Page header image

Hika na Nahihikayat-ng-Aspirin

(Aspirin-Induced Asthma)

_________________________________________________________________

MGA PINAKAMAHALAGANG PUNTO

  • Ang hika ay isang sakit sa baga na nagsasanhi ng pag-ubo, paghuni, at kakapusan ng hininga. Ang hikang naipluwensyahan-ng-aspirin ay nagsisimula sa pamamagitan ng pag-inom ng aspirin, ibuprofen, naproxen, o iba pang NSAID.
  • Maaaring kabilang sa paggagamot ang mga gamot sa hika na nilalanghap mo o iniinom. Ang ilang bata ay maaaring magamot sa pamamagitan ng klase ng therapy na tinatawag na aspirin desensitization. Ang prosesong ito ay dapat mapangasiwaan ng isang may karanasahang healthcare provider.
  • Para matulungang maiwasan ang hikang naimpluwensyahan-ng-aspirin, tulungan ang iyong anak na iwasan ang mga produkto na naglalaman ng aspirin. Siguraduhing babasahin ang mga etiketa. Ang mangilan-ngilang gamot ay naglalaman ng aspirin o iba pang NSAID.

________________________________________________________________________

Ano ang hika na nahihikayat-ng-aspirin?

Ang hika ay isang pangmatagalang (hindi gumagaling) sakit sa baga. Nagiging sanhi ito ng pag-ubo, paghuni, at kakapusan ng hininga.

Ang hikang naimpluwensyahan-ng-aspirin ay hikang nagsisimula sa pamamagitan ng pag-inom ng aspirin o iba pang nonsteroidal anti-inflammatory drugs (NSAID). Ang aspirin, ibuprofen, at naproxen ay mga NSAID.

Ang ganitong uri ng hika ay hindi karaniwan sa mga bata.

Ano ang sanhi?

Ang mga sintomas ng hika ay sanhi ng dalawang magkaibang problema sa mga daluyan ng hangin.

  • Ang isang problema ay ang mga kalamnan na nasa daanan ng hangin ay humihigpit, na nagiging sanhi ng paninikip ng dibdib at paghuni.
  • Ang iba pang problema ay pamamaga, iritasyon, at sobrang plema sa mga daluyan ng hangin.

Kung may hika ang iyong anak, kadalasang nagsisimula ang mga sintomas pagkatapos na malantad na malantad ang iyong anak sa isang nakapagpapasimula. Ang mga nagpapasimula ng hika ay maaaring isama ang:

  • Ehersisyo
  • Mga allergy, tulad ng alikabok, polen, amag, o balahibo ng hayop
  • Isang bagay na nakapag-iirita ng mga baga ng iyong anak, tulad ng malamig na hangin, usok, o matapang na amoy tulad ng pintura o pabango
  • Mga gamot tulad ng aspirin o mga NSAID
  • Isang impeksyon tulad ng sipon, ang trangkaso, o isang impeksyon sa sinus
  • Matitinding emosyon o stress
  • Impatso, tinatawag din na gastroesophageal reflux disease, o GERD. Kung madalas na nagkakaproblema ang iyong anak sa impatso sa asido, maaari siyang magkaroon ng maraming sintomas ng hika, lalo na sa gabi.

Ano ang mga sintomas?

Ang mga unang sintomas ng hikang naimpluwensyahan ng aspirin ay maaaring may kasamang pagbahing, tumutulo o baradong ilong, at pamumula at mainit na mukha. Nagsisimula sa 1 hanggang 3 oras ang mga sintomas pagkatapos uminom ng aspirin o ng mga NSAID. Ang atake ng hika na pinasisimulan ng aspirin at mga NSAID ay maaaring banta sa buhay. Sa maraming kaso, ang mga taong may hikang naimpluwensyahan ng aspirin ay mayroon ding mga polyp sa ilong (tumutubo sa aporo (lining) ng ilong o mga sinus), pangmatagalang sakit na sinus, at pagkawala ng pandamdam ng pang-amoy.

Ang mga batang may hika ay maaaring hindi maging sensitibo sa aspirin sa una. Maaaring nakainom sila ng aspirin o mga NSAID noong nakalipas nang walang anumang mga side effect. Ang mga sintomas ay maaaring hindi magsimula hanggang sa karampatang gulang.

Paano itong sinusuri?

Walang mga pagsusuri sa dugo o mga pagsusuri sa balat ang makakapag-diagnose ng allergy sa aspirin o mga NSAID. Tatanungin ng healthcare provider ng iyong anak:

  • Ang paggamit ng aspirin ng iyong anak
  • Gaano kadalas nagkakaroon ng mga sintomas ang iyong anak
  • Anumang iba pang allergy o mga nagpapasimula

Maaaring isangguni ka ng provider ang iyong anak sa isang espesyalista sa allergy para tingnan kung ang iyong anaky ay may iba pang allergy.

Paano itong ginagamot?

Kung nasuri na ang iyong anak na may hikang naimpluwensyahan ng aspirin, huwag paiinumin ang iyong ank ng mga produktong naglalaman ng aspirin.

