Kaligtasan sa Sasakyan: Mga batang Lampas sa 1 Taong Gulang
________________________________________________________________________
MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO
- Ang mga upuang pangkaligtasan at mga seat belt ay ang tanging ligtas na paraan para sa iyong anak para maglakbay, kahit na sa maiikling biyahe.
- Kailangan mo ring turuan ang inyong anak kung paano kumilos sa loob ng sasakyan.
- Huwag kailanman iiwanang nag-iisa ang isang bata sa isang naka-park na sasakyan, kahit na sandali.
________________________________________________________________________
Ang paglalabay sa sasakyan ay dapat na ligtas at kalugud-lugod na panahon para sa iyo at sa iyong anak. Ito ang magandang pagkakataon para kausapin at turuan ang iyong anak kung paano kumilos sa loob ng sasakyan.
Ang mga upuang pangkaligtasan at mga seat belt ay ang tanging ligtas na paraan para sa iyong anak para maglakbay, kahit na sa maiikling biyahe. Ang mga batas sa upuang pangkaligtasan ay maaaring mag-iba iba mula sa bawat estado at batay sa edad, taas at timbang ng iyong anak. Tingnan ang mga batas ng iyong estado. Basahin ang mga direksyon na sumasailalim sa upuang pangkaligtasan upang masiguro na magamit ito ng tama. Heto ang ilang pangkalahatang mga alituntunin:
- Ang mga sanggol ay pinakaligtas na nakaupo sa isang na nakaharap-sa- likurang upuan na may 5-point na harness hanggang bago sila mag-2 taong gulang o hanggang maaabot ang maksimum na timbang o taas para sa upuan.
- Ang mga batang 2 hanggang 4 na taong gulang ay kailangang umupo sa upuang pangkaligtasan na nakaharap-sa-unahan na may 5-point na harness. Ilagay ang upuan sa likod na upuan hanggang sa maabot ng iyong anak ang maksimum na timbang at taas para sa upuan.
- Sa sandaling nasa pagitan ng 40 at 80 pound ang iyong anak at kulang sa 4 na piye 9 na pulgada ang taas (kadalasang sa pagitan ng 4 at 8 taong gulang), maaari kang gumamit ng booster seat sa likurang upuan ng sasakyan. Ginagawa ng booster seat na wastong nakalapat ang kandungan at ang mga shoulder belt sa kabila ng mas mataas na hita at mga balakang at sa kabila ng balikat.
- Ang mga seat belt ay ginagamit para sa lahat ng batang 9 hanggang 12 taong gulang, pero dapat pa rin silang paupuin sa likod ng kotse.
Sa anumang edad, ilagay upuang pangkaligtasan ng iyong anak sa likurang upuan ng sasakyan. Huwag kailan man ilalagay ang iyong anak sa harapang upuan. Ang mga airbag sa harapan ng sasakyan ay maaaring makapanakit o makapatay sa mga kabataan. Ang mga batang lagpas na sa edad 13 ay puwede ng umupo sa harap ng kotse gamit ang regular na lap at shoulder belt.
Tungkol sa mga Upuang Pangkaligtasan
- Ang LATCH ay isang paraan para ikabit ang mga upuang pangkaligtasan ng bata nang hindi ginagamit ang mga seat belt. Naging kailangan na ang LATCH sa karamihan ng upuang pankaligtasan ng bata at mga sasakyan mula noong 2002. Ang LATCH na upang pangkaligtasan ng bata ay ikinakabit sa ibabang mga angkla at isang tether na angkla sa isang sasakyang kinabitan-ng-LATCH. (Karamihan sa mga upuang pang-sanggol na nakaharap-sa-likuran ay hindi na kailangan ng pang-ibabaw na tether strap o pangkawit.)
- Ang ilang upuang pangkaligtasan ay hindi maikakabit nang wasto sa ilang sasakyan. Suriin bago bumili ng upuang pangsasakyan para makasiguro na gagana ito sa iyong sasakyan. Huwag kailanman tatanggap ng gamit nang upuang pangkaligtasan na nawawala ang anumang piyesa o mga pagtuturo, higit sa 10 taon gulang, o galing na sa isang banggaan. Kung hindi mo alam ang kasaysayan ng upuang pangkaligtasan ng sasakyan, huwag gamitin ito.
