Page header image

Pag-childproof ng Iyong Bahay

(Childproofing Your Home)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Maraming lugar sa iyong tahanan ang maaaring maging panganib para sa iyong batang mga anak.
  • Ang paggawa ng hakbang para gawing ligtas ang iyong tahanan ay makakapigil sa mga seryoso at mapanganib sa buhay na mga pinsala.

________________________________________________________________________

Ang isa sa pinakamahahalagang hakbang na maaari mong gawin para protektahan ang kalusugan at buhay ng iyong anak ay ipa-childproof ang iyong bahay.

Ang sumusunod ay isang mabilis na listahan sa pag-childproof ng mga bahagi sa iyong bahay. Tandaan na bawat bata at tahanan ay naiiba. Suriin nang mabuti ang iyong bahay. Ang isang paraan para suriin ang iyong tahanan ay pagluhod sa iyong tuhod at paggapang sa iyong kamay sa palibot ng bawat kuwarto. Magpapangyari itong makita mo ang mga bagay tulad gaya ng iyong anak.

Kusina

  • Pihitin ang mga hawakan ng lahat ng kaldero sa likuran ng kalan para hindi maabot ng iyong anak ang mga ito. Gamitin ang mga burner sa hulihan ng kalan kapag maaari. Ang pinakamagandang paraan para maiwasan ang mga aksidente ay panatilihing nasa kanyang playpen o high chair ang iyong sanggol habang nagluluto ka. Huwag papayagan na maglaro ang mga bata sa sahig ng kusina habang nagluluto o nagbe-bake ka.
  • Magtabi ng mga fire extinguisher sa kusina at malapit sa alinmang mga fireplace. Ilayo ang mga posporo at lighter sa maaabot ng mga bata.
  • Iwasan ang paggamit ng mga mantel na maaaring mahila.
  • Ilayo ang mga appliances at ang kanilang mga kurdon sa mga gilid ng counter o mga pang-ibabaw ng lamesa. Panatilihing nakabalumbon at nakatali ang mga kurdon.
  • Ilayo ang mga bangkitong may tapakan sa mga counter at kalan.
  • Maglagay ng mga pangkaligtasang pangtrangka sa mga drawer at kabinet. Kung may espasyo ka, maaari mong ilagay ang magagaan na kaldero, kawali, malalaking plastik na mangkok, at mga kutsara sa ilalim na cupboard para paglaruan ng iyong anak.
  • Itago sa orihinal na lalagyan ang lahat ng produktong panglinis at nakakalasong kemikal. Ilagay sa mataas na cupboard na hindi ng mga bata. Siguruhin na may lock ito o pangkaligtasang pangtrangka.
  • Itago ang mga kutsilyo at matatalim na bagay sa isang drawer o cupboard na hindi maaabot ng bata.
  • Agad na i-vacuum ang mga nabasag na salamin at pagkatapos ay gumamit ng basang paper towel para linisin ang maliliit na bubog ng salamin sa iyong sahig.
  • Ilayo ang maiinit na inumin sa hindi maaabot ng bata. Kapag hahawak ng maiinit na likido o mga pagkain, tingnan kung nasaan ang iyong anak bago mo damputin ang takure o kawali. Hindi mo gustong matapilok at maligwakan ng anumang bagay na mainit ang iyong anak.
  • Ilagay ang aluminum foil, plastik bag, at pambalot na plastik sa hindi naaabot ng bata.
  • Para maiwasan na mabulunan, alisin ang mga magnet sa refrigerator sa oras na kaya ng maabot ng iyong sanggol ang mga ito.

