Page header image

Kaligtasan sa Sasakyan: Mga sanggol

(Car Safety: Infants)

________________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang mga panlikod na upuang pangkaligtasan ay ang tanging ligtas na paraan para sa iyong anak para maglakbay, kahit na sa maiikling biyahe.
  • Siguraduhing napapakain ang iyong anak at napapalitan ang diaper bago bumiyahe gamit ang kotse.
  • Huwag maglalagay ng mabibigat o matatalim na bagay, o mga bagay sa sasakyan. Maaari nitong ilipat at mapinsala ang iyong anak.
  • Huwag kailanman iiwanang nag-iisa ang isang bata sa isang naka-park na sasakyan, kahit na sandali.

________________________________________________________________________

Ang paglalabay sa sasakyan ay dapat na ligtas at kalugud-lugod na panahon para sa iyo at sa iyong sanggol. Ayon sa batas, ang mga sanggol at bata ay dapat sumakay sa nasubok-sa-pagbangga, mga ligtas sa bata na mga upuan. Huwag sasakay na nakakandong ang iyong anak, nasa isang nabibitbit na kuna o nasa isang higaang pangsasakyan. Siguruhin na lalapat sa iyong anak ang pipiliin mong upuang pangkaligtasan na pangsasakyan – ang mas maliit na bata ay maaaring lumusot sa isang upuan na napakalaki.

Ang mga batas sa upuang pangkaligtasan ay maaaring mag-iba-iba mula sa bawat estado at batay sa edad, taas at timbang ng iyong anak. Tingnan ang mga batas ng iyong estado. Basahin ang mga direksyon na sumasailalim sa upuang pangkaligtasan upang masiguro na magamit ito ng tama.

Tungkol sa mga upuang pagkaligtasan ng bata

  • Ang mga sanggol ay dapat na sumakay sa likod na upuan na mayroong 5 point harness hanggang sa sila ay maging 2 taong gulang o maabot nila ang tamang timbang o taas para sa upuan. Ito ang pinakamainam na paraan para protektahan ang ulo at leeg ng sanggol. Ang gitnang upuan sa likuran ang palaging pinakaligtas na puwesto para sa iyong sanggol, kahit na ikaw lang ang matanda sa sasakyan.
  • Ang LATCH ay isang paraan para ikabit ang mga upuang pangkaligtasan ng bata nang hindi ginagamit ang mga seat belt. Ipinag-uutos na LATCH sa karamihan ng upuang pagkaligtasan ng bata at mga sasakyan magmula noong 2002. Itinatali ang upuang pagkaligtasan ng bata na LATCH sa mga mababang angkla at isa tether na akla sa isang LATCH-equipped na sasakyan. (Karamihan sa mga upuang pang-sanggol na nakaharap-sa-likuran ay hindi na kailangan ng pang-ibabaw na tether strap o pangkawit.)
  • Ang ilang upuang pangkaligtasan ay hindi maikakabit nang wasto sa ilang sasakyan. Suriin bago bumili ng upuang pangsasakyan para makasiguro na gagana ito sa iyong sasakyan. Huwag kailanman tatanggap ng gamit nang upuang pangkaligtasan na nawawala ang anumang piyesa o mga pagtuturo, higit sa 10 taon gulang, o galing na sa isang banggaan. Kung hindi mo alam ang kasaysayan ng upuang pangkaligtasan ng sasakyan, huwag gamitin ito.
  • Siguruhin na nakakabit nang wasto sa sasakyan ang upuang pangsasakyan. Hindi ito dapat higit sa 1 pulgasa sa anumang direksyon. Basahing mabuti ang mga pagtuturo sa kung papaanong ikabit nang wasto ang upuang pangkaligtasan. Siyasatin ang iyong manwal ng may-ari para siguruhin na alam mo kung saan ikakabit ang upuan sa iyong sasakyan.
  • Siguraduhin na ang iyong anak ay akma sa upuan kapag nai-buckle mo sila. Suriin ang harness ng upuang pangkaligtasan para masigurong mahigpit at ligtas ito. Siguraduhin na ang harness straps ay nasa o mas mababa sa mga balikat ng inyong anak at na ang chest clip ay kapantay ng kili-kili.
  • Irehistro ang car seat sa tagagawa kaagad pagkatapos bilhin ito. Pangyayarihin nito na matawagan ka ng kumpanyam tungkol sa mga recall at babala tungkol sa kaligtasan.
  • Kung hindi ka sigurado kung lalapat nang wasto ang iyong upuan sa iyong sasakyan, kontakin ang isang ospital ng mga bata o lokal na kagawaran ng sunog. Karamihan sa kanila ay may programang nagpapahiram ng upuan ng bata at matutulungan ka na humanap ng upuan na aakma nang wasto. Matutulungan ka rin nila na ikabit ito nang wasto. Ang kumpanya ng insurance ng iyong sasakyan ay maaari rin mag-alok ng programang nagpapahiram ng upuang pangbata. Maaari mo rin kontakin ang programang pangkaligtasan sa highway ng estado.
  • Ang mga sanggol na may mga espesyal na problema sa kalusugan o mga kundisyong medikal ay maaaring kailanganin ng ibang sistemang pangpigil. Makipag-usap sa iyong healthcare provider tungkol dito.
  • Suportahan ang maliit na sanggol sa pamamagitan ng paglalagay ng mga nirolyong tuwalya, lampin, o mga pangbalabal na kumot sa makabilang gilid ng upuang pangkaligtasan para hindi mahulog ang ulo sa magkabilang gilid. O bumili ng suporta sa ulo.
  • Limitahan kung gaanong katagal ang ginugugol ng iyong sanggol sa isang upuang pagkaligtasan ng sasakyan habang wala siya sa sasakyan. Kapag nakaupo siya sa bahay o childcare, hindi makagagalaw ang iyong sanggol o makakapagsiyasat ng mga bagay sa paligid niya. Ang kakayahang gumalaw at makisalamuha sa mga bagay sa paligid niya ay matutulungan ang iyong sanggol na lumaki at ma-develop.

Paglalakbay sa Sasakyan

Sa malamig na panahon, sa halip na isang malaking snowsuit, damitan ang iyong sanggol ng isang magaan na jacket at sumbrero at balutan siya ng kumot para sa init. Huwag kailanman hahayaang matakpan ng kumot (o comforter o quilt) ang ulunan ng sanggol na natutulog sa higaan o sa isang upuang pangkaligtasan ng sasakyan. Ang mga unan, kumot, at mga stuffed toy ay maaaring magdulot sa isang sanggol na mahadlangan ang paghinga o masakal.

  • Kapag ang iyong sanggol ay gising at tahimik, dumadaldal nang mabilis, o palinga-linga, kumakanta o humuhuni ng mga kanta, o nagsasalita tungkol sa kung ano ang ginagawa mo o kung saan ka pupunta. Matututunang i-enjoy ng iyong sanggol ang paglalakbay sa sasakyan dahil masaya kang kasakay. Kung ang iyong sanggol ay may paboritong kumot, ilagay ito sa maaabot niya.
  • Magdala ng 1 o 2 malambot, na mga stuffed toy na nilalaro lamang sa loob ng sasakyan. Nakatutulong itong mabawasan ang pagkainip. Ang dangkal ng atensyon ng iyong sanggol ay napaka-ikli. Huwag asahang mananatili siyang abala sa loob ng ilang minuto.
  • Habang lumalaki ang iyong sanggol, huwag pansinin ang pagsigaw, pagtili, at pagmamamakawa. Sa oras na tumigil ang iyong sanggol, magsimulang kausapin o kantahan siya uli. Huwag alisin ang iyong sanggol mula sa upuang panglakigtasan dahil umiiyak siya. Ang paggawa nito ay magtuturo lamang sa kaniya na patuloy umiyak hanggang sa alisin mo siya dito, Alisin lamang siya kapag tahimik lamang siya.
  • Huwag maglalagay ng mabibigat o matatalim na bagay sa loob ng sasakyan. Ang biglaang paghinto ay maaaring magsanhi sa kanila na umusog at masaktan ang mga pasahero. Subukang itago lahat ng maluluwag na pakete sa loob ng trunk o itali sa likod ng sasakyan.
  • Maaaring magkapaltos ang mga sanggol mula sa mainit na mga seatbelt at mga buckle ng harness. Takpan ang mga metal na bahagi sa panahong mainit.
  • Maglagay ng mga shade sa mga bintana sa likod para protektahan ang iyong sanggol sa maliwanag na araw. Huwag gumamit ng hood para protektahan ang iyong sanggol mula sa araw dahil makakabawas ito sa daloy ng hangin at magigigng sanhi ng sobrang pag-iinit.
  • Siguruhing nakasara ang lahat ng pinto bago paandarin ang sasakyan. Habang lumalaki ang iyong sanggol, turuan siya na huwag paglaruan ang mga pinto at mga lock.
  • Bago ang isang mahabang biyahe, siguruhing napakain ang iyong sanggol at nalapinan nang bago. Kung sa palagay mong kinakailangang pakainin o palitan ng lampin ang iyong anak, subukang tumigil bago siya magligalig.
  • Sa mahahabang biyahe, payagan ang madadalas na paghinto para magpahinga. AAlisin ang iyong sanggol mula sa car seat at pahigain o padapain siya para marelaks ang mga kalamnan.
  • Kung sasama ang iyong sanggol sa paglalakbay sa isang sasakyan kasama ang ibang magmamaneho (lola o lolo, tiyahin, tiyuhin, o babay sitter), siguruhin na gagamitin nila ang upuang pangkaligtasan ng sasakyan, at siguruhin na wastong nakakabit ito.
  • Pumarada kung saan maibababa mo ang iyong sanggol sa isang bangketa na malayo sa trapiko.
  • Huwag kailanman iiwanang nag-iisa ang isang bata sa isang naka-park na sasakyan, kahit na sandali.
    • Ang heat stroke ay maaaring mangyari sa mga sanggol at maliliit na bata sa loob lang ng ilang minuto, kahit na kung ang bintana ay nakabukas.
    • Ang kotse ay maaaring umandar kapag napaglaruan ng bata ang mga kontrol.
    • Maaaring maipit at masakal ang isang bata ng power window kapag tumaas ito habang siya ay nakadungaw.
    • Ang isang bata ay maaaring ma-trap sa isang trunk ng sasakyan habang naglalaro.

Kung malakihan ng iyong sanggol ang upuang pangkaligtasan bago ang kaniyang unang kaarawan, gumamit ng convertible o 3-sa-1 upuang pangkaligtasan na nakaharap s alikod. Ang mga upuan ito ay magagamit sa 3 paraan: nakaharap-sa-likuran, nakaharap-sa-unahan, o bilang isang booster na upuan para sa maa matandang mga bata. Ang klase ng upuang pangkaligtasan na ito ay maaaring gamitin nang mas matagal ng iyong anak, ngunit ito ay mas malaki kaysa sa isang upuan ng sanggol at walang mga hawakan na pangbitbit. Ang mga bata ay dapat sumakay sa likurang upuan ng sasakyan hanggang sa edad na 13.

Basahin ang mga direksyon na kasama sa upuan o tanungin ang iyong healthcare provider kung kailan lilipat sa isang upuang pangkaligtasan ng batang bago pa lang lumalakad. Ang mga batang nag-aaral na ay dapat umupo sa mga upuang belt positioning booster hanggang sa edad 8 taon o hanggang sa magkasya ang regular na seat belt. Ito’y labag sa batas para sa isang bata na sumakay sa sasakyan nang hindi ligtas na naka-buckle sa isang upuang pangkaligtasan. Ito’y labag sa batas dahil sobra, sobrang mapanganib ito. Mangyaring gawin kung ano ang pinakamainam para sa iyong anak—gumamit ng upuang pangkaligtasan sa tuwing sasakay sa sasakyan.

Para sa mga tanong kung paano ikabit at gamitin ang iyong car seat, makipagugnayan sa:

Developed by Change Healthcare.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng Change Healthcare.
Huling binago: 2017-10-11
Huling narepaso: 2017-09-20
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries
Page footer image