- Siguruhin na nakakabit nang wasto sa sasakyan ang upuang pangsasakyan. Basahing mabuti ang mga pagtuturo sa kung papaanong ikabit nang wasto ang upuang pangkaligtasan. Siyasatin ang iyong manwal ng may-ari para siguruhin na alam mo kung saan ikakabit ang upuan sa iyong sasakyan.
- Mahigpit na ikabit ang upuan sa iyong sasakyan. Hindi ito dapat higit sa 1 pulgasa sa anumang direksyon. Kung hindi ka sigurado kung lalapat nang wasto ang iyong upuan sa iyong sasakyan, kontakin ang isang ospital ng mga bata o lokal na kagawaran ng sunog. Karamihan sa kanila ay may programang nagpapahiram ng upuan ng bata at matutulungan ka na humanap ng upuan na aakma nang wasto. Matutulungan ka rin nila na ikabit ito nang wasto. Ang kumpanya ng insurance ng iyong sasakyan ay maaari rin mag-alok ng programang nagpapahiram ng upuang pangbata. Maaari mo rin kontakin ang programang pangkaligtasan sa highway ng estado.
- Siguraduhin na ang iyong anak ay akma sa upuan kapag nai-buckle mo sila. Suriin ang harness ng upuang pangkaligtasan para masigurong mahigpit at ligtas ito. Siguraduhin na ang harness straps ay nasa o mas mababa sa mga balikat ng inyong anak at na ang chest clip ay kapantay ng kili-kili.
- Irehistro ang car seat sa tagagawa kaagad pagkatapos bilhin ito. Pangyayarihin nito na matawagan ka ng kumpanyam tungkol sa mga recall at babala tungkol sa kaligtasan.
- Ang mga batang may espesyal na mga problema sa kalusugan o mga kundisyong medikal ay maaaring kailanganin ng ibang sistemang pangpigil. Makipag-usap sa iyong healthcare provider tungkol dito.
Mga patakaran sa Daan
- Gumawa ng patakaran na inilalagay ng bawat isang nasa loob ng sasakyan na “Itaas ang mga kamay!” para makita na hindi nakaharang ang kanilang mga kamay bago isara ang mga pinto ng sasakyan.
- Gumawa ng tuntunin na hindi aandar ang sasakyan hangga't ang lahat ay ligtas naka-buckle. Magbigay ng magandang halimbawa sa pamamagitan ng pagsuot ng iyong seat belt sa tuwing magmamaneho.
- Magtakda ng mga patakaran tulad ng walang magtatapon ng anumang bagay sa loob ng sasakyan, walang maglalaro sa mga lock ng pinto o bintana, walang mang-aagaw ng manibela o mga susi ng sasakyan, at walang magtatanggal ng mga seat belt. Paalalahan ang iyong anak tungkol sa mga patakarang ito bago sa mga pagsakay sa lahat ng sasakyan.
- Tumabi at itigil ang sasakyan kung sinusubukang tanggalin ng iyong anak ang seat belt, lumabas sa upuan ng sasakyan, o kung nagsisimulang sumigaw o makipag-away ang iyong anak. Manatiling kalmado at hindi emosyonal. Huwag simulang paandarin ang sasakyan hanggang sa tumahimik ang lahat.
- Huwag maglalagay ng mabibigat o matatalim na bagay sa loob ng sasakyan. Ang biglaang paghinto ay maaaring magsanhi sa kanila na umusog at masaktan ang mga pasahero. Subukang itago lahat ng maluluwag na pakete sa loob ng trunk o itali sa likod ng sasakyan.
- Huwag payagan ang mga lollipop o Popsicle na may istik sa loob sa kotse. Iwasan ang mga inumin na may mga straw. Sa isang biglaang paghinto o aksidente, maaaring mapanganib ang mga ito.
- Huwag hahayaan ang mga bata na kumain na maaaring magdulot ng pagkahirin sa isang umaandar na sasakyan. (Kabilang sa ilang halimbawa ang mga ubas, matigas na kendi, at hot dogs). Ang iyong reaksyon sa kanilang pagkahirin ay maaaring magdulot sa iyo na maaksidente.
Paglalakbay sa Sasakyan
- Ang iyong mga unang pagsakay ay dapat na maiikling pagsasanay sa pagsakay, marahil sa paligid ng block. Ituro ang mga interesanteng bagay na makikita ng iyong anak. Gawing posotibong oras ito para sa iyong dalawa. Kumanta o maglaro.