Banyo

  • Itago ang mga gamot sa isang nakasusing kabinet na hindi abot ng bata. Ang mga gamot ang karaniwang sanhi ng pagkalason sa kamusmusan. Ibalik ang lahat ng gamot sa tamang lalagyan at ilagay ang mga ito sa kabinet pagkatapos mong gamitin ang mga ito. Siguruhin na lahat ng gamot ay may mga takip na pangkaligtasan sa bata.
  • Ilagay ang shampoo, mouthwash, kosmetiko, at sabon sa hindi maaabot ng bata.
  • Ilagay ang mga pitaka, bag at maleta na naglalaman ng mga gamot at toiletries sa hindi maaabot ng bata.
  • Alisin sa saksakan ang ang elektronikong mga kagamitan at ilayo sa maaabot ng bata. Ilayo ang lahat ng de-kuryenteng appliance sa tubig para maiwasang makuryente. Magpakabit sa isang electrician ng Ground Fault Circuit Interrupters (GFCIs) para palitan ang mga saksakan na malapit sa tubig. Tumutulong itong maiwasang makuryente.
  • Babaan ang temperature ng pang-init ng tubig sa 120°F (49°C) para maiwasan ang mga pagkapaso. Parating tingnan kung tama ang temperatura ng tubig bago ilagay ang iyong anak sa tubig ng liguan o sa ilalim ng gripo.
  • Para maiwasan ang pagkahulog, magkabit ng non-slip strips at mat sa paliguan.
  • Para maiwasan ang pagkalunod, samahan ang iyong anak kapag siya ay nasa paliguan. Kung kailangan mong umalis, balutin ang iyong anak ng tuwalya at isama siya. Kapag tapos na ang oras ng paliligo, alisan ng tubig ang paliguan kaagad.
  • Itapon ang mga pildoras, labaha, at iba pang mapanganib na bagay sa isang may takip basurahan na hindi abot ng bata. Ang mga bata ay gustong magsaliksik ng mga basurahan.
  • Gumamit ng mga lock ng pantakip o panatilihing nakasara ang banyo para mapanatiling ligtas ang mga bata. Maglagay ng kawit sa labas ng pinto ng banyo o isang takip na pangkaligtasan para mapigilan ang mga bata sa pagbubukas ng mga hawakan ng pinto. Palaging iwanang nakasara ang takip ng inidoro.
  • Gumamit ng plastik o mga papel na baso at mga sisidlan sa banyo para mababa ang posibilidad ng mababasag na salamin.

Muwebles

  • Huwag papayagan ang mga bata na tumalon o tumayo sa muwebles. Nakakatulong ito na maiwasan ang mga pagbagsak.
  • Maglagay ng mga pangdepensa sa sulok at gilid sa matatalim na gilid ng muwebles tulad ng mga lamesang pangkape, lamesita, at fireplace hearth.
  • Itabi ang lahat ng maselan, nababasag, at mahahalagang bagay sa mga lamesa at istante hanggang 4 – 5 taong gulang ang iyong anak.
  • Ilagay ang mga computer at elektronikong gamit sa hindi maaabot ng bata. Itulak palayo sa gilid ng patungan ang mga bagay gaya ng TV, lampara, o stereo at ikabit ito sa dingding upang huwag aksidenteng mabagsakan ang mga bata na nagtatangkang gumapang o tumayo. Ikabit sa dingding ang mga lalagyan ng libro at ang mabibigat na muwebles gamit ang isang maliit na angkla para hindi mahila ng bata ang muwebles mag-isa.
  • Panatilihing pirmes na nakasara ang lahat ng drawer ng tokador. Napipigilan nito ang mga bata na umakyat sa mga drawer, at pinoprotektahan ang maliliit na daliri na maipit.
  • Alisin o higpitan ang lahat ng maluwag na hawakan sa mga kabinet o muwebles.
  • Maging may kamalayan sa mga panghilig at nakatagong higaan. Ang mga kamay o ulo ng mga bata ay maaaring maipit habang sumasara ang silya o higaan.
  • Alisin agad ang laman ng lahat ng ice chest, bucket, o iba pang sisidlan ng likido para maiwasan ang pagkalunod.
  • Huwag iwan ang iyong sanggol mag-isa sa isang carrier, high chair o lamesang palitan ng lampin.
  • Ilayo ang mga halaman sa naaabot ng bata. Takpan ang ibabaw na lupa ng malaking halaman ng screen na nylon para mapigilan ang bata na maglaro o kumain ng lupa.
  • Ikandado ang kabinet na lalagyan ng alak. Kapag naglapag ka ng inuming de-alkohol, siguruhing hindi ito abot ng bata.

Mga sahig, Carpet, at Rug

  • Iwasan ang buhul-buhol na pagka-carpet at makakapal na rug dahil ang mga aspile, butones, at mga retaso ay maaaring mawala sa fabric.
  • Tignan ang sahig araw-araw kung may maliliit na mga bagay tulad ng aspile o maliliit na piraso ng pagkain tulad ng popcorn at mani na maaaring makahirin sa sanggol.
  • Huwag maglalagay ng mga scatter rug na malapit sa itaas ng hagdanan.
  • Maglagay ng hindi pampadulas sa mga scatter rug para ipirmes ang mga ito sa puwesto.

Mga saksakan, Kurdon, at mga Appliance

  • Takpan ng mga pantakip ang mga hindi ginagamit na saksakan para mapigilan ang bata sa pagsusuksok ng mga bagay sa loob ng saksakan. Siguruhin na hanapin ang mga saksakan sa likuran ng muwebles at takpan din ang mga ito.
  • Siguruhin na mahigpit na nakalapat ang mga pansaksak sa mga saksakan sa pader.
  • Iwasan ang paggamit ng mga extension na kurdon maliban kung talagang kinakailangan. Ilayo nang husto ang lahat ng kurdon sa hindi maaabot ng mga bata sa pamamagitan ng pagsuksok sa mga ito sa ilalim ng mga piraso ng muwebles, pag-tape sa mga ito sa mga pader, o pagbalumbon sa mga ito sa paligid ng mga pangpaikli ng kurdon o mga paa ng mabibigat na lamesa.
  • Ilagay ang mga charger at kurdon ng cell phone, MP3 player, tablet at iba pang elektronikong mga device sa hindi maaabot ng bata.
  • Palitan agad ang mga pundidong bumbilya. Huwag kailanman iiwanan ang isang lampara nang walang bumbilya.
  • Itago ang mga baterya sa hindi maaabot.
  • Siguruhing mabuting nahahanginan ang mga nabibitbit na pang-init at napoprotektahan ng mga protektor na pangkaligtasan. Alisin sa pagkakasaksak ang mga ito kapag hindi ginagamit.
  • Maglagay ng smoke o heat detector at isang carbon monoxide detector sa bawat palapag sa bahay sa bawat silid tulugan. Buwanang subukan ang mga alarma at magpalit ng mga baterya tuwing 6 na buwan.
  • Takpan ang maiinit na radiator o gawing mahirap ang mga ito na maabot ng bata sa pamamagitan ng paglalagay ng muwebles sa harapan ng mga ito.

Nursery at mga Silid tulugan

  • Huwag kailanman patutulugin ang iyong sanggol sa isang tulugan na pangmatanda ang laki o waterbed.
  • Siguruhin na hindi mas malapad ang mga harang ng kuna kaysa sa 2 at 3/8 na pulgada ang agwat. Alisin ang malalambot na bagay, laruan, at nakalaylay na kumot at unan sa kuna ng iyong sanggol. Maaaring maging sanhi ang mga ito ng kahirapan sa paghinga o pagkasakal. Palaging patulugin ang iyong sanggol ng nakatihaya.
  • Gumamit ng ilaw na panggabi sa nursery.
  • Isaalang-alang ang pagbili ng intercom na pangkuwarto para makatulong subaybayan ang mga aktibidad sa nursery at iba pang silid tulugan.
  • Iimbak ang mga gamot na pamahid, cream, pardible at lahat ng iba pang bagay na pampalit ng sanggol sa hindi maaabot.
  • Huwag gagamit ng mga baby powder o talcum powder. Ang mga sanggol ay maaaring hindi makahinga sa pulbos.
  • Isabit ang mga mobile at mga nakalawit na laruan sa hindi maaabot ng sanggol. Ang tali ay dapat na hindi hihigit sa 12 pulgada ang haba. Alisin ang mobile sa sandaling nakakatayo na ang sanggol.
  • Para sa mga silid na pinagsasaluhan ng dalawang bata, iayos ang sapin ng crib sa pinakamababa at itaas ang harang ng crib para hindi maabot ng nakatatandang bata ang sanggol o subukang buhatin siya. Alisin ang anumang muwebles na maaaring gamitin ng mas nakatatandang bata para umakyat sa kuna.
  • Gumamit ng mga hawakan ng pinto na hindi naila-lock para mabawasan ang anumang posibilidad na mai-lock ng mga bata ang kanilang sarili sa kuwarto.
  • Huwag kailan man maglalagay ng kuna o higaan ng bata na malapit sa isang bintana.
  • Iimbak ang mga laruan sa mga istante o sa mga plastik na kahon sa iba pang bahagi ng bahay. Ang mga laruan ng mas matandang bata ay maaaring mapanganib sa isang mas bantang anak. Ang isang anak na bata ay maaaring mabulunan sa maliliit na piyesa,at karamihan sa mga laruan ng mas matatandang bata ay may matatalim na gilid.
  • Siguruhin na ang mga takip sa mga baul ng laruan ay hindi mahuhulog o sasara at ang takip ay hindi napaka bigat na maikukulong nito sa loob ang iyong anak.
  • Ang mga bunk bed ay hindi inirerekumenda at marami nang binawing modelo. Tanging mga bata na lampas sa 6 na taong gulang ang dapat payagan na matulog sa isang bunk bed. Siguruhing may magkabilang harang ang gilid ng kama sa itaas.

Mga gate, Hagdanan, at mga Pinto

Ang karamihan sa gate na pangkaligtasan ay nasa pagitan ng 24 at 32 pulgada ang taas at maaaring itama sa mga espasyo na humigit-kumulang 27 hanggang 42 pulgada ang lapad. Ang ilan ay nagkakasya nang hanggang 20 piye ang lapad. Ang mga gate na pangkaligtasan na may kagamitang metal na ikakabit sa pader ay mas ligtas kaysa sa mga gate na ikinakabit salungat sa pader sa pamamagitan ng presyon.

  • Gumamit ng mga gate na ikinakabit ng kagamitang metal para maharangan ang hagdanan, mga ipinagbabawal na kuwarto, at mga lugar o espasyo kung saan ang kaligtasan at seguridad ang pinakamahalaga. Basahing mabuti ang mga direksyon at siguruhin na matibay ang gate kapag tapos ang trabaho.
  • Maaari ka rin gumamit ng gate na pangkaligtasan sa mga pintong daanan ng kuwarto ng mas matandang anak para protektahan ang sanggol sa mga laruan ng mas matandang anak.
  • Siyasatin ang espasyo sa pagitan ng mga poste sa isang hawakan ng hagdan. Ang agwat ay dapat na mababa sa 4 na pulgada ang lapad para maiwasan ang posibilidad na maipit ang ulo ng bata. Kung napakalapad ng agwat, magkabit ng pino, maraming telang parang panglambat o Plexiglas sa kahabaan ng hawakan.
  • Panatilihing walang nakakalat o anumang bagay na maaaring matapilok ang isang tao.
  • Gumamit ng mga lock na toddler-proof sa mga pinto at screen. Ang mga espesyal na protektor ay mabibili para mapanatiling naka-lock ang mga pinto ng patyo. Panatilihing nakasara ang mga pinto at naka-lock ang mga pinto sa labas sa lahat ng oras, kahit na ikaw ay nasa bahay.
  • Maglagay ng salaming pangkaligtasan sa malalaking bintana at mga pinto ng patyo. Ang mga ito ay shatter-proof kung bumangga o maghulog ang isang bata sa mga ito.
  • Maglagay ng mga simbolo sa mga pintong salamin o bintana para maiwasang mabunggo ang iyong anak sa mga ito.
  • Palitan ang mga pampigil ng pinto na may mga takip na goma. Ang mga takip ay maaaring maalis at malulon ng mga batang anak.
  • Panatilihing lubos na nakabukas o ganap na nakasara ang mga natutuping pinto para hindi maiipit ng mga ito ang mga daliri ng bata.
  • Gumamit ng pangkaligtasang pantakip sa mga door knob para maiwasang mabuksan ng mga bata ang pinto.

Mga bintana

  • Ilayo ang lahat ng kurdon mula sa mga kurtina o blind sa maaabot o gumamit ng aparatong pang-ikit ng kurdon. Makipagugnayan sa Window Covering Safety Council sa https://windowcoverings.org/ para makakuha ng libreng kit na may pangkaligtasang palawit, pantaling mga device, at mga instruksyong pangkaligtasan. Isaalang-alang ang pagpapalit sa blinds na may hinihilang tali sa walang taling blinds (mabibili sa karamihan ng tindahan sa pagpapaganda ng bahay).
  • Isabit ang mga kurtina sa hindi naaabot ng gumagapang para hindi mahila pababa ang mga ito.
  • Huwag mag-iiwan ng anumang muwebles o bagay na malapit sa isang bintana na maaaring pag-akyatan ng bata.
  • Magkabit ng mga protektor ng bintana o lambat para maprotektahan ang iyong anak sa pagkakahulog sa isang bintana. Ang mga regular na screen ng bintana ay hindi mapoprotektahan ang iyong anak. Kung mayroon kang mga bintanang sash, kumuha ng mga lock ng bintana na pahihintulutan lang na mabuksan ang bintana sa isang ligtas na taas.

Mga lugar sa Labas, Garahe, at Workshop

  • Iimbak ang mga kasangkapan at kagamitang pangdamo sa hindi maaabot ng mga bata. Takpan ang matatalim na gilid. Alisin sa pagkakasaksak ang mga kasangkapang de-kuryente kapag hindi ginagamit.
  • Siyasatin ang iyong bakuran para sa mga halamang nakalalason. Ang Poison Help Line (1-800-222-1222) ay mabibigyan ka ng isang listahan ng mga halamang nakalalason na karaniwan sa iyong lugar.
  • ItaIlagay ang mga pintura, gasolina, pestisidyo, at iba pang kemikal sa hindi abot ng bata. Tatakan nang wasto at itapon ang mga hindi na gamit na kemikal. Panatilihing mahigpit na nakasara ang mga basurahan.
  • Siyasatin ang mga set ng swing at mga muwebles sa labas ng bahay para sa kalawang, mga salubsob, at mga biyak na maaaring makatusok o masilo ang mga daliri ng iyong anak.
  • Huwag kailanman gumamit ng mower o gumawa sa isang sasakyan na kasamang naroon ang isang maliit na bata. Ang mower ay maaaring maghagis ng mga patpat o bato na may sapat na puwersa para masugatan ang mga bata.
  • Huwag kailanman mag-iimbak ng hindi ginagamit o sirang freezer o refrigerato kung saan maaaring akyatin at pasukin ng bata.
  • I-lock ang anumang sasakyang naka-park sa garahe o driveway para hindi makapasok ang isang bata.
  • Gumamit lamang ng tagabukas ng garahe na bumabalik kapag may nasalat itong anumang bagay. Siyasatin ang pinto sa pamamagitan ng pagsara nito sa isang mabigat na cardboard na kahon para makasiguro na gumagana ito. Panatilihing naka-lock ang pambukas ng pinto ng garahe o nasa compartment ng guwantes.
  • Kung mayroon kang baril, kandaduhan ito at alisan ng bala. Itago ang baril at bala sa magkahiwalay, naka-lock na mga cupboard.
  • Kung mayroon kang pool, siguruhin na may bakod ito na hindi bababa sa apat na piye ang taas. Gumamit ng kusang-sumasara, kusang-naglalatch na gate at panatilihin itong naka-lock kapag hindi ginagamit. Palaging bantayan ang iyong anak kapag nasa tubig.
  • Bantayan ang mga bata ay huwag kailanmang iiwanang mag-isa ang mga iyon sa paligid ng tubig, kabilang ang mga pool na nalalakaran, swimming pool, mga spa o hot tub, sapa, lawa, batis, o anumang iba pang nakalantad na tubig. Kapag ang bata ay nasa tubig, dapat na may isang adultong nasa tubig din at malapit upang maabot at sumunggab sa kaniya kung kailangan.
Developed by Change Healthcare.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng Change Healthcare.
Huling binago: 2017-07-27
Huling narepaso: 2017-09-25
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries
Page footer image