Sa karaniwan, ang hikang naimpluwensyahan ng aspirin ay pinangangasiwaan sa parehong paraan gaya ng ibang uri ng hika. Tatlong klase ng gamot ang ginagamit para kontrolin ang hika:

  • Mga gamot na mabilis-na-panglunas, tinatawag din na reliever, o mga gamot na pangligtas. Ang mga gamot na ito ay ginagamit kapag kinakailangan para gamutin ang mga atake ng hika. Hindi ginagamit ang mga ito sa batayang regular, pang-araw-araw para mapigilan ang mga sintomas ng hika. Ikaw at ang iyong anak ay dapat matutunang kilalanin ang mga sintomas ng atake ng hika at inumin ang mga gamot na ito sa sandaling magsimula ang mga sintomas. Para maiwasan ang mga atake ng hika, maaaring kailanganin ng iyong anak ang ibang klase ng gamot na tinatawag na controller.
  • Ang mga gamot na pangmatagalan na pangkontrol, ay tinatawag din na mga gamot na controller. Sa pag-inom sa gamot na ito nang regular sa araw-araw, nakakatulong ito na kontrolin ang iyong mga sintomas ng iyong anak. Iinumin ng iyong anak ang mga gamot na ito araw-araw, kahit na hindi ka nagkakaroon ng mga sintomas ang iyong anak. Ang mga ito ay hindi nagbibigay ng mabilis na kaginhawahan sa paghinga nang may tunog sa malalalang atake ng hika.
  • Ang mga gamot na steroid, ay tinatawag din na mga controller na gamot ng hika, dahil sa pag-inom ng mga ito nang regular araw-araw, nakakatulong ang mga ito na kontrolin ang iymga sintomas ng iyong anak. Iinumin ng iyong anak ang mga gamot na ito araw-araw, kahit na hindi ka nagkakaroon ng mga sintomas ang iyong anak. Ang mga ito ay hindi nagbibigay ng mabilis na kaginhawahan sa paghinga nang may tunog sa malalalang atake ng hika. Ang mga gamot na steroid ay katulad sa mga hormone na ginagawa ng katawan. Hinahadlangan ng mga ito ang ilan sa mga kemikal na nagiging sanhi ng iritasyon at pamamaga sa mga daluyan ng hangin. Sa pagbabawas sa pamamaga, magkakaroon ka ng mas kakaunting sintomas at magagawang makahinga nang mas mabuti.

Ang ilang bata ay maaaring magamot sa pamamagitan ng klase ng therapy na tinatawag na aspirin desensitization. Magsisimula ang iyong anak sa pag-inom ng napakakaunting dosis ng aspirin sa isang medikal na kapaligiran kung saan ay mayroong suportang pang-emergency. Ang dosis ay maingat at dahan-dahang dinadagdagan hanggang sa mainom ang normal na dosis ng aspirin nang hindi nagkakasanhi ng mga sintomas. Habang dinadagdagan ang dosis, may pagkakataon ng isang biglaang pag-atake ng hika. Ang prosesong ito ay dapat mapangasiwaan ng isang may karanasahang healthcare provider. Sa sandaling magagawa ng iyong anak na uminom ng normal na dosis ng aspirin nang hindi nagkakaroon ng mga sintomas, patuloy na iinumin ng iyong anak ang dosis na iyon araw-araw. Habang nangyayari ito, mababawasan ang mga sintomas ng iyong anak. Mababawasan nito ang pangangailangan sa mga gamot sa hika at mapapabuti ang kontrol sa hika.

Magandang ideya na magsuot ang iyong anak ng ganitong klase ng ID (tulad ng Medic Alert bracelet) na nagsasabi na siya ay mayroong hika na nahihikayat-ng-aspirin. Kung kailangan ng iyong anak ang emergency na pangangalaga, operasyon, o mga pagsusuri sa lab, natutulungan nito ang healthcare provider na malaman kung paano gamutin ang iyong anak.

Maiiwasan ba ito?

Ang hikang naimpluwensyahan ng aspirin ay maaaring mapigilan. Iwasan ang mga produkto na naglalaman ng aspirin. Siguruhing basahin ang mga etiketa. Ang mangilan-ngilang gamot ay naglalaman ng aspirin o iba pang NSAID.

Huwag magbibigay ng aspirin sa mga batang 18 taon o mas bata maliban lang kung sinabihan ng iyong healthcare provider. Ito ay dahil sa peligro ng Reye's syndrome (isang sakit na nagdudulot ng pamamaga ng utak at atay).

Kung may hika ang iyong anak, gumamit ng mga NSAID tulad ng ibuprofen nang may pag-iingat. Kung may hika ang iyong anak at mga polyp sa ilong, huwag gagamit ng mga NSAID nang walang pag-aproba ng healthcare provider ng iyong anak.

Sa mga pambihirang kaso, ang acetaminophen ay maaari rin magpasimula ng atake ng hika. Ang mga reaksyon ay kadalasang hindi gaanong matindi kaysa sa mga reaksyon sa aspirin o iba pang NSAID. Ang acetaminophen ay ang gamot na madalas na ginagamit para sa lagnat pampaginhawa ng sakit sa mga tao na hindi makainom ng aspirin at mga NSAID.

Developed by Change Healthcare.
Pediatric Advisor 2018.1 nilathala ng Change Healthcare.
Huling binago: 2016-06-13
Huling narepaso: 2016-06-27
Ang nilalamang ito ay pana-panahong nirerepaso at sumasailalim sa pagbabago kapag mayroon nang bagong impormasyon sa kalusugan. Ang impormasyon ay inilalaan para ipabatid at magbigay kaalaman at hindi isang pangpalit para sa pagsusuri, payo, diyagnosis o paggagamot ng isang dalubhasa ng healthcare.
© 2018 Change Healthcare LLC and/or one of its subsidiaries
Page footer image