- Kausapin ang iyong anak habang nagmamaneho ka. (Bilang halimbawa: “Masarap na tanghalian iyon, hindi ba?” o “Napakalaking tinulong mo sa akin sa tindahan” o “Masayang bisitahin si lola”).
- Magandang panahon din ito na turuan ang iyong anak tungkol sa mundo. (Bilang halimbawa, "Tingnan mo ang malaking, pulang, truck ng bumbero? Tingnan mo kung gaanong kabilis tumakbo ito. Ano ang ginagawa ng mga bumbero? Ang ilaw sa itaas ay pula. Ano pa ang pula?”) Dapat na bagay sa edad ng iyong anak ang ituturo mo.
- Pagkatapos na pagkatapos ng pagsakay, gantimpalaan ang iyong anak ng 5 hanggang 10 minuto ng iyong panahon na ginagawa ang isang bagay na gusto ng iyong anak. Bilang halimbawa, maaaring magbasa ka ng kuwento o maglaro, o hayaang tumulong ang iyong anak na mag-ayos ng tanghalian o itabi ang mga grocery. Gayunman, huwag gagantimpalaan ang iyong anak ng mga regalo o pagkain para sa magandang pag-uugali.
- Kapag naglalakbay sa mainit na panahon, magdala ng maraming malamig na mga inumin para sa iyong anak. Damitan ang mga bata nang magaan.
- Maglagay ng tabing sa likod para maingatan ang iyong anak mula sa sikat ng araw. Huwag gumamit ng hood para protektahan ang iyong sanggol mula sa araw dahil makakabawas ito sa daloy ng hangin at magigigng sanhi ng sobrang pag-iinit.
- Maaaring mapaso ang mga bata sa maiinit na seatbelt at mga buckle ng harness. Takpan ang mga metal na bahagi sa panahong mainit.
- Hayaan ang mga bata na lumabas at unatin ang kanilang mga binti paminsan-minsan sa mahahabang biyahe.
- Kung sasama ang iyong anak sa paglalakbay sa isang sasakyan kasama ang ibang magmamaneho (lola o lolo, tiyahin, tiyuhin, o babay sitter), siguruhin na gagamitin nila ang upuang pangkaligtasan ng sasakyan. Siguruhing tama ang pagkakabit nito sa iyong kotse.
- Huwag kailanman papayagan na sumakay ang mga bata sa bahagi ng kargamento ng isang pick-up, minivan, o station wagon.
- Magdala ng first aid kit at ng fire extinguisher sa iyong sasakyan.
Parking
- Mag-park kung saan maaaring buhatin ang iyong anak o makalalabas sa sasakyan sa gilid ng sidewalk na malayo sa trapiko.
- Huwag kailanman iiwanang nag-iisa ang isang bata sa isang naka-park na sasakyan, kahit na sandali.
- Ang heat stroke ay maaaring mangyari sa mga sanggol at maliliit na bata sa loob lang ng ilang minuto, kahit na kung ang bintana ay nakabukas.
- Maaaring maipit at masakal ang isang bata ng power window kapag tumaas ito habang siya ay nakadungaw.
- Ang kotse ay maaaring umandar kapag napaglaruan ng bata ang mga kontrol.
- Ang isang bata ay maaaring ma-trap sa isang trunk ng sasakyan habang naglalaro.
- Sanayin na palaging i-off ang motor ng sasakyan at alisin ang mga susi sa tuwing magpa-park ka. Ilayo ang iyong mga susi at aparatong remote sa maaabot ng mga bata. Kapag wala ka sa loob ng iyong sasakyan, pnatilihing naka-lock ang trunk at lahat ng pindutan para hindi makapasok ang mga bata.
- Bantayang mabuti ang mga bata sa paligid ng mga sasakyan lalo na kapag nagkakarga o nagdidiskarga. Turuan ang iyong anak na hindi ligtas na lugay ang mga sasakyan para maglaro.
Ito’y labag sa batas para sa isang bata na sumakay sa sasakyan nang hindi ligtas na naka-buckle sa isang upuang pangkaligtasan. Ito’y labag sa batas dahil sobra, sobrang mapanganib ito. Mangyaring gawin kung ano ang pinakamainam para sa iyong anak—gumamit ng upuang pangkaligtasan sa tuwing sasakay sa sasakyan.
Para sa mga tanong kung paano ikabit at gamitin ang iyong car seat, makipagugnayan sa:
Developed by Change Healthcare.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng
Change Healthcare.Huling binago: 2017-12-18
Huling narepaso: 2017-09-25
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries