kaunting soft drink at mga meryendang pagkain.
  • Maghain ng tubig at non-fat na gatas imbes na maasukal na mga inumin. Ang maasukal na mga inumin ay maaaring magdagdag ng ekstrang 500 o higit pang mga calorie kada araw.
  • Panatilihing may nakahandang malulusog na meryenda. Ang mga meryenda tulad ng chips, cookies, at kendi ay mataas sa taba at mga calorie.
  • Huwag gamiting pabuya ang pagkain o bawiin ang pagkain bilang parusa.
  • Hindi dapat ilagay ang iyong anak sa isang istriktong diyeta maliban lang kung nasa pangangalaga ng isang healthcare provider o dietitian. Ang isang diyeta na sobrang mahigpit ay maaaring makagambala sa normal na paglaki.
  • Magplano ng mga aktibidad na kasama ang iyong anak na kabilang ang ehersisyo, tulad ng skating, pagbibisikleta, pagtakbo, o paglalakad. Bigyan ng mga aktibong gawain ang iyong anak, tulad ng paglilinis ng kotse, pagba-vacuum, o paglilinis ng mga bintana.
  • Mahirap maging aktibo kapag nakaupo sa harapan ng screen (TV, computer, DVD, mga video game). Piliting panatilihing 2 oras o mas maaga ang panonood kada araw, hindi kabilang kung ano ang kinakailangang gawin ng iyong anak para sa eskuwela.
  • Karamihan sa mga bata ay gustong matuto sa computer. Bagaman ang sobrang oras sa computer ay hindi maganda, may mga website na magiliw sa bata at mga programa na nagkakaloob ng masasayang ideya para kumilos at mas malusog na kumain ang mga bata.
  • Suportahan at himukin ang iyong anak. Alam ng mga bata kapag sobra sila sa timbang o labis ang katabaan at hindi gustong mabungangaan tungkol dito. Mahalaga na malaman ng iyong anak na mahal at tinatanggap mo siya sa anumang timbang. Maghanap ng mga grupo ng suporta sa pagbabawas-ng-timbang sa iyong komunidad. Ang suporta mula sa ibang bata ay makakatulong maingganyo ang iyong anak.
  • BAM! Katawan at Pag-iisip http://www.cdc.gov/bam/ ay binibigyan ang mga batang 9 hanggang 13 taong gulang ng impormasyon na kailangan nila para mamili ng malusog na uri ng pamumuhay.
  • Panatilihin ang iyong mga appointment sa healthcare provider, dietitian, o therapist ng iyong anak. Magagabayan at matutulungan ka nila na panatilihing naiinganyo ang iyong anak.
Developed by Change Healthcare.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng Change Healthcare.
Huling binago: 2017-12-18
Huling narepaso: 2017-07-24
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries
Page